Chapter 19

229 13 0
                                    

Savannah's PoV

"Pero sabi mo one month aalis ka na, hindi ba? Paano ako?" hindi ko mapigilang tanong ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang pag buntong hininga niya bago niya ako iharap sa kanya.

"2 years lang naman ako doon para mag aral. Tapos ay babalik din naman ako. Pwede namang tayong mag video call." sagot nito.

"Matagal din ang 2 years. Paano kapag nakahanap ka ng babaeng sexy doon at malaki ang boobs? Edi iiwan mo na ako?" nakangusong tanong ko sa kanya ng maalala ko ang mga babaeng dinadala niya sa condo niya.

He cuckled, saka ako hinalikan sa pisngi na ikinagulat ko. "Silly. Ikaw lang sapat na." napangiti ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay ang init init ng mukha ko. "So, ano payag kana?" tanong nito ulit sa akin. "Well, kahit naman hindi ka pumayag. Hindi na kita papakawalan pa."

Okay.

"Pero paano si Kuya Ethan? Hindi niya alam to. Diba may bro's code kayo?" takhang tanong ko. I'm sure na magagalit si Kuya sa kanya pag nalaman niya iyon. Ayoko naman na masira ang pagkakaibigan nilang dalawa ng dahil lang sa akin.

"Ako nang bahala doon. Maiintindihan naman niya iyon. Sakit kaya nung suntok ng Kuya mo sa akin." natatawang sabi nito sa akin. Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya.

Siya? Sinuntok ni Kuya?

"What?! Sinuntok ka ni Kuya? Kailan?" agad na tanong ko sa kanya.

"Wala yon. Nung nag Bar lang kami. Sinabi ko kasi sa kanya yung tungkol sa deal natin. Ayun nasuntok ako. Sakit nga, eh."

Ah, kala pala may pasa siya nun. Now, I know.

"Anong sinabi ni Kuya sayo?" tanong ko.

"Sinabi niya na masasaktan ka daw sa akin dahil aalis ako at iiwan kita." sagot niya pagkatapos ay nag iwas ng tingin sa akin. I cupped his face para iharap sa akin.

"It's okay. I wait for you. Basta 'wag ka lang maghahanap ng babae doon. Kilala kita, huh. May pagka-malandi ka pa naman sa katawan mo." I said then crossed my arms.

"Grabe ka naman, Babe. Loyal kaya ito." natawa nalang ako sa sinabi niya.

"I'm hungry. Kain na tayo. Lutuan mo ulit ako nig sopas. Please. Ang sakit ng ulo ko, eh. May hangover pa ata." sabi ko. Totoo naman na masakit ang ulo. Haler~ ikaw kaya ang uminom ng maraming alak, tignan ko lang kung hindi sumakit ang ulo mo.

"Inom pa."

"Kasalan mo kasi e." sabi ko sabay hampas sa braso niya. Naalala ko yung kahapong kasama niya si Alexandria. Ang saya saya niya, ah!

"Ako? Sinunod ko lang yung sinabi mo." sabi nito sabay gulo ng buhok. "Tara na. Ipagluluto na kita." Aniya at hinawakan ang kamay ko bago lumabas.

Ang sarap sa feeling.

Sobra.

Ngayon ko lang ulit naramdaman ito. Kung gaano maging masaya.

"Sarapan mo, ah." nakangiting sabi ko bago ako umupo. Gusto ko siyang panooring magluto.

"Mas masarap ako." sagot niya na ikinairap ko nalang.

Yabang.

"Whatever."

******

"Kyaaahh! Megan. I'm so happy. Thanks to you." masayang sabi ko saka siya niyakap. Kung hindi dahil sa kanya ay baka hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag uusap. At umiiyak parin ako hanggang ngayon ng dahil sa kanya.

"Hehe, wala yun. Ma'am. Ikaw kasi e, pinangunahan nyo agad."

"It's okay. At least ngayon ay okay na kami."I said. Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi ko.

Let's Pretend There's usWhere stories live. Discover now