Eight

758 85 1
                                    

"Samuel, sorry na, hindi ko naman alam na malalasing ako that night. Promise! Wala talaga akong matandaan sa mga sinabi ko," sabi ni Caleb sa akin habang kumakain kaming dalawa. I also can't blame my friend, kasalanan ko rin naman na hindi ko siya nabantayan dahil sinabi niyang hindi siya iinom.

"Wala na nangyari na. Wala na tayong magagawa." Pagsuko ko. Bestfriend ko si Caleb at hindi ko rin naman kayang magalit sa kanya. I am aware na sobrang daldal niya at walang sikreto ang hindi nabubunyag dahil sa kanya. "Malalaman din naman ni Athena yung mga pinagsasabi ko noon. Mas nalaman niya lang nang mas maaga, wrong timing nga lang."

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Athena bukas lalo na't huling video na namin iyong gagawing dalawa. Magso-sorry na lang ako bukas (Which is dapat ko talagang gawin) at magpapaliwanag na lang ako maigi.

"Sorry talaga, bwisit din talaga minsan 'tong bibig ko, eh. Pahamak talaga minsan. Hindi na ako iinom, promise!" he assured me at nailing na lang ako.

Pitong beses ko na narinig yung hindi na ako iinom, promise niya pero lagi namang lasing sa kada-party na pinupuntahan namin.

"Gusto mo ba i-contact ko si Athena thru FB or IG? Magso-sorry ako and sasabihin kong hindi totoo yung mga sinabi ko kagabi, sasabihin ko na sobrang lasing lang talaga ako and it was all fabricated." he explained na hindi mapakali. Mukhang nagi-guilty nga talaga itong si Caleb sa gulong nagawa niya dahil gustong-gusto niya na magkaayos kami.

Sa akin nga ay hindi nagre-reply si Athena, sa kanya pa kaya? I tried to contact her since yesterday pero wala akong nakuhang reply sa kanya kahit K. Mukhang galit siya sa akin talaga, I really offended her and hurt her feelings. I am aware that's it's my fault, hindi ko naman isisisi sa iba ang pagkakamali ko.

Athena is really kind and nice person ang pagkakamali ko lang ay hinusgahan ko siya at nagsabi ako ng masasakit na salita before we meet personally.

"Huwag na, ayoko na rin namang magsinungaling. Totoo naman talaga ang mga sinabi mo that night. I should be a man and kailangan kong harapin ko ang pagkakamali ko. Huwag kang mag-alala, aayusin ko ang gulong 'to." I assured to my bestfriend.

* * *

Last day of shooting namin for our promotion here at Funslide Waterpark. Today ay pag-uusapan namin sa vlog kung ano yung mga experience namin sa waterpark to wrap up the whole promotion.

Maaga akong dumating sa waterpark dahil na rin balak kong mag-sorry kay Athena, maaga kasi siya lagi dumadating dito kaya nakakapagtaka dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

"Samuel, mag-ready ka na, kukuhanan ka na." sabi ni Mars sa akin dahil tapos na nilang i-setup ang camera at ang ring light.

"Si Athena?" tanong ko.

"Hindi ba siya nagsabi sa'yo? Hindi na makakasama si Athena sa last shooting and ikaw na lang ang gagawa. Nagpaalam siya kagabi kay Mr. Tan bago matapos ang party. Marami daw kasi siyang gagawin na projects and assignments sa school kaya uunahin niya raw muna 'yon," I didn't know that. Hindi ko alam kung totoo ang sinabi ni Mars o talagang iniiwasan lang ako ni Athena. Of course she's mad, ang sakit din kaya ng mga sinabi kong salita. "Akala ko ba naman ay sinabihan ka na niya kasi ang close ninyong dalawa lately."

"Wala siyang nabanggit but kung tungkol naman sa academics ay naiintindihan ko naman. Sayang lang wala siya rito sa last day, tara na mag-shoot na tayo, Mars." aya ko sa kanya.

The shooting really went well at mukhang madadalian naman ako sa pag-e-edit. Sayang nga lang at wala si Athena rito para na rin sa video. I don't want to end all these activities/promotions nang may hinanakit siya sa akin.

After the shooting, I grabbed my phone and call her.

Pass or Collab (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon