CHAPTER 14

8 2 0
                                    

Cynic Pov

Monday... Wala kameng gagawin buong linggo kung Hindi mag practice para sa intrams ...maraming activity Ang magaganap sa isang buwan lang ...minadali ni Tito dean ang process dahil kailangan daw intindihin Ang mga public school

Nagsuot ako ng Jersey shorts at Jersey na damit sinamahan ko na Rin ito ng rubber shoes ...

Pagbaba ko sa stairs Nakita ko si manang na naghahanda ng pagkain ...duon nalang ako kakain sa school

"Ohh magandang umaga iha..kumain kana nakahanda na Ang hapag kainan" umiling ako Kay manang at ngumiti

"Busog pa ako manang sa school na lang ako kakain" tinignan niya ako at umiling din

"Nako iha pagagalitan ako ng mommy mo ...kumain kana Dito" pilit nito Pero umiling lang ako at nagpunta sa pinto

"Ok lang ako manang ..sa school nalang Po ako kakain" Sabi ko at umalis Hindi ko na pinansin Ang pilit na pagtawag saakin ni manang

Hindi ko Alam kung bakit Basta gusto kong maaga pumasok gusto kong Makita si clave at Hindi ko Alam kung bakit ko ito nararamdaman

Nang makarating ako sa school deretyong pumunta ako sa quadrangle at hinanap ng mga mata ko si clave pero mukhang masyado ata akong napaaga kaya kaunti palang Ang Tao rito

Naupo ako sa gilid at inilibot Ang aking mga mata nang mapadpad ito sa isang binata at dalaga na masayang naguusap tinignan ko ito ng mabuti at Hindi ako nagkakamaling si clave iyon Pero hindi ko Kilala Ang babaeng Kasama niya

Matangkad na babae...maputi...mahaba Ang buhok....at maganda

Siguro ito Ang nobya ni clave ...nainis ako Bigla sa aking naisip dapat Pala Hindi na ako pumasok ng maaga dapat Pala kumain na lang ako sa bahay sana Hindi ko Nakita ito

Nakaakbay si clave sa dalaga at masayang naglalakad papunta sa dereksiyon ko mukhang Hindi pa ako nakikita ni clave ....tawa sila ng tawa Ang ngiti sa mukha ni clave ay Hindi ko pa nakikita Nung magkasama kame

Bakit koba ito nararamdaman?Anong meron sa puso ko at parang tinutusok ito ng maliliit na karayom?Hindi ko pa ito naramdaman Simula Nung Iwan ako ni Clark ...bakit ganito nalang kung mag react Ang puso ko

Is there something wrong with my heart?

Nang malapit na Sila saakin tumayo ako ng tapunan ako ng tingin ni clave at masayang ngumiti saakin ...pilit akong ngumiti at tinanguan siya

Nagtatakang tinignan ako ng babae at bahagyang ngumiti rin saakin ....

Kingina nanginginig Ang mga tuhod ko

Maganda rin naman ako kung tutuusin mas maganda ako sa dalagang Yan parang binuhusan ng maraming harina at katawan niya

"Good morning slay....si Amelia nga Pala" Sabi nito at turo sa dalagang naka kapit sa braso niya

Nawawalan ako ng kontrol sa sarili ko parang gusto ko siyang kalbuhin ngayon at isubsub sa inidoro...ngunit diko ginawa ...pilit lang akong ngumiti sa dalaga"H-hi nice to m-meet you" Sabi ko at lumunok

Bakit ba Kase umasa ako?!o ano ba talagang meron sa puso ko?!halo halo ang nararamdaman ko Hindi ko na alam kung dapat paba akong magpatuloy naguguluhan ako

"Nice to meet you too....zoeytot Tara na" Aya nito Kay clave nginitian lamang ako nito at umalis na

Zoeytot?fck!yun ang endearment nila Ang panget naman

At The Back Of Being Bitch[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon