5

2.1K 41 0
                                    

Chapter 5

CASSANDRA

Kala ko 7 days akong may trabaho eh. Buti nalang wala akong pasok ng sunday. Hehe pahinga day. Hanggang kelan kaya ako magtatrabaho sa kanya? Ang mahal naman kasi ng sasakyan na yun eh. Miske ata umabot ako ng senior eh hindi ko pa tapos bayaran yon. Pero diba dapat yung nabasag ko lang yung babayaran ko? Ang daya naman. Pero di ko na tinangkang makipagtalo sa kanya dahil alam ko naman na isa sya sa pinaka maempluwensiyang tao sa mundo. Ineenjoy ko nalang bilang secretary nya.

Jenna Calling

"Hello bes? Napatawag ka"

[Later 7pm! Susunduin ka namin ni Apol dyan]

"Huy bakit anong meron?"

[Hello! Wala na tayong bonding tatlo. Basta no excuses, byieee mwaaa]

Oo nga no. Naging busy din pala ko this past few weeks. Osige tutal no excuses daw. Baka magalit pa saken yung dalawa. Siguro naman ay walang iuutos sakin si Sir Luke ngayon.

-----

"Saan ba tayo pupunta mga bakla?"

"Sa bar!" Sabay pa sila. Naalala ko nung sinama ako ni Sir Luke. Bat ko ba sya naaalala? Tae ipahinga mo naman isip mo Cassandra.

"Oo nga pala Cassie girl kamusta naman ang pagiging secretary ng isang Luke Natividad?"

Kamusta nga ba? "Okay naman. Nagtataka lang ako minsan."

"Bakit naman?" Sabay nanaman silang dalawa. Yung totoo?

Kinuwento ko sa kanila yung mga kinilos ni Sir Luke sakin. Nakakatawa yung reaksyon nila ng mga mukha nila. Parang mga batang kinukwentuhan ng fairytale. Hahaha

"Seryoso girl? Alam mo nasesense ko type ka non." Saad ni Jenna habang nagdadrive.

Sobrang labo namang mangyari non. Sino ko para magustuhan nya? Tsaka alam kong hindi ako ang tipo nya no. "Type agad Jenna? Hindi ba pwedeng naghimala lang tapos bumait sya sakin?"

"Gaga! Ah basta wait natin yan." Bakit naman ako magugustuhan ng isang Luke Natividad? Ano ko sinuswerte? Eh purong kamalasan nga nangyayari sakin. Buong byahe namin iniisip ko kung what if nga magustuhan  nya ko?


Andito na kami sa bar. Parang pamilyar to? Tama! Dito ko sinama ni Sir Luke. Wala naman ako sa mood mag bar eh, mamaya malasing pa ko tapos di ako makapasok bukas edi sisante ako. At ang worst, kulong pa.

"Girl tignan mo yung nasa taas!" Turo ni Apol.

Lumingon ako sa taas. "Oh anong meron?"

"Tumingin ka don sa may bandang kaliwa. Diba sina Luke Natividad yon?" Napatingin agad ako sa side na yon. Oo nga! Patay ang sama ng tingin nya sakin. Wala naman akong ginagawa ah. Alam nyo yung tingin na parang may sinasabi na Im watching you. Yung ganong tingin?

"Huy sino yung kasama ni Luke? Ang handsome ah!" Umaariba nanaman pagkababae netong si Apol.

"Si Sir Harold yon. Kaybigan nya"

Naghanap muna ko ng pwede kong maupuan. Ayoko makipagsayawan sa gitna, ang sikip kaya. Ang sososyal ng mga kaybigan ko, pero hindi sila matapobre kaya nagustuhan ko sila. Silang dalawa lang naman talaga ang magkaybigan dati tapos nakilala nila ko. Hindi ko nga inexpect na magiging close ako sa kanila kase akala ko dati maarte yang si Apol. Yun pala ubod ng kakrung krungan. Hehe
Maya maya pa may tumabi saking lalake.

"Hi miss sexy, are you with someone?" Ako ba ang kausap nito?

"Ah oo." Sagot ko kahit di ko sure kung ako ba talaga yung kausap nya.

His SecretaryWhere stories live. Discover now