CHAPTER 29: WELCOME PARTY CELEBRATION

3.5K 102 1
                                    


LAILA'S POV...

"Lea. Ano bang pinagsasabi mo? Ayus Lang si Ate. Nagpapart time job Lang ako para sa hospital bills ni Mama at sa allowance mo." Sigurado akong may kinalaman si Brea tungkol dito. Hayst. Sa kapatid ko pa talaga.

["Ate. Miss na Kita. Magkita Naman Tayo.."] Gustuhin ko man pero di ako makakalabas Ng Mansion.

"Hindi Pwede eh. Masyado akong busy. Baka Hindi Kita masipot. Lea... Bunso. Pinapangako ko. Pagbalik ko... Ikaw Ang unang-una Kong yayakapin. Nakahanda na pati mga pasalubong ko para sayo.

["Di ko kailangan Ng pasalubong. Malaki na ako. Ikaw Ang gusto ko ate. Balik ka na. Please..."] Napapailing nalang ako. Di ako sanay na Hindi siya kasama. Pero ayus na Yun. Baka madamay pa sya sa mga kaguluhang nangyayari sa akin. Pag may nangyaring masama sakanya o Kay Mama. Di ko mapapatawad Ang sarili ko. Hinding-hindi. Dahil pagnangako ako. Tinutupad ko. Di ako paasa.

"Okay. Gagawa si Ate Ng paraan. Tatawagan nalang kita pag may time akong makipagkita sayo. Okay na ba Yun?" Hayst. Kelangan ko gumawa Ng paraan. Pano Kaya ako makakalabas dito Sa mansyon??

["Yehey! Ate aasahan ko Yan ah."] Hayst. Kelangan ko makalabas dito. Kung makiu---hindi Hindi Hindi. Di mangyayari.

"LAILA! PUNTA KA SA---"

"YES BOSS! PAPUNTA NA PO!... Sige na Bunso. Pakabait ka dyan ha. Tawag na ako ni Boss Kaya ibababa ko na to. Ari ka namang tumawag anytime."

"ANONG PINAG---"

"OPO BOSS! WAIT LANG!" Putek ka Naman Kuya Jake eh. Please wag ka Ng humirit.

["Yes ate. I will do my best. Hehehe."] Hayst. Gusto ko pa kausapin Ng matagal kapatid ko eh.

"Bye. Goodnight." Dinungaw ko si Kuya Jake Mula sa bintana. Sisigaw na Naman Kaya sinenyasan ko na tumahik at may kausap ako. Napakamot sya sa batok at tumango.

["Bye ate. Goodnight. Excited na akong magkita Tayo."] Napansin ko na pormal masyado suot nya. Anong meron? Ah. Baka may pupuntahang importanteng occasion.

"Sige na Bunso. Bye." At pinatay ko na Ang tawag. Nilagay ko sa center table sa sofa Yung cellphone at bumaba Ng tree house. Nakapanjama pa ako at Sando na walang bra. Hahaha! Ayus Lang Yan. Di nya naman halata eh. Di ako flat. Katamtaman lagi Ng boobs ko Kaya. I'm just saying. Hehehe.

"Bakit Kuya Jake? Gabi na ah." Napansin ko namang kinilatis nya Ang suot ko. Eh? Problema nya?

"Halata nga sa suot mo. Mamaya ka na matulog. Magbihis ka Ng pormal at pumunta sa mansion." Napakunot Ang noo ko. Eh? Anyare?

"Eh? Anong meron?" Ngumiti Naman siya. In all fairness. Charming sya.

"May gaganapin na Welcome Party para sa pagdating ni Cindy. Syempre imbitado ka." Nanlaki mata ko. Omay! Ako?? Eh. Parang nahihiya ako pero sa totoo Lang Wala naman talaga akong hiya.

"Sus. Di na ako kelangan dun. Isa pa antok na ako. Kayo nalang kuya Jake." Tanggihan mo. Pero tunay. Antok na talaga ako. At di ako sanay sa mga party party na Yan. Masyadong elegante. Di bagay sakin.

"Wag ka na tumanggi. Baka gusto mong si Cindy mismo Ang sumundo sayo dito." Agad naman akong umiling. Wag Naman. Awkward na nga kanina eh. Mao-awkward na Naman ako. I hate that feeling.

"Sabi ko nga magbibihis na. Wag mo sya papapuntahin dito ah. Sige Kuya Jake. Mauna ka na don. Maliligo pa ako para fresh." Tumango siya pero di siya umalis. Kinunutan ko sya Ng noo. Napadikit ba paa nito sa semento? Charot.

"Hintayin na Kita. Sabay Tayo." Tatanggi Sana ako Ng maisip ko na nakakahiya namang pumasok sa party Ng ako Lang. Eye of attention. Ayaw ko nun!

"Okay. Tara sa taas. Hintayin mo ko sa Sala. Mabilis Lang ako." Tumango sya at tumaas na kami. Pagkatapos ko maligo ay nagtapis muna ako saka nagtoothbrush sa lababo. Nilingon ko Naman si Kuya Jake na nakatingin sakin.

Being A Gangster King's Fake Girlfriend Where stories live. Discover now