✅Chapter 47: Yant's Party (part 2)

3.1K 81 2
                                    


Zaira's PoV

"Zaira I've been looking for you !" Si Jhira. Hindi na siya naka-short talagang kitang kita na ang buong katawan niya. Ew ah.

BAT ANG LALAKAS NG LOOB NILANG MAGSUOT NG GANYAN HA?

"Sira ka pala eh iniwan mo ko." Inirapan ko siya.

Tumawa siya ng pilit na parang napahiya siya don sa sinabi ko. "Sorry naman. Hehe magsisimula na 'yung program!"

"Tapos?"

"Nakita ka ni ma'am Dragina. Nagagalit na!"

"Bakit naman?" Takang tanong ko.

"Bat ka daw nakasuot ng ganiyan. Wag mo akong sisihin. Si Yant ang may gusto niyan amp" pagtatanggol niya sa sarili bago pa man ang makatutol sa kaniya.

Tamo! Baka ako pa mapagalitang pota kasi

"Oh anong gagawin ko?"

"Aba'y magbihis ka na ewan ko ba kasi pinasuot ka ng ganiyan ni Yant."

Napabuntong hininga ako. "Kailan niya ba sinabi sa'yong magsuot ako ng ganito?"

"Kanina nagtext siya sa'kin."

Gusto ata akong ipahiya ni Yant.

Oo maganda 'tong dress pero pool party kasi 'to tapos ang rule pa ang kailangan naaayon ang kasuotan.

PotA nakakahiya ah.

"Don't worry besh. May suot suot ka ng swimsuit under that dress okay?"

Di nalang ako kumibo at dumeretso sa cr na nasa labas talaga ng bahay nila kumbaga pag magbabanlaw ka. Sinarado ko ang pinto at pilit inaabot yung zipper pero hindi ko talaga maabot!

Mahigit limang minuto ata bago ko matanggal ang dress ko, agad kong pinasok sa paper bag yung pinaghubadan ko. Napatingin ako sa salamin sa cr at napangiwi sa nakita ko. Shit ah. Kahit may kurba ako napapangitan ako sa katawa ko.

Hinubad ko na ang sapatos ko ng may madinig akong nagsisigawan sa labas. Nagmamadali akong lumabas habang sinusuot ang see through ko para naman di masyadong nakakahiya, nakita ko si Jhira na nakanganga habang nakatulala sa gawang stage lang. Sinundan ko ng tingin yun at nakita ko si yant.

Agad din akong napanganga hindi dahil sa kagwapuhan niya.

Well gwapo siya-

Pero hindi yun ang point!

Kasama niyang umaakyat sa stage si Athena habang nakasuot ng kaninang suot kong dress. Habang si Yant nakasuot ng tuxedo..

Napalunok ako habang tinitignan silang dalawa na paakyat ng stage, naka-kawit ang kamay ni Athena kay Yant habang si Yant ay nakangiti pa. Di ko mapigilang hindi mapa-iyak.

✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)Where stories live. Discover now