Chapter 1

7.3K 100 6
                                    


4:45 am lumapag ang Philippine Airline sa Naia.Lulan ng eroplano si Miguel Ruiz mula New york City,U.S.A...Mag aalas sais na ng umaga ng makalabas si miguel mula sa loob ng airport.Agad naman niyang nakita ang kanyang tito robert na nag hihintay sa arrival section area ng airport,Si robert ruiz ang bunsong kapatid ng kanyang daddy na si charles ruiz.

Nagyakapan ang dalawa nang magkita ito.

"Welcome back to the philippines" sabi ng kanyang tito, Agad nitong kinuha ang mga dalang maleta ni miguel.

"San si dad?" ito agad ang tinanong ni miguel sa kanyang tito robert, Natigilan naman ang kanyang tito sa pag lagay ng mga maleta sa compartment ng kanyang kotse.

"Nasa bahay nyo" sabi nalang niya
"Sabi niya kasi siya ang susundo sakin" aniya nito na parang nag tataka.

"Ah..ano kasi lasing ang daddy mo kagabi,pumunta ata sa .." hinde nito masabi sabi ang gustong sabihin

"San siya pumunta kagabi?" ngayun naka simangot na si miguel.
"Ah..ano..pumunta ata sa birth day ng kumpare niya"
"Kasama ng lalake niya?" halata sa mukha ni miguel ang galit.

Narinig ni miguel ang pag buntong hininga ng kanyang tito.

"Umuwi na tayo,at sigurado akong pagod ka,para maka pag pahinga kana rin"

Dali daling pumasok ng kotse ang kanyang tito,para narin ma iwasan ang mga tanong ni miguel.

Ipinag pasalamat nalang ni robert na naka tulog sa beyahe si miguel,kaya hinde na ito nag usisa ang tungkol sa daddy niya.

Tinagal lang ng isang oras ang e beniyahe nila mula airport hanggang sa alabang kung saan naroon ang bahay nila miguel.

Agad binuksan ni Manag easter ang gate nang nag busina si robert, na ikina gising ni miguel.

The C.E.O. Son (Completed)Where stories live. Discover now