Chapter 1

144 5 0
                                    

"I love you, baby!" rinig naming bulong ng lalakeng nasa harap namin.

"Tangna! Hirap maging single!" Pabulong na sagot ni Iris. Natawa na lang ako.

Honestly speaking, mahirap talagang maging single kung nasa ganito kang paligid. Imagine? Nakapaligid sa aming tatlo nila Iris at Micah ang mga magjowang walang humpay sa paglalandian.

Minsan nga napapaisip ako kung ano talagang pinunta namin dito sa Lemar Review Hub e! Kung magrereview ba sa boards o maiinggit na lang sa mga magjowang ito!

Hay! Buhay single nga naman! 'Di naman ako pangit... slight lang! Pero wala atang nagkakamali.

Tumigil na ako sa pagsusulat dahil nagsenyas na si Ma'am Lea na pwede na raw umuwi. Buti na lang at baka pag nagtagal pa kami rito ay baka marinig na kami lahat ng mga taken sa mga pampaparinig ni Iris. Not that we're annoyed, ang amin lang naiinggit kami. Like seriously, we need love life too! We also want to feel the same thing, iyong tipong nasa tabi mo siya tapus nilalambing ka. Bubulong sa tainga mo ng "I love you" "I miss you"... mga ganun ba! Kaso nga wala... walang wala!

"I miss you!" I whispered to my bed. After a long tiring day at last makakahiga na rin. 'Tyaka habang naghihintay ng jowang pwedeng pagsabihan nun, higaan ko muna. Kahit papaano hindi naman nasasayang iyong mga salitang 'yon. Nagagamit ko, iyon nga lang hindi sa tao... sa higaan ko.

"Hays! Soon guys! Soon! Magkakajowa rin tayo!" sigaw ni Iris pagkatapos niyang humiga sa kama niya.

Tinawanan na lang namin iyon hanggang sa unti-unti kaming pinatay ng katahimikan. Tanging isang beep mula sa tablet ni Iris ang bumasag nun.

"Bunny!"

"O?" sagot ko na lang. Bigla bigla na lang kasing magsasalita.

"Gusto mo magkaboyfriend?" I answered her no immediately.

Kasi nga kahit pa gusto kong magkaboyfriend nagrereview pa ako. Ayokong bumagsak ng boards 'no! Nakakahiya! Kaya maiinggit na lang muna sa mga may jowa kasi sigurado ako na pag RMT na ako madaming mangangahas. Char!

"Naghahanap iyong pinsan ko ng girlfriend. Baka gusto mo?"

"Ayie! Go na Bunny! Malay mo siya na!" -Micah.

Napasinghap ako at umupo. Pagkatapos nun ay umiling ako.

"Ayoko." Sagot ko.

"Okay. Sayang mabait pa naman 'to! Kaya ka na nitong buhayin." Pangongonsensiya ni Iris.

Nagrereview pa ako. Bawal ng dagdag isipin.

"Ayoko nga." Ayoko talaga. Tumayo ako at nilingon si Iris. Nadatnan ko itong nakatitig sa akin. She smiled at me and then smiled at Micah.

Hindi pa pwede!

"Sige na nga. Sabihin ko na lang na wala akong kilala. Sayang gwapo pa naman 'to... masipag... mabait..." aniya habang kunwaring nagtatype sa tablet nito.

"Bigay mo na lang number ko..." bulong na sagot ko.

At doon nagsimulang mabago ang takbo ng buhay ko.

The Opposite: Moving onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon