Mabilis ang oras noong lunes. Naghahabulan ang dalawang kamay ng orasan sa dingding at parang hanging dumadaan sa bilis ang mga ulap sa kalangitan. Buhay na buhay ang bawat kalyeng malapit sa Tyrant. Maingay dahil sa busina ng sasakyan at ingay ng construction site sa hindi kalayuan.Pero kung anong ingay sa labas, iyon din ang katahimikan sa loob ng silid-aralan.
Kunot ang noo niya habang nililibot ang tingin sa loob ng malinis at well-ventilated na classroom ng pinakahuling seksyon. Bago pa lang siya sa Tyrant at bali-balita sa Faculty ang pagiging pasaway ng mga bata. Kaya naman, habang pinapasadahan niya ng tingin ang mga mukhang naroon ay pilit niyang binabasa ang personalidad ng mga ito.
May ngumunguya ng bubble gum, nakataas ang kilay, nakadekuwatro, at nakahalumbaba.
Tipikal na katangian ng mga estudyante sa loob ng klasrom.
"Gusto niyo ba ang Tyrant, 4E?" ang naisip niyang itanong.
Pero gaya ng mga nauna na niyang nahawakan sa ibang paaralan, walang sumagot sa kaniya. Kanina pa niya pilit pinahuhupa ang tensiyon sa paligid. Pagpasok niya kasi kanina ay stiff na stiff ang ilan, habang hindi naman makaangat ng tingin ang iba.
"Or do you want me to sing something?" ngiti pa niyang tanong.
Doon lang nag-angat ng tingin ang iba pero may ilan pa rin tila walang pakialam sa kaniya. Mas lumawak ang ngiti niya at akmang kakanta nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng maputi na may itim na maalon-along buhok. Nakasuot ito ng unipormeng mas disente tingnan kaysa sa mga babaeng naroon sa loob.
"Sorry I'm late, Sir. I have been busy preparing for the intramurals."
Tiningnan niyang mabuti ang mukha ng babae. Pamilyar. Nakita na niya ang mukha nito sa kung saan. "It's okay, but may I ask for your name. You seem familiar, Miss."
"Sidine, Sir. Sidine Malarie Bulak."
Napatango siya. "The SSG President? I see. You may take your seat."
"Thank you, Sir."
Magsasalita sana siya kaso tumunog na ang school bell. Napabuntonghinga siya at nagpaalam sa kaniyang advisory class. "Be of good cheer. See you around."
"See you around, Sir."
ILANG MINUTO na ang lumipas nang lumabas ang adviser nila. Katulad noong nakaraang araw at kahapon, nakaupo lang siya sa may dulo ng third row habang tahimik na pinagmamasdan ang kaklase niyang may sari-sariling mundo. Ikatlong araw na ngayon ng klase pero ni isa ay walang nakikipag-usap sa kaniya pwera sa katulad niyang presidente na si Brent.
Hindi niya alam kung dahil ba sa pangalan niyang minamali ng basa ng ilan.
Marami kasi ang tumatawag sa kaniyang Se-de-ne at naiirita siya dahil hindi naman talaga iyon ang basa sa kaniyang pangalan. Kaya nakontento na lang ang ilan na tawagin siyang Sid o Sidayn bilang basa sa pangalan niyang Sidine.
Tatlong tao lang din ang tumatawag sa kaniyang Malarie at iyon ay si Brent na katabi niya, si Zion na presidente ng School Ministry, at si Froilan Jude na presidente ng Federation of Student Government.
Minabuti niyang ibaling sa labas ng bintana ang tingin. Naririnig pa rin niya ang halakhakan ng kaniyang kaklase. Maya-maya pa'y tumahimik.
Pumasok ang guro sa Pisika. Katulad ng ibang mag-aaral, kinatatakutan ng 4E ang asignatura ni Binibining Marcel. Pisika, isa sa mga mahirap na subject sa katulad niyang graduating student. Hindi pa man nakakaupo ang guro sa teacher's chair nang tawagin siya nito. Pinapunta siya sa harap at pinasagot sa kaniya ang isang problem na nakasulat sa isang piraso ng papel.
BINABASA MO ANG
Constant (Complete)
Teen FictionSidine Malarie lives her life in pressure and deadlines. Being the president of the Supreme Student Government, it is normal for her to run after paperworks and nuzzle her nose in signing papers she care not. But everything turned upside down when...