DEPARTURE

2 0 0
                                    

/SUE/

Papalapit na sa amin ang malaking zombie kasama ang horde na tinawag niya. Nag simula na kaming mag pa putok sa hanay nila dahil na corner na kami at wala kaming choice kundi lumaban. Sue unahin mo yang isang yan ako na bahala sa mga maliliit. Sabi ni al. Itinutok ko ang dala kong M14 at paisa-isang kinalabit ang gatilyo ng baril ko. Umalingaw-ngaw ang mga putok ng baril sa loob ng department store. Napansin kong kumunti ang bilang ng pumapasok na zombie pero hindi parin kunti ang nasa loob na. Mas lalo namang lumapit ang malaking zombie papunta sa amin. Al! Hindi tumatalab ang mga bala sa malaking zombie na to! Kahit pa sa ulo ko tirahin eh hindi tinatablan!! Napabulalas ako ng minsang tirahin ko ang huli sa ulo nito pero imbis na pumasok ng tuluyan ang bala sa ulo nito ay bumaon lang ng bahagya ang bala at hindi napasok sa loob. Tulungan mo ko dito sa maliliit at tatakas tayo pag naubos na to. Kalmadong sabi ni Al. Pinag babaril ko ang mga zombie na papalapit sa amin. kahit na hindi pa ko bihasa sa baril ay nakakatama narin ako sa ulo kahit papano. Magaan na ang hawak kong rifle, dahil sa lakas na taglay ko ngayon.
Kliik... Biglang pag tunog ng gatilyo na ibig sabihin ay wala ng bala. Anak ng... Wala na akong bala. Kinapa ko ang bulsa ng pants ko. Shit!! Kung mamalasin ka nga naman oh. Wala na akong balang pwedeng i reload sa baril ko. Hugutin mo ang sidearm mo. Bilisan mo sue! Nakalimutan ko nga palang may dala pa akong revolver. Nag pa putok na ako at sinuwerteng wala ng pumasok na zombie sa department store. Inubos na namin ang zombies sa loob at akmang lalabas na ng biglang Rawwwrr!!! Nakalapit na ang malaking kumag na to. Hinawi niya ang lahat ng madaanan nya at sinugod ako ng walang pag aatubili. Sue!! Takbo na! Aghhhnapasigaw na lamang ako ng makita kong sinapak at hinawi ng zombie si al dahilan para tumilapon siya sa mga estante di na gumagalaw. Al!!!... Ahhhhhh!!!! Gago kang zombie ka!!! Mag babayad ka sa ginawa mo!!!
Imbes na lumayo ay sinalubong ko pa ang malaking halimaw na papalapit sa akin. Parang nag slowmo ang paligid at naging magaan ang pakiramdam ko. Umiinit din ang kanang kamay ko na parang... Parang gustong manuntok. Binitawan ko ang dala kong tubo at sinalubong ang zombie. Akmang hahablutin ako ng huli gamit ang dalawang kamay niya kaya nag slide ako pailalim at patakbong tumalon sa likod nito. Nakita ko ang isang maliit na crack sa bandang likoran ng ulo nito. Eto ang matitikman ninyong mga zombie kayo pag nanakit kayo ng mga kaibigan ko!!! Ahhh!!! Sinuntok ko ang crack sa ulo nito at nabutas ang skull ng zombie dahilan para masira ang utak nito at matumba. Napuno ng utak at dugong nabulok na ang kamay ko. Ughh! Kadiri!! Nandiri ako sa ginawa ko at sa mga nakadikit sa kamay ko. Pinuntahan ko si al. Al?? Gumising ka naman oh. Wag mo muna kaming iiwan. Maluha-luha kong sinabi kay Al. Gumalaw ang kamay niya. Pero natakot ako ng biglang umungol siya. Al?? Hinanda ko na ang kamao ko para sa maaring mangyari. Itinaas niya ang kanyang kamay at pinulupot sa leeg ko. Sabay yakap ng mahigpit. Dumilat ang mata ni al at nag salita. Sabi ko sayo umalis ka na eh. Ang tigas talaga ng ulo mo ano.. Bat parang umiiyak ka? Di pa naman ako patay..
Ngumiti si al at niyakap ko na rin siya ng mahigpit. Itinayo ko na siya at nag lakad palabas.

Nagulat ako ng makita ang isang familiar na pigura. Isang matandang lalaki ang nakatayo sa atrium ng mall. Lo-- Lolo?? Ikaw ba yan?? Lolo ako to ang apo nyo. Si sue. Lolo?... Anong nangyari sa yo?? Asan si lola. Loloooooo!!! Nag simulang tumulo ang luha ko ng makita ang kalunoslunos na sinapit ng lolo ko. Wala nang kaliwang kamay ang pigura na nakatayo. Puno ng dugo ang katawan at may malaking kagat sa leeg. Nanghina ako at nawalan ng lakas. Lolo..!!! Bakit kailangang mangyari sayo to?!!! Ahhhh!!! Mga hayop kayong mga zombie kayo!!! Mga hayop kayo!!!! Lumapit ang walang buhay na katawan ni lolo papunta sa akin. Parang bumalik lahat ng alaala ng mamatay ang daddy ko. Napakabigat, napakasakit. Sue?? I'm so sorry nahuli na tayo. Anong gagawin natin ngayon? Hindi ko na maintindihan ang lahat ng nangyayari. Grawwwrr. Papalapit na ang zombie sa amin. Naalala ko ang panahon na wala pang zombie. Kung saan nagpupunta kami sa kanila at binibisita namin ang puntod ng daddy ko. Nag pipicnic kami, siya lage ang takbuhan ko. Lalo na nung panahong iwan kami ng walangyang mommy namin. At ngayon na ililigtas na namin sila ay huli na ang lahat.
(AN: babaguhin ko ang style ng pag pag e-emphasize ng mga dialogue at lalagyan ko na ng quotation mark beyond this point)

Napaluhod na ako dahil nawalan ako ng lakas. Hindi ko matanggap ang nangyari. Lumalabo na ang paningin ko. Naramdaman ko nalang na may tumapik ng aking balikat.  "i know mahirap para sa'yo ang nangyayari sue. Pero i think you need to set your lolo's soul free. Free from this demonic curse".  Ani ni al. Narinig ko na lamang na tumumba ang katawan ng lolo ko. Tumulo ang luha ko at sobrang nanghina ako, di ako makahinga. Naramdaman ko nalang ang unti-unting pagkawala ng aking ulirat at ang pagdilim ng buong paligid.

Ilang oras ang lumipas..

"saan tayo pupunta ngayon? Eh wala na pala ang hinahanap ni sue?" nagising ako sa ingay na dinulot ni rey sa loob ng van na sinasakyan namin.
"hahanapin natin ang lola ni sue, sinong makapag sasabi kung nakaligtas siya. Kailangan mailigtas din siya". Tugon naman ni jess. Bumalik lahat ng sakit na nangyari at ang pag kamatay ng lolo ko. Tumulo nanaman ang luha ko. "kailangan din naman nating hanapin ang ating mga nanay at tatay. Pero alam kong sa puntong ito ay malabo ng may mabuhay pa. Bakit pa tayo mag hahanap kung hindi tayo nakasisiguro na nakaligtas yung lola niya? Eh nakita mo nga oh yung lolo niya nagkaganun". Nag panting ang tenga ko sa narinig. "wag mong sabihin yan rey! Wag mong sabihin yan!! Buhay pa ang lola ko!! BUHAY PA SIYA!!!" sigaw sa matinding galit dahil sa narinig ko. Hawak ko ang kwelyo ng damit niya. Galit na galit ako sa kanya. "sorry". Tanging tugon niya. "sue mabuti naman at gising ka na. Di ka ba nagugutom? Anong gusto mo?" tanong ni Al. Umiling na lamang ako. Binitawan ko ang kwelyo ni rey. "tama naman kayo. Walang kasiguruhan ang gagawin nating ito. Pero hindi tayo naka sisiguro kung ano ang daratnan natin dun. Kaya naka pag desisyon ako na ako nalang ang mag-hahanap sa lola ko. Humanap kayo ng lugar na pwedeng gawing shelter." napa taas ng kilay ang tatlo. "hi-hindi! Hindi pwede! Hindi ako papayag! Bakit? Bakit kailangan mo pang humiwalay sa grupo? Bakit hindi pwedeng mag sama-sama nalang tayo sa paghahanap! Paano ka sue? Wag kang mag-isip ng katangahan!" napa yuko ako sa sinabi ni al.
"hindi katangahan ang gagawin ko. Gusto kong wag na kayong maabala. Gusto kong alagaan ninyo ang kapatid ko at hahanapin ko kayo pag natapos na ang misyon ko. Gumawa kayo ng isang community. Kung tayo nalang ang mga natitirang buhay. Kailangan gumawa tayo ng paraan para makaligtas tayo sa delubyong ito." napuno ng katahimikan ang loob ng van.
Dahil madilim na ay huminto muna kami sa isang ligtas na lugar at nag pahinga. Naisip ko ang mga nangyari. Ang bilis mag bago ng mundo, mula sa  mundong puno ng tao ay naging patay at walang awa ang daigdig na to.
Nakatulog ako...
Umaga na nang magising ako. Hinanda ko ang mga gamit na aking kakailangan. Kumuha ako ng konting gamit at mga baril. Nag paalam ako sa kanila, sinabi ko sa kanila ang plano ko at kung saan at paano ko sila makikita uli. Lumapit si al at bigla akong niyakap. "hindi ako pabor at hindi ako makakapayag sa plano mo sue. Pero mag ingat ka at please bumalik ka para sa amin, sa akin sue." niyakap ako ni al matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Nagulat ako ng biglang halikan niya ako sa noo. Napabitaw ako at nailang.
"sorry". Napa sorry siya sa ginawa niya. Ngumiti nalang ako at niyakap siya uli. Nag paalam na ako sa kanila na may pag asa sa puso na magkikita-kita kaming muli.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What's Left Of Us: Not A Typical Zombie StoryWhere stories live. Discover now