Chapter 2

387 20 0
                                    

Savannah's PoV

"Yow, Hindi ko akalaing namiss ako ng isang Savannah Bright Stone." bungad nya sa akin pag pasok nya ng coffee shop. Akmang hahalik siya sa pisngi buti nalang at mabilis ang kamay ko at naiharang agad ito. Napairap nalang ako dahil sa kamanyakan at kahanginan ng lalaking ito.

Asa sya!

Umalis na si Ate Athena dahil may emergency daw sya kaya ako nalang ang naiwang mag isa dito.

"Wag kang feeler unggoy. Ang manyak mo pa rin." mataray na sabi ko sa kanya at humarap sa bintana. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya bago maupo.

"Kamusta na? Ilang araw din tayong hindi nagkita at nag usap." seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin. Yeah. Pagtapos kasi ng deal namin ay iniwasan ko na siya. Pero makulit itong lalaking ito hindi ako tinitigilan. Nag ibang bansa nga, dalawang araw lang naman. Tsk.

"Im fine, dahil may kailangan ako sayo magiging mabait ako ngayon." sagot ko na ikinatawa lang niya. Tinawag ko muna ang waiter. " Dalawang Caramel Macchiato. Thank you." hindi na ako nag abalang tanungin siya dahil iyon din naman ang gusto niya.

"Ano ba iyon?" tanong niya ng makaalis ang waiter.

"Hmm..kailangan ko kasi ng male model para i-present ang mga designs ko." sagot ko. Nakangising inilapit niya ang mukha sa akin na agad ko naman nilamukot ang mukha niya para ilayo ito.

Natawa nalang siya sa ginawa ko. Well sanay na naman na sya.

"Ganon ba ako kagwapo kaya ako ang kinuha mo?" humawak pa siya sa kanyang baba na kunwari ay nag iisip. "Sabi na nga ba tumatalab ang charms ko sayo." dugtong pa niya.

Ang hangin ng lalaking to.

"Asa ka! Kapal mo. No choice ako kaya ikaw ang kinuha ko."napairap nalang ako. Kapag talaga nakikita ko itong lalaking ito ay kumukulo na agad ang dugo ko. Ghad! "Feeler." napairap nalang ulit ako.

"Baka naman matanggal na yang mata mo kakairap mo. Haha!"

"Baka yang mata mo ang tanggalin ko pag di ka pumayag." seryosong sabi ko sa kanya na ikinatawa nya ulit.

"Hey.. Easy ka lang masyado kang highblood. Baka pag tinanggal mo itong mata ko ay di ko na masilayan yang ganda mo." agad kong kinuha yung table napkin na nasa table at binato kay Nicko.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo! Umayos ka nga." inis na sabi ko.

"Okay, okay. I'll stop. Namiss lang kita." inis na binalingan ko siya ng tingin. "Im serious." seryong tumingin siya sa akin. Napaiwas nalang ako ng tingin.

"By the way. Whether you like it or not, ikaw na ang male model na kukuhanin ko."

"Tsk. As if naman na makakatangi ako sayo." bulong niya na hindi ko narinig.

"What?!"

"Nothing." nag ring naman yung phone. Nagpaalam muna siya sa akin na sasagutin nya daw muna iyon. Tumango nalang ako.

Tumayo siya at medyo lumayo sa akin.

Tsk.

Napaisip ako. Okay lang kayang si Nicko ang kunin ko? Balita ko kasi siya ang susunod na hahawak sa company nila. Hindi kaya masyadong nakakaabala ako sa kanya?

Sa ilang buwang hindi namin pagpapansinan alam kong malaki ang ipinagbago nitong lalaking ito. Simula kasi ng makilala ko siya puro babae nalang ang lagi niyang kasama. I wonder kung ilang flings  ang meron siya dati. Ang landi.

Napalingon ako sa binta. At sa hindi inaasahan nakita ko si Alexandria na pababa ng kotse nya. The Bitch. May lumapit sa kanyang lalaki at parang may iniabot ito sa kanya. Hindi ko nalang ito pinansin. Ano naman pakialam ko sa babaeng iyon?

Let's Pretend There's usWhere stories live. Discover now