THREE [Edited]

12.4K 294 16
                                    

       MAAGANG nagising si Gab. She hurriedly cleaned her surroundings. She miraculously cooked her food for later. She’s a bit confused of her energetic aura this day. Maybe it was because finally she can make her plans on schedule.

Nang matapos niya na linisin ang kanyang unit ay nagdesisyon siyang pumunta ng salon para magpaganda. Nag pa-spa na lang siya para rin pagbalik niya ay maginhawa na rin ang kanyang katawan. Bumili na rin siya ng damit na susuotin sa pagkikita nila ni RPM123. She chose to wear black crop-top with red flannel, skinny jeans, and black shoes.

Pagkarating sa bahay ay saktong 5:30PM na. Nag-umpisa na siyang mag ayos at nag-make-up na rin siya. Nag-grab lang siya papunta sa nasabing restaurant na pagkakakitaan nilang dalawa.
Mula sa kanyang kinakatayuan ay nahagip niya ang estrangherang babae na nagpakilala bilang sekretarya ng kanyang nakausap sa dating app. She pointed a man in a formal suit as ‘RPM123’ sitting on a comfy chair inside a fancy restaurant where they should meet. Iilan lang ang tao kung kaya’t agad niyang natumbok ang tinuturo nito. After that, the woman left Gab looking at the guy. Ni hindi man lang siya nito hinatid sa table. Kaya agad niyang iginala ang sarili, pumasok siya sa loob.

It was a restaurant with a marvelous theme design inside. It was one of the famous restaurants in the country. Someone came to her, one of the restaurant staff. Kung may reservation ba raw siya? O kung ano mang kaek-ekan ng pangmayaman ang kailangan. At nang makuha na nito ang sagot saka na siya nito iniwan.

Tiningnan niya muli ito. His chinky Asian eyes compliments his fair glowing skin. Her brows arched as soon as she caught a glimpse of his hard-frame eyeglasses.
So he’s nerdy? Pero okay na rin at panalo naman sa pangangatawan ng lalakeng ito. She’s beginning to tease every inch of it in her mind, imagining him marvelling his nakedness to hers.

She snapped out of her trance when she saw him raised his hand. Gosh! Nakilala siya nito. She began to approach and joined him on the seat adjacent to him.

“So, 143? Introduce yourself.” He spoke, in serious tone. 143 kasi ang username na ginamit niya sa dating site.

She almost bit her lip upon seeing his moving lips while speaking. Para bang inaakit siya ng labi nito at parang gusto naman niyang tugunan ang imbitasyon nito.

O my gosh, kalma, Gab! She scolded herself.
“I am Gabriella Tolentino, Gab for short.” She introduced herself, smiling, while raising a hand for a shake. She waited as though she needed that handshake. Kinakabahan siya. Pinipilit niyang maging kalmado kahit na ang totoo ay natatakot siya. It was indeed her first time for blind dates, especially to meet a man he hardly knew. Paano kung serial killer ito tulad ng kanyang napapanood? Paano kung itatapon nalang siya nito sa bakanteng lote? Chop-chop at pagkatapos ay isisasako?

Maygad!

The dating site guy had a crease on his forehead. Halata sa mukha nito ang pagtataka. Siguro ay dahil sa kanyang galaw.

Was it a turn-off?

Sa kabila no’n ay hindi naman siya nito binigo. He accepted her hand. His big palm was warm. Napalunok na lamang siya at muli ay pinapantasya na naman niya ito.
Napasinghap na lang siya at agad na tinanggal ang kanyang kamay. She wasn’t even sure if they’ll give it a go but her mind keeps on playing with her. It’s not her thing to fantasize after all.

Jeez

Agad siyang nag-iwas ng tingin. From her peripheral sight she saw his brows creased again. It did subside and started to show a long brown envelope. He pulled a paper from it and prompted it to her at the table.
She turned to him.

“Ano ‘to?”

“A contract.”

Her brows creased in disbelief. “A contract?” ulit niya. Natawa na lamang siya nang unti-unting niyang mapatanto ang salitang ‘contract’,

Tequila Baby "FUBU" (Scandalous Series #1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon