One

2.3K 57 0
                                    


JUDD

I closed my eyes and felt the warm rays of the sun on my face. Naririnig ko ang malakas na paghampas ng dumadaloy na tubig sa malalaking bato sa ibaba. I just love the peacefulness of this place.

Humugot ako ng malalim na hininga. Pinakiramdaman ko ang maiinit na sinag ng araw sa aking mukha. Anong oras na ba?

Binuksan ko ang aking mga mata. Nakikita ko ang papalubog na araw. Magkahalong dilaw, pula at kahel ang kulay nito. Kahit ang kalangitan sa may bandang kanluran ay halos kasing kulay na rin ng araw.

You love sunsets. But apparently, not this sunset.

It's like the sun is bleeding with its yellowish-red blood spreading across the sky. It's like there's a war going on. It's like the sky is fighting for the sun not to hide and the sun fighting to escape. That's where the blood came from.

Ano bang pinagsasabi ko?

Palubog lang ang araw, Judd. Walang giyerang nangyayari.

Wala nga ba?

Tiningnan ko ang suot kong relos. Alam mo bang ang mukha mo ang nakikita ko sa relos na ito? This watch was your gift, remember? Kaya nga palagi ko itong suot. Sa tuwing nami-miss kita ay sinusulyapan ko ang relos ko. And there you were. With your beautiful smiling face.

How long has it been since I last saw you?

I shook my head to erase your face. Tiningnan ko ang oras. It's 4:50 in the afternoon.

Was it just three hours and forty-eight minutes ago? Hindi ako makapaniwala. It feels like forever.

Napansin ko ang dumi na nasa manggas ng suot ko. Tiningnan ko ito ng mabuti. What was it?

It was rust. Orange-red-brown rust.

Saan ko ba nakuha ito?

You just bought these white, long sleeves a week ago. You. Ikaw. Hindi ako. Because you said you love me. 

I folded the edge of the sleeves to control the damage. Habang ginagawa ko iyon ay napansin kong may kalawang din ang palad ng kanang kamay ko. Hindi ko napansin na kinakalawang na pala ang bahaging iyon ng tulay na inuupuan ko ngayon.

I adjusted myself and moved towards the right side of the railing. Gaano na ba katanda ang tulay na ito?

Simula pa noon ay nandito na ang tulay na ito. I can remember riding my bike here as a kid every summer. I can remember running through the bridge because I wanted to be strong and athletic enough to join the high school basketball team.

I was a nerd back then. Mahilig sa libro at computers. I was studious. I was always at the top of the class. Gusto kong maging cool katulad ng mga athletes sa school namin. Naiinggit ako sa kanila dahil lapitin sila ng mga babae.

Tumatabakbo papalayo ang mga babae kapag nakikita ako sa school. Ang iba ay pinagtatawanan pa ako.

But that was a long time ago. Kung hindi lang sa tulay na ito ay hindi ko na maaalala pa ang masasakit na alaalang 'yun.

That was a long time ago. I now have you. You and your love. Or so have I thought.

I looked down and instantly felt the coldness of the water below. Gaano nga ba kataas ang tulay na ito? Alam ko mataas. Hindi ko nga lang alam kung gaano kataas. 200 meters? Higit pa?

It's high enough for someone to set up a bungee jumping business a few years ago. Ngayon ay wala ng nag-bu-bunjee jumping sa tulay na ito. Siguro dahil kinakalawang na nga. Iniwan na ito ng mga tao. 

You & Me + Her (Complete)Where stories live. Discover now