10: Runaway Again

7.1K 152 5
                                    

Pagmulat ng mata ni Noah kinamagahan ay ang sinag agad ng araw ang kaniyang natanaw. His head is pounding hard. The sand where he'd been lying the whole night are not so comfortable pero hindi din naman masama dahil buhangin naman iyon at wala namang tinik o bubog.


"Sir? Sir, ayos lang po kayo?"


Naningkit ang mata ni Noah. Inaaninag nya ang mukha ng babaeng nasa kaniyang tapat. Isa lang pala itong staff ng resort. Naka uniform kasi ito.


His first question was, "what time is it?"


"10:30 po, okay lang po kayo, sir?" Mejo may pagaalala ang tono nang matandang babae.


"I'm okay, fine. Just fine." Paulit ulit niyang turan habang dahan-dahang tumatayo. Sumiring pa sya nang tuluyan na syang nakatayo sa kaniyang sariling mga paa.


"Sir, okay ka lang po ba talaga? Gusto nyo po ipahatid ko na lang kayo sa kwarto nyo?"


"No. I can manage." Pagtanggi ni Noah saka sya lumakad papalayo sa dalampasigan. He shake his head side-to-side para gisingin ang lutang na isipan. Ang tindi ng hangover nya. Ngunit kahit na ano pa man ang hitsura nya ngayon ay iisa ang ang gusto nyang gawin. Ang makitang muli si Melanie and have a conversation with her, see her face, watch her smile, smell her mixed of perfume and sweat fragrance. Ang tindi talaga ng tama nya kay Melanie.


Naadik na din naman si Noah sa ibang mga babae noon. Kamuntikan na nga nyang masira ang relasyon ng kuya Davien nya at ni Avah dahil sa determinasyon nya e. Ngunit iba si Melanie ngayon. Dahil hindi basta-basta si Melanie, mas lalo lang nagpupursigi si Noah na makamtan ang dalaga. He wanted to tame her. Para kasing wild boar si Melanie. Napakahirap paamuhin.


Kahit sumusuray ay nagawa parin ni Noah na marating ang cabin na okupado ni Mel. Kinatok nya ang pinto habang tinatawag ang ngalan nito. Noong una ay normal lang ang kaniyang tono. Ngunit nang lumipas pa ang sandali at wala syang natatanggap na feedback, doon na lumakas ang katok nya at halos isigaw na niya ang pangalang Melanie.


"Let's just talk! Melanie!" Pagsigaw ni Noah sa pinto. Tumitingin sa kaniya ang mga ibang guests na napaparaan. Dahil sa ginagawa ni Noah na iskandalo ay nilapitan na sya ng manager kasama nito ang isang receptionist.


"Mr. Sebastian, is there any problem?" takang tanong ng Manager. Sa tagal kasi ni Noah na clientele ng resort eh never itong nag iskandalo ng ganon.


"I just wanted to talk to the woman of this cabin. That's all." Tinignan ng receptionist ang numero ng cabin.


After reading the number, she said, "ay, sir. Wala na po si ma'am jan. Ako po yung on duty nang mag check-out sya kaninang umaga."


"What?" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Noah. "Melanie already left?"


"Opo, sir. Isang linggo nga po sana si ma'am dito eh. Kaya nirefund na lang po namin yung advance payment nya."


Bumagsak bigla ang balikat ng binata. Ito ang napapala nya. Kung kagabi pa lang ay kinausap na nya si Melanie ay di baka ayos na sila ngayon. Pero hindi e. Inunan pa nya yung walang kwentang paginom nya ng alak.

Tamed by NoahOnde histórias criam vida. Descubra agora