CHAPTER 15

6 1 0
                                    

Zoey pov

Dinala namin si slay sa hospital Hindi ko Alam kung narinig niya Ang huli Kong sinabi ...nagaalala ko ng sobra sakanya baka magkaroon siya ng amnesia

Nandito kame ni mia sa waiting are hinihintay na lumabas Ang doctor Galing sa emergency room halos 15 minutes narin kame Dito at walang nagsasalita

Hanggang sa may isang kamao Ang lumipad sa mukha ko napaupo ako sa sahig at tinignan Ang taong gumawa nun Wala akong lakas lumaban dahil sa pagaalala

"Kuya alex!ano ba!" Sabi ni mia at tinulungan akong tumayo

Dinuro ako ni kuya alex kitang kita ko Ang Galit sa mga mata niya"Anong ginawa mo sa kapatid ko hah!pinayagan kong mapalapit siya sayo tapos Anong ginawa mo!" Sigaw nito saakin napayuko at napahawak sa batok ko

"Kuya alex Wala siyang kasalanan!ano ba!malayo siya saamin nang mangyari yun at Hindi niya gagawin Yun!" Gulat na tinignan ako ni kuya alex at naupo ginulo nito Ang buhok niya dahil sa frustration

"I'm sorry ...nagaalala lang ako sa kapatid ko ...malalagot ako Kay daddy kapag nakarating sakanila ito" Sabi niya maluha luha na siya ng tumingin saakin

Wala akong masabi Hindi ko Alam kung Anong sasabihin ko dahil pati ako nagaalala

Ilang sandali dumating na si Andrei kinausap niya si mia Pero wala akong naiintindihan Ang tanging iniisip kolang ay si slay ... Sana maging ok siya

Dumating din Ang parents ni slay...nag bow ako ng bahagya sakanila ng tignan nila ako ngunit may may napansin akong Kasama nila

Isang lalaking maliit ..maputi at singkit sino Yan?

Lumapit Ito Kay mia at ngumiti lumapit din ito Kay kuya alex pati narin kay Andrei nakipag apir ito

"Ano bang nangyari?" Tanong nito Kay kuya alex

Kaano ano niya si cynic?

"Mahabang kwento Xander ... matutuwa si cynic na Makita ka" Sabi ni mia nagtataka ko silang tinignan

Sino bayan?

Dumapo Ang tingin ni Xander saakin ngumiti ito at lumapit"hi" bati niya pilit lang akong ngumiti sakanya

Lumabas Ang doctor Galing sa emergency room at lumapit sa Amin

Lumapit Ang parents ni cynic at sumunod kame Nasa likod lamang kame ng mga ito

"The patient is suffering for minor head injury ....Hindi namin masasabi kung kailan siya gigising but she's fine now nothing to worry siguro 2-3 days Bago siya gumising"

"Thank you doc" Sabi ng mommy ni cynic napayakap ito sa asawa

Tinignan ako ng daddy ni cynic"mabuti pa iho bumalik kana sa school baka hinahanap kana" Wala na akong nagawa timalikod na ako at nagsimulang maglakad

Pangako cynic bukas pagkatapos ng practice namin dadalaw ako Sayo ayokong magising ka nang wLa ako sa tabi mo pangako iyan

Nang makarating ako sa school ay natanawan ko Ang mga nagkukumpulang mga students sa quadrangle lumapit ako Dito at Nakita ko sila denver

"What happen?" Tanong ko kay Louie tinignan niya ako ng Puno ng pagtataka sa mukha

"I don't know ...Ang Alam ko lang ay may Nakita akong taong naka hood na gumawa niyan nagsusulat siya gamit Ang pulang pintura kung saan mismo tinamaan ng bola si cynic" paliwanag nito dahil curious ako nakiraan ako sa mga students na nakaharang sumunod din saakin Sila denver

Nang makarating ako sa gitna nagulat ako ng mabasa ko Ang nakasulat

Pasensya kana cynic nadamay ka kailangan lang talaga kita
Zoey clave Buenaventura Ikaw na Ang susunod

Tumayo Ang mga balahibo ko nang mabasa ko iyun

"Sinong may gawa niyan?" Sabi ni Denver habang nagtatakang nakatingin sa nakasulat napailing lamang ako at sunod sunod na lumunok

Wala akong naging kaaway para gawin Ang bagay na ito...Wala akong maisip kung sinong pwedeng gumawa nito ..at bakit kailangan niyang idamay si cynic?Anong kinalaman ni cynic Dito?

"May nakaaway kaba?" Tanong ni Louie sunod sunod akong umiling at napaupo kinakabahan ako sa susunod na mangyayari

Pinauwi ako ni coach Tom dahil Wala daw ako sa sarili ko sinabi niya din na naiintindihan niya Ang sitwasyon ko kaya pinauwi niya ako

Habang Nasa byahe ako pauwi may biglang lumipad sa salamin ng kotse ko inihinto ko Ang sasakyan at kinuha Ang papel

Nagustuhan moba Ang surprise ko?Wag kang mag alala naguumpisa palang kame

Inis na pinunit ko Ang papel at nag drive ulit pauwi ...

Nang makauwi ako Nakita ko si ate na may binabasang isang papel katulad na katulad ito ng papel na nakuha ko kanina

Tinignan niya ako na may nagaalalang mukha lumapit ako sakanya at hinawakan Ang balikat niya

"Anong problema ate Bria?" Tanong ko inabot niya saakin Ang papel na kanina niya pa hawak binasa ko Ang nakasulat nagdulot ito ng pagtayo ng balahibo ko

You're parents is in danger

"Nasan Sila mommy?" Nagmamadali kong Tanong kay ate Nakita kong napalunok  ito

"Nag date sila sa isang Korean restaurant" pagkarinig ko nun ay dali dali akong umalis at nagpunta sa pinaka malapit na Korean restaurant

Nang makarating ako duon agad akong pumasok at hinanap sila mommy Pero wala akong Nakita isang beses ko pa itong tinignan ngunit Wala talaga

Anong ginawa nila sa pamilya ko

Tinignan kona LAHAt ng restaurant Pero wala kahit na anino nila mommy nagsisimula na akong magalala kung Anong nangyari sakanila nang may biglang tumawag saakin tinignan ko ito at Nakitang si ate Bria Ang tumatawag

"Umuwi kana nandito na Sila mommy ..ok sila" pagkasabi nun ay binaba na niya Ang tawag napasandal ako sa kotse ko at huminga nang malalim

Ano bang kailangan nila saamin at ganito Ang ginagawa nila?Anong kasalanan ng pamilya ko para paglaruan nila kame ng ganito na pati si cynic ay idinamay nila?ano bang gusto nila?

Wag lang silang mangdadamay ng iba sa huling pagkakataon kung kame ang kailangan nila kame nalang


Someone's Pov


"Mission accomplished....Simula na nang paghihiganti" sambit ko habang umiinom ng wine tinignan ko Ang Kapatid ko habang nakangiti isang ngiting tagumpay

"Pagbabayaran nila Ang ginawa ng pamilya nila sa pamilya natin kuya" ani nito at tumawa napangiti ako

"Buhay Ang nawala Buhay rin Ang kapalit ...Pero sa ngayon paglalaruan muna natin Ang pamilya Buenaventura"

"Anong gagawin natin kay cynic?" Tanong nang kapatid ko

"Idadamay lang natin siya para saktan si zoey emotional ....kapag natapos na Ang hinihintay natin makakamit na natin Ang katarungan Samantha"

-
Author's note

Ano kayang balak nila ...at sino kaya sila? Find out

Please vote


At The Back Of Being Bitch[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon