Chapter 1

59 2 0
                                    

Chapter 1



[Rinnai]


Matim-tim kong inaayos ang pag eedit ng mga bagong dating na manuscript. I work as an editor sa isang maliit na publishing house. Hindi ko din alam kung paano ako nauwi sa trabahong ito ganung business administration naman ang natapos kong kurso.


"Rinnai, eto pa daw ang ibang manuscript sabi ni Sir."


Laglag balikat ko naman na tinanggap ang panibagong makapal na folder. Kelangan ko na nga yatang mag over time mamaya para mabasa ko lahat itong manuscript.


"Alam mo girl, feeling ko may galit sa'yo si Sir pogi. Biruin mo kakabigay lang niya sa'yo kahapon ng manuscript may bago nanaman? Kakaloka."


Siya si Rose Anne Hernaez isa ding editor. Kaya't hindi ko maintindihan kung bakit nga ba saakin itinatambak ni Sir ang lahat ng mga ito gayung luwag na luwag naman ang schedule ni rose. Napakabias talaga. Porket bff ko siya.


Yes, bestfriend ko ang boss namin. Walang nakakalam nun kundi kaming dalawa. Sa hindi ko malaman na kadahilanan ay ayaw niyang ipaalam na mag-bff kami dahil daw baka isipin ng mga katrabaho namin na bias siya.


Aba! Hindi porket mag bff kami ay tatambakan na niya ako ng sandamukal na trabaho.


"Oo nga Anne. Mukang pinaglihi ng Mama niya sa sama ng loob."


Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa sinabi ko. Pihadong kung maririnig ako ni Baklita ay sasabunutan ako nun. Hindi pa kasi siya naglalantad ng kanyang mayayabong na mga pakpak ng aguila. Chos.


"Ano kaba girl, marinig ka ni Sir baka dagdagan pa nun 'yang ieedit mo."


Napailing na lang ako. Subukan niya kundi susugudin ko siya sa Opisina niya.


Bumalik na lamang ako sa pagtatrabaho para madami-dami akong matapos bago mag lunch break dahil wala akong balak magpakagutom ng dahil sa baklitang Alexander na 'yun. Shh lang kayo na tinawag ko siyang Alexander ahh. Ayaw na ayaw kasi niya na tinatawag ko siyang Alexander wahahaha. Siya daw kasi si Alexa. Yearight!


Nakailang hikab na ako dahil sa matinding antok. Juskoday! Nakakaantok magbasa ng mga manuscript. Kailangan ko kasi itong basahin habang ineedit sa aking desktop dito sa opisina.


"Baklang 'yun, pinahirapan ako." Bulong ko lamang. Baka kasi may makarinig.


Nag unat-unat ako at tumayo para kumuha ng kape. Susko, konting tulak nalang kasi makakatulog na ako. Kelangan ko ng madaming litro ng kape.


Nagsasalin ako ng kape sa tasang dala ko ng may demonyong humawak sa pwet ko.


"Ay puwet!"

I'm Seducing my Beki FriendWhere stories live. Discover now