9. DOUBLE KILL

3K 77 4
                                    


"Did you check the weather?" tanong ni Aaron saka inilapag ang attaché case sa mesa nito.

Natigilan si Jean. "H-Hindi. I'm sorry, sir. Iche-check—"

"No, no. Don't bother. Mukha namang hindi uulan." Anito habang sinisilip ang madilim na langit. Lutang na ang lahat ng bituin.

Huminga nang malalim si Jean. Kumuha ng buwelo habang inaayos ni Aaron ang mga gamit sa mesa. Ilang beses niyang inensayo sa isip ang mga sasabihin.

"Yes? Ano na ang sasabihin mo?" untag ni Aaron. Nakaupo na ito sa swivel chair. Nasa harapan na nito ang folder. Handang-handa nang magtrabaho.

Napaigtad si Jean at napalunok. Saglit siyang nag-atubili hanggang sa huminga nang malalim. "G-gusto ko lang itanong kung p-paano na iyong nangyari sa atin."

Natigilan si Aaron at napaisip. Saglit na natensyon si Jean sa pananahimik ni Aaron. Bahagyang nagtaka si Jean sa reaksyon nito. Bakit ganoon? Bakit parang wala itong natatandaan?

"I don't get it. Ano'ng nangyari?" tanong ni Aaron. Salubong na ang mga kilay. Genuine ang nakikita ni Jean na pagtataka ni Aaron.

Pero hindi iyon puwede. Maliwanag kay Jean na si Aaron ang nag-initiate ng lahat! Ano ito? Nasaniban? Ah, impossible iyon. Twentieth century na. Ang mga sanib-sanib na iyan ay imposible nang mangyari sa panahon ngayon!

"May nangyari sa atin dito, sir..." nanghihinang saad ni Jean. Gusto na niyang maiyak at mag-walk out pero pinili ni Jean na manatili.

Tama. Mananatili si Jean at maninindigan. Pagkakataon na niya iyon! Hindi siya basta-basta susuko!

"Sir, may nangyari sa atin dito. Umuulan noon at—"

"Oh, shit..." kinakabahang anas ni Aaron at namutla.

Nakaramdam ng galit si Jean. Sa reaksyon pa lang ni Aaron ay nakikita niyang ngayon lang nito naalala ang lahat!

"Naalala mo na." naghihinanakit na akusa ni Jean. Nangilid ang luha niya sa sobrang pait. Sa puntong iyon, nagawa niyang murahin sa isip si Aaron mula ulo hanggang paa!

Ano'ng klase ito? Napakarami ba'ng babae ang dumadaan dito at ni hindi nito maalala ang mga nangyari sa kanila? Damn him!

"No. I mean, I am really confused. Come here. Have a sit." Natatarantang saad ni Aaron at tumayo. Agad siya nitong nilapitan at iniupo. Kung naibang babae lang ay nasampal na ito. Pero si Jean ay hindi magawa iyon. Nakapagpigil pa rin siya.

Timping-timpi si Jean habang nakaupo sa harapan ni Aaron. Hawak nito ang mga kamay niya. Nanlalamig ito. Siya naman ay nagiinit sa sobrang buwisit!

"I-It's hard to explain." Hirap nitong panimula. Genuine iyon. Ramdam ni Jean ang paghihirap  at struggle nito. Namumula ang mukha at puno ng lamlam ang mga mata.

Pero kahit na! Ano ang mahirap ipaliwanag? Na hindi nito gusto ang nangyari? O balewala lang iyon dito at nahihirapan itong ipamukha sa kanya? Tangina!

"Sabihin mo na ng harapan. Ang mahalaga, alam ko kung saan ako nakatayo." Nagtitimping sagot ni Jean.

"You've been so good to me. You're the best secretary I have and—"

Sinampal na ito ni Jean. Nanakit ang buong palad niya at bumukal ang masagandang luha sa mga mata. Walang hiyang lalaki!

Oo. Ginusto ni Jean iyon pero hindi niya inaasahang ganito ang gagawin nito. Palibhasa, ubod taas ang tingin niya kay Aaron. Walang bad record ang lalaki pagdating sa mga babae kaya umasa siyang mayroong meaning dito ang mga nangyari sa kanila.

Pero wala! Wala! Wala! Makikita nito. Hindi siya nito basta matatalo!

Nang magtangka itong magsalita ulit ay sinampal ulit ito ni Jean. Napatango ito. Namumula na ang kanang pisngi. Nasugatan lalo ang puso ni Jean sa nakikitang pagtanggap nito sa galit niya.

"Sinira mo ang pagtingin ko sa'yo!" luhaang bulalas ni Jean.

"I'mreally sorry! I-I just couldn't tell it how that happens. H-Hindi ko magawangsabihin sa'yo ang totoo. Magiging komplikado lang lalo ang lahat!" Nanghihinangsagot ni Aaron.

Natigagal si Jean. "Bakit? May asawa ka na ba?"

"No! It's not that." Agad nitong sagot. Nakahinga nang maluwag si Jean. Lalo siyang nawindang sa inakala. Naku. Mabuti na lang pala ay wala itong asawa. Kung nagkataon ay hinding-hindi niya ito mapapatawad kung ilalagay siya nito sa alanganin!

"Ano pala ang dahilan kung ganoon?" luhaang tanong ni Jean.

Nagkandailing-iling lang ang lalaki. Nakitaan niya ng takot ang mga mata nito na nakapagpa-disappoint ng husto sa kanya. The man she adore much turned out to be an ass. Nakakadismaya.

"Wala kang bayag!" mariing saad ni Jean. Hindi na niya nagawang magpigil. Mahihiya siyang sabihin iyon sa ibang pagkakataon pero ngayon ay hindi. Sumabog na talaga ang iniipon niyang galit.

Tumahimik ang lalaki. Bakas ang pait, desperasyon at lungkot sa mukha. Hindi alam ni Jean kung para saan iyon. Ayaw na niyang alamin. Nakakawalang gana ang lalaki.

"Siguro naman, hindi ka na magtataka kung hindi na ako papasok." Sarkastikong saad ni Jean at marahas na pinunasan ang mga luha.

"I... understand..." mahinang anas nito. Nakayuko. Pahiyang-pahiya. Panay ang hilamos sa mukha gamit ang kamay.

Kumibot-kibot ang labi ni Jean. Napakaraming sumbat ang gusto niyang sabihin dito pero sa huli ay pinili na lang niyang manahimik. Tama na ang nasabi niyang wala itong bayag. Totoo naman. Ayaw nitong panagutan ang lahat. Ayaw niyang pakisamahan ang ganitong klaseng duwag na lalaki.

She turned her back and walked away. Pagdating sa pinto ay tinawag siya nito.

"You don't deserve what happened. Please let me think everything. I am really sorry for—"

Nilayasan na ito ni Jean. Siguradong nayanig ang buong opisina nito sa lakas ng pagbagsak niya sa pinto. Wala na siyang balak pakinggan ang speech nito. Sumasakit lang ang kanyang tainga at puso.

Sa bahay ay nagiiyak na lang si Jean. Panay ang sisi niya sa pagiging marupok. Sinisisi niya ang puso. Dahil sa pagmamahal na iyon, bumigay agad siya at nauwi sa wala ang kanyang pantasya.

Naiyak na lang si Jean sa mga nangyari.

CEO'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon