CHAPTER 8: IMPORTANT COSTUMERS

4.4K 95 2
                                    


LAILA'S POV....

Omay! Ni-reserved ang buong Coffee Shop for this day. Eh? Anong meron? Wala talaga akong Alam. Basta Ang Alam ko kinagabihan ay tinulungan ko si Boss Brix at Madam Jeth na mag-ayus dito. Ay Bobo! Birthday Party pala! Halata Naman eh. Lugaw pa siguro ako dahil kagigising ko pa ay nagmamadali agad akong pumasok. Excited na Kasi ako ulit makita si Madam Jeth. Sarap nyang kasama. Sa totoo nyan ay pareho kami na naattract sa mga cute tulad ni Boss Brix. Tawag pa nga nya dito ay Mr. Cute. Ahhh... Gusto ko din sya tawaging ganyan. FC Lang. Hahaha! Napansin ko din na parang naging mahiyain si Boss Brix Kay Madam Jeth. Nakakapagtaka lang dahil lagi naman silang magkasama... Bakit pa sya mahihiya sakanya? Baka naman.... Awww.... Ang sakit isipin. Unti-unti na tuloy naglalaho Ang kalandian ko sa katawan.

"Excited ahh... Matatagalan pa siguro makapunta Yun dito." Napatingin naman ako Kay Nix... Hayst. Hamit na akong Makita sya eh. Nakahanda na pala Yung mga desserts at different types of Coffee na pina-reserved. Nagtaka nga ako dahil for 7 Lang Ang nireserved na table at pagkain. Ehh? Ang unti Naman yata ng aattend ng B-day ni... Sir Aceson. Nabasa ko Lang. Hehehe. Ang unti talaga. Grande pa Naman itong ayus namin. Syempre katulong ako eh. Hohoho. Di nyo natatanong. I'm good in dessigni g any party occasion. Omo! Tulad kami ni Boss Brix. Hahaha!

"Padating na Yun..." Pagkasabi ko nun ay biglang may tumigil na kotse sa harap ng Coffee Shop. Unang bumaba si Madam Jeth. WAHHH! Ang Ganda nya! Kasunod nyang nagsibabaan ang mga kaibigan nya. Nung nakita ko naman yung panghuli. Omo! Laglag panty ng mga makakita sa kapogihan nya. Si Sir Aceson na ba Yun?? Wah! Kahit expressionless din tulad ni Boss ay Ang Pogi talaga na cute pa. San ka pa?? Omo! Buti mahigpit kapit ng garter Ng Panty ko. Hahaha! Nagbibiro Lang ako. Pero Ang Pogi nya talaga! Lumapit dito si Madam Jeth at tinakpan Ang mata ng kanyang kamay. Kung tela nalang pinangtakip nya. Hahaha! "Sabi ko sayo eh. Nandyan na sila..." Di naman ako nilingon ni Nix at nakangangang nakatingin sa mga babaeng kasama ni Madam Jeth. Magaganda sila... Hahaha! Sila oh. May nagustuhan agad.

"Morning!" Bati samin nung lalaki na kulay dilaw ang buhok. Wow naman. Hair style nya bumabagay sakanya. Napatingin Naman ako sa Isa pang lalaki na nakapamulsa. Ayt. Expressionless din. Uso na ba ang ganong ugali ngayon? Bumati Ang mga kasama ko sakanila samantalang ngumiti Lang ako.

"Wow! Ang ganda namanng---"

"Shhhh..."

"Sensya. Hehehe..." Naka-focus lang ang tingin ko dun sa dalawa. Si Madam Jeth at Sir Aceson. In all fairness. Bagay silang dalawa. Medyo boyish nga Lang tingnan si Madam Jeth. O talagang boyish sya. Nakita ko namang tinatanggal ni Sir Aceson yung kamay ni Madam Jeth pero di to nagpatinag. Sumenyas pa to sa mga kasamahan na maghanda na. Pumasok naman ako sa loob Ng kusina para tingnan Ang ginagawa ni Mr. Denewan. Medyo di Kasi ako komportable makisama sa mga di ko Naman close. Si Madam Jeth at Boss Brix Lang close ko eh.

"O Laila. Bakit ka nandito? Magsisimula na yata ang Party sa labas ah.." Lumapit ako sa pwesto ni Mr. Denewan at sinimulang tulungan nalang ito.

"Kaya na nila Nix Yun. Saka dito naman talaga ako sa kusina eh. Hinintay ko lang pagdating ni Madam Jeth." Ngumiti siya sakin habang busy sa paghahalo ng Cream na ginawa nya. Ako naman ay nagbasag ng itlog at pinaghihiwalay Ang puti sa dilaw.

"Ganun ba... Kamusta naman yung may kaarawan? Nasayahan ba sa hinanda nyo kagabi?" Nagkibit balikat ako sakanya. Pero di ko talaga malimutan kapugihan ni Sir Aceson. Habulin siguro Yun ng babae.

"Di ko Alam. Nagpasok na ako dito ay di pa sila nagsisimula---"

"HAPPY BIRTHDAY ACESON!!! WUHUU!!!"

"Yan. Nagsimula na sila. Sana magustuhan ni Sir Aceson tong hinanda namin kagabi. Hehehe..." Ngumiti lang sakin si Mr. Denewan. Napakunot naman Ang noo ko dahil gumagawa pa ng Cake si Mr. Denewan ay may Cake na kaming hinanda dun sa labas. Hala. Double Cake? Eh? Wala namang sinabing ganun kahapon si Madam Jeth. "Mr. Denewan... Para keno yang Cake na ginagawa mo? Pahabol na cake sa labas?" Umiling siya Ng bahagya Kaya lalong napakunot Ang noo ko. "Eh keno po yan?" Ngumiti siya sakin habang nilalagay Ang last toppings sa tuktok ng Cake. Tumingin siya sakin.

"Ito ay para sa importante naming Costumer..." Eh-eh....

"Diba sila Yun? Sino ba?" Omay! Curiousity again. Umiling siya...

"Bukod sila. Ito ay Ang bisita ni Boss. Mamaya siya dadating na Gabi Kaya maghanda ka. Di ba nasabi nila Gelo Ang tungkol dito sayo?" Umiling ako. Yung sila ah. Nilihiman ako. Kayamot. Pero marami pa namang time para maghanda. Hihihi.... Di ako lalabas ng kusinang ito pag dumating Yun. Bakit? Kasi baka makagawa na Naman ako Ng kapalpakan tulad kahapon. Hayst.

"Hindi nila sinabi sakin. Lagot sila sakin mamaya. Ang duduya eh. Pero Mr. Denewan--"

"Laila. Tawag ka ni Madam Jeth sa labas." Napatingin kami pareho Kay Gelo.

Tumango ako sakanya. Mamaya ko na nga Lang tatanungin si Mr. Denewan.

Paglabas ko ng Kusina ay sinalubong agad ako ni Madam Jeth at inakbayan. Yan na Ang sinasabi ko eh... Mahiyain pa naman ako. Pano na Yan? Pumunta kami sa unahan. Kaharap Ang mga kaibigan niya. Omo! Nakakahiya.

"Guys. Sya nga pala Ang katulong namin ni Brix sa pag-aayus nito. Sya halos gumawa dahil umalis kami pansamantala ni Brix para kunin Ang iba pang pang-decorate. Thanks pala Laila ah... Sya si Laila. Pakilala kayo sakanya..." Nanlaki Naman Ang mata ko. Tatanggi pa Sana ako Ng lumapit agad sakin Yung dalawang babae. Hala! Kahiya talaga!

"Hello! Ako nga pala si Mara at sya naman si Mica. Nice to meet you..." Kinuha niya Ang kamay ko at nag-shake hands. Eh?? Ganun din Yung Mica. Nahihiya nalang akong ngumiti sakanila.

"I like your decorating skills. Pwede ba kitang imbitahan samin? Magpapatulong Lang ako magpaganda ng kwarto ko. Kung pwede..." Napangiwi Naman ako. Pang-party Lang Kaya ko eh. Pano ba Yan. Tatanggihan ko ba sya?

"Magandang idea Yan Mara. Tutulong ako sainyo. Kelan ba Yan?" Mukhang di ako makakatanggi.... Ow No....

"In Friday. Payag ka ba Laila? Please..." Nagpuppy eyes pa sya. Ang Ganda nya.... Napansin ko Naman na natawa si Madam Jeth.

"Hahaha! Tulungan mo na Yan Laila. Jungle Ang kwarto Nyan eh." Natawa naman ako sa sinabi ni Madam Jeth pati na din si Mica. Yung dalawa namang lalaki ay Busy sa pagkain ng niluto ko. Yep. Maaga kasi akong pumasok diba. Tapos sinabi sakin ni Mr. Denewan na ako na daw gumawa ng Cupcakes at sya na sa cake. Sana magustuhan nila. Si Sir Aceson Naman ay tahimik sa gilid n nagbabasa ng libro. Sinamaan ng tingin ni Miss Mara si Madam Jeth.

"Jungle ka dyan. Grabe yang word term mo sa kwarto ko ah. Hmp." Lumapit si Madam Jeth kay Miss Mara at inakbayan ito.

"Biro Lang. Tulong din ako ah. Mukhang masaya Yan. Hahaha!" Napangiti nalang ako.

"Turuan mo ko Ng basic technique mo sa pagdedecor Laila ah. Gusto ko matuto..." Tumango ako Kay Miss Mica. Takaw pansin naman yung kulay dilaw ang buhok na lalaki na nagtatakaw ng cupcakes. Omay! Maigit nagustuhan nya.

"Mabulunan ka Sana..." At dahil nga sa sinabi nung isang lalaki na ka-table nya ay nabulunan nga ito. Hahaha! LT MUCH! Inabutan Naman agad siya ni Miss Mica ng tubig. " Napapala..." Ang mean Naman ni Sir oh.

"Dahan-dahan Kasi sa pagkain Yzon..." I smell something... Hohoho...

"Kelan ba mababawasan yang pagka-harsh mo? Ha? Kyle?" Nakapameywang na saad ni Miss Mara.

Di ko namalayan na nandun na pala sya sa harap ni Sir Mean. Hehehe. Mean nya Kasi eh...

"Hulaan mo..." Napa-irap nalang si Miss Mara. Sayang kakyutan nya oh. Kung ganyan ang ugali. May nagkakagusto pa ba sakanya? Syempre meron. Mas matimbang Kasi Ang itsura ngayon kesa ugali.

"Hahaha! Pagpasensyahan mo na sila ah. Mga may sira Kasi sila. Wag mo na silang isipin." Napangiti at tumango ako Kay Madam Jeth. Mean din Ng konti tong si Madam Jeth eh. Hahaha! Napansin ko Naman na tiningnan siya Ng masama Ng apat niyang kaibigan. Nagpeace sign Lang siya. Hahaha! Saya Naman Ng magkakabarkadang to... Namiss ko tuloy sila Brea. Omay! I want to see them badly now. Nakakainggit Kasi sila oh. Hahaha! Inggitera Lang Ang peg....

Being A Gangster King's Fake Girlfriend Where stories live. Discover now