Mahaba ang nguso niya habang nakikinig sa sinasabi ni Jude. Pinaglalaruan niya ang ballpen at panay ang tingin sa wall clock na nakasabit sa itaas ng pinto ng opisina nito."Sidine, nakikinig ka ba?"
"Yes. Go on," aniya.
Nagpatuloy na naman ito sa paglintanya. Tumingin ulit siya sa orasan at lihim na napabuga ng hangin. Malapit nang mag-alas sais ng gabi. Bagot na bagot na siya. Halos labinlimang minuto na siyang nakaupo sa swivel chair ni Jude habang nakatayo ito sa harap niya. Nakapagitan sa kanila ang malaking wooden table nito kung saan maraming naka-pile up na mga papeles.
" - and the Directress want us to be there."
Binaba ni Jude ang folder kaya nag-angat siya ng tingin dito. "Tapos na?" tanong niya.
Napahilot ito sa sentido at tumitig sa kaniya. "Are you sure you've listened to me? It seems like you're not interested."
Napairap siya. "I've listened, okay?"
"Sige nga. Anong sinabi ko?"
"There's a meeting."
"With?"
"Board of Regents and the Directress."
"And?"
Umikot na naman ang mga mata niya. "They want us to be there. Us, the presidents of main and satellite campuses."
"Good."
Napabuga siya ng hangin at tinaas ang hintuturo rito. "Sinabi mo na sa akin ang tungkol diyan bago pa man ang team building."
Pinilig nito ang ulo sa kaliwa. "And you also instructed me to remind you after the team building."
Humalukipkip siya. "It's been months since that event. Akala ko tapos na?"
Nagkibit-balikat si Jude. "They postphoned it and they want it to be held on Sunday."
"Isn't that weird?"
Umiling si Jude. Pinatunog ang dila. "Not at all. Mas weird na naalala mo ang sinabi ko noon. I thought you forgot it, like you used to, so I remind you again. But it seems that I wronged your mind."
Ngumisi lang siya at tumayo na. "Wala ka nang sasabihin? Naghihintay si Brent sa labas."
Napansin niyang natigilan si Jude. Umikhim ito at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "It seems like you two are very close."
Napaismid siya. "None of your business."
Nilampasan niya ito at awtomatic na bumukas ang pinto. Bago pa man siya lumabas ay may sinabi si Jude na nakapahinto sa kaniya. "Just... take care of yourself, Sidine. I don't want you to get hurt."
"I know that," bulong niya at humakbang sa labas ng opisina nito. Sumara ang pinto sa likod niya at nakita niya sa Brent na nakasandal sa pintuan ng opisina niya habang nakalapat ang cellphone sa kaliwang tainga.
Nagtama ang paningin nila at ngumiti ito sa kaniya. "Bye," paalam nito sa kausap bago binaba ang cellphone.
Naglakad ito palapit sa kaniya. "Let's go. May emergency sa bahay."
Sabay silang naglakad papunta sa elevator. "Kung bakit naman kasi pinilit mo akong pumunta rito."
Ngumiti lang si Brent.
SUMULYAP siya sa bahay bago muling binalik ang tingin kay Brent.
"Ingat sa biyahe," aniya at umibis sa sasakyan. Hindi na niya hinintay na makalayo ito at dumiretso na siya sa bukas na gate.
BINABASA MO ANG
Constant (Complete)
Teen FictionSidine Malarie lives her life in pressure and deadlines. Being the president of the Supreme Student Government, it is normal for her to run after paperworks and nuzzle her nose in signing papers she care not. But everything turned upside down when...