5. DREAM COME TRUE

4.6K 98 5
                                    

"DON'T WORRY. I'm on my way." Nagmamadaling sagot ni Dr. Autumn Spears. She grabbed her keys and head out. Pupuntahan niya si Aaron sa isang motel. Ayon dito, pabalik na ito ng Florida nang biglang sumama ang pakiramdam kaya nag-check in muna sa isang motel. Wala kasing malapit na ospital o clinic sa gawing iyon kaya doon muna ito magpapahinga.

Autumn took that as a sign. Iyon na ang tamang pagkakataon para makaporma siya sa lalaki. Anak ito ni Camia Thomson, ang pasyente niya na ngayon ay magaling na. Isang pulmonologist si Autumn at siyang gumagamot kay Camia dahil mahina ang baga nito. Sa katunayan ay na-ospital na naman ito dahil sa pneumonia. Nang malaman ni Aaron ang nangyari ay agad itong dinalaw ang ina. Dahil mahina na ang ina ay hindi na ito inoobliga ni Aaron na tumulong sa kumpanya.

At hanga si Autumn sa binata. Bukod doon ay mangha rin siya sa rangya ng buo nitong pamilya. Madalas itong ibida ng matanda kaya unti-unti rin niya itong nakilala. Unti-unti rin niyang ginustong mapabilang sa pamilya nito. Aba, oras na makatuluyan ang lalaki ay puwede na siyang magpatayo ng sariling ospital. Yes it was too ambitious but she didn't care. Isang magandang stepping stone si Aaron kaya susunggaban na niya.

Nakakataba rin ng puso ang madalas sabihin ni Camia kay Autumn. Bokal ito sa sinasabing gusto siya nito para sa anak. Ayon dito, walang girlfriend ang binata. Nakakapagtaka iyon dahil napakaguwapo nito. Matalino. Magalang. Maalaga sa ina. Isang tawag lang dito, basta ang ina ang pinaguusapan ay lilipad agad ito papuntang Florida.

Camia prefer to stay to the place where she grew. Nalulungkot daw ito kung mananatili sa bahay sa Pilipinas dahil naalala lang nito ang namatay na asawa. Sa Florida naroon ang ilang kamaganak nito na nakakasama tuwing weekend. Masaya na ito sa ganoon.

At hanga si Autumn dahil pinagbibigyan lagi ni Aaron ang ina. Madalas sabihin ng ama ni Autumn na kapag mamimili siya ng lalaking pakakasalan ay mas magandang piliin niya ang family oriented pero mayaman. Kahit sabihing liberated ang pananaw nila ay gusto pa rin ng ama ni Autumn na mapunta siya sa lalaking aalagaan at mamahalin siya pati ang bubuuin nilang pamilya. Bukod doon ay kayang-kaya siyang buhayin.

At nakikita ni Autum iyon kay Aaron. Hindi lang siya gaanong makaporma dahil madalas itong nasa Pilipinas. Ngayon lang ito nagtagal dahil nagkaroon ng bagyo sa Pilipinas. Nasira ang ilang bahagi ng airport at ibinawal pansamantala ang flights.

Bago man lang bumalik si Aaron, kailangan ay makahanap na siya ng paraang mapalapit dito ng husto. Tama na ang pasimple nilang paguusap at kaunting bonding na nagagawa nila sa tuwing dumadalaw siya sa bahay nito. Pinatatawag kasi siya madalas ng ina nito at alam niyang pasimple silang pinaglalapit. Ang ina rin nito ang tumawag sa kanya para puntahan si Aaron sa motel. Bilang doctor, umaasa itong matutulungan niya si Aaron.

She drove off. Panay ang dasal niya na sana ay okay lang si Aaron. Hindi bale. Dala naman niya ang mga gamit kagaya ng sphygmomanometer at kung anu-ano pa. May mga dala rin siyang gamot. She will take good care of him. She'll see to it he'll see her differently.

Papasok na sa vicinity si Autumn nang mapansing umuulan. Hindi nagtagal ay nakarating na siya sa motel. Matapos pumarada ay hinanda na niya ang mga dadalhin. Good thing, she has umbrella. Hindi na siya namoroblema kung paano makakarating mismo sa opisina ng motel.

The staff was accommodating. Agad itinuro sa kanya kung saan nag-i-stay si Aaron. Naglakad na siya papunta sa kuwarto nito. Doon na lumakas ang kabog ng dibdib niya. Tila umikot pa ang sikmura sa sobrang antisipasyon at pananabik sa muli nilang pagkikita.

"Aaron?" tawag ni Autumn at kumatok. Ilang beses niya iyong inulit at tumalon ang puso niya nang pumihit ang seradura hanggang sa bumungad si Aaron.

At nagulat si Autumn sa nakita. Namumutla si Aaron. Pawis na pawis. Nanginginig din ito. Parang...

"Aaron!" gulat na bulalas ni Autumn ng bigla siya nitong hilahin at pabagsak na isinara ang pinto. Isinandal siya nito sa pader at siniil ng halik.

Nagugulat man, hindi nagawang pumalag ni Autumn. Bakit siya papalag? She wants this man. And that was a dream come true.

She will have him no matterwhat.

CEO'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon