Pain

221 8 10
                                    

Chapter Two: Pain

***

Present Time

"Sage anak, pasensya ka na kung hindi ka maisasama ha. Nag kulang kasi yung pera. Wag kang mag-alala. Papadalhan na lang kita. May ATM ka naman na pinagawa ni tito mo." Si tita Khryss yan. Aalis kasi sila for good. Pupunta na sa Canada. Ako lang maiiwan dito sa Pinas. Mag-isa. Magiging mag-isa na naman ako.

"No, tita. Okay lang po. Mag-ingat po kayo doon nila tito." I smiled. Kahit peke, basta kailangan kong maipakita na okay lang ako.

"Iha, pasensya ka na. Sige. Yung mga habilin namin sayo ha?" Si tito Tristan yan. Pareho silang mabait sakin ni tita. Tinuring na rin nila akong parang anak. Castillejo ang apilyedo nila, malayong malayo sa apilyedo kong, Vairam. Pero minahal ko sila at minahal rin nila ako. Kaya nga ayaw sakin ng totoo nilang mga anak na si Krisha at Trisha.

"Opo tito. Mag-ingat po kayo doon. Salamat po sa laha--"

"Dad! Mom! We're going to be late!" Sila Krisha at Trisha yan. Late daw e mamayang ten o'clock pa naman flight nila.

"Pasensya ka na ha. Pasensya ka na kung iiwan ka namin." And then they hugged me. Mamimiss ko sila. Tinuring ko na rin kasi silang pamilya.

"We'll miss to make your life hell, bitch!" Si Krisha yan. Hay nako. Di pa kang kasi aminin na mamimiss talaga ako.

"Krisha! Aalis na kami Sage! Mag-ingat ka dito!" At sumakay na sila sa kotse papuntang airport.

Nakakalungkot. Hay. Makapag-ayos na nga ng bahay.

The Next Day

Hay. Grabe. Nakakamiss pala yung may nagtatawag sayo mula sa baba kapag umaga o kaya yung bubulabugin ka ng mga pinsan mong maldita na pinaglihi sa sama ng loob. Nakakalungkot. Mag-isa na naman ako. Letche! Drama ko na tuloy! Tch! Makapag-ayos na nga't makapasok na sa school!

Ikekwento ko na lang sa inyo yung buhay ko habang naliligo. Hahaha!

Ako nga pala si Sage Vairam. O diba? Pang rich! Sana rich din ako tulad ng name ko. Pero may kaya naman sila tita sa buhay, kaya may kaya na rin ako. Working student kasi ako. May part time job ako sa malapit na resto, dyan sa may kanto to be exact. Buti nga natanggap ako kahit bata pa ako. 15 years old na ako. Mag 16 na ako 10 days from now. At kaya ko ng suportahan ang sarili ko kahit teen pa lang ako. Scholar kasi ako ng hindi ko kilala, basta sinabi may nagpadala na lang ng letter sakin bago ako mag college na scholar ako, kaya nga nakakapag-aral ako sa prestigous school e at sa University of Angels and Saints yon. I know, ang weird ng name. Catholic school and top 5 sya sa list of the best schools in the world. Puro mayayaman na matatalino ang mga nag-aaral dun. Marami ding students na galing sa ibang bansa. Buti nga nagkaroon ako ng kaibigan doon kahit papaano. O'sya. Tapos na ako mag-ayos. Papasok na akong school nang makita ko na yung bruhang bestfriend ko! Oo nga pala! Seij and pronunciation not sa-ge!

School

"Sage!" At may yumakap sakin. Diyos ko! Balak yata ako nitong patayin e! Bruhang to!

"I c-can't b-breathe Wendy!" Buti naman at pinakawalan na nya ako.

"Grabe Wendy! Muntik na akong matigok!" Sabi ko sa kanya sabay palo sa braso. Na miss ko tong bruhang to, sya na lang pamilya ko dito sa Pinas. Hay.

"Hoy babae! Balita ko umalis na daw dito sa Pinas yung mga mukhang tinik mong mga pinsan?" Grabe talaga to. Sabagay, mukha nga naman talaga silang tinik. Hahaha.

Institute Of LightWhere stories live. Discover now