Chapter 21

90 5 0
                                    

SUSAN's POV

Umiiyak padin ako sa loob ng dorm ko. Oo alam kong isang hunter si Justin.

Oo alam kong nangagahasa at nanakit siya.

Oo alam kong masamang tao ka pag naging hunter ka

Pero masisisi niyo ba ako kung talagang mahal na mahal ko yung tao? Pag mahal mo doat ipaglaban mo at tanggap mo kung ano siya.

So I did. Nalaman kong kinailangan niya lang na maging hunter ay para lang naman magkaroon siya ng benefits. Oo may benefits ang pagiging hunter. Una sa lahat you can do what you want.

Na bawal kang sitahin at ang sisita sayo lagot sa hunt day. Pangalawa bukod sa SC Officers may karapatan kang gumawa ng slaves or toys para kay &^&^*;;! 

/commercial: para sa nagtataka sa &^&^*;;!  Kaekekan ko lang yan. It's actually a name pero ginawa ko lang siyang codes. Bakit? Sabihin mo baket.. kasi.. pwet mo may raket charrooott tanggal c.. de seryoso na kasi kapag nilagyan ko na ng name eh di alam niyo na agad kung sino wala nang thrill wala nang suspense. Alam kong asar kana kaya iniscroll mo na agad pero di ko na kasalanan kung di moto binasa bahala ka sa buhay mo na parang life/

At ang pinaka sa lahat ay ang the King of all hunters dahil di siya napapalitan. At hula kong papalapit na ang araw na pagbabalik niya. Napostpone ang pagbabalik niya ng dahil sa isang di malamang dahilan.

Napatingin ako sa album namin at binuklat ito. At muli nanaman akong naiyak. Hinaplos ko ang mukha ni Justin na ngayon ay pinatay na ng mga walang hiyang cleaning hunters.

Actually may tatlong hunters dito. The Music hunters. Once in a month lang sila nagpapakita at nanggugulo. Malalaman mong sila ito kapag ang musika ay mabilis. Binubuo ito ng mga pili at mga hindi kilalang studyante. At ang panghuli ang Cleaning hunters na may dalawang uri. And day at night.

Night CH- obvious naman na sa gabi sila lumalabas. Nagsisimula silang lumabas pagpatak ng 10:59 ng gabi. At aalis kapag papasikat na ang araw

Day CH- minsanan lang sila kung lumabas sa umaga kapag may nasira ang mga music hunters. Biglaang lalamyos o babagal ang tugtog kapag sila na ang mambibiktima. Lahat ng nakakalat sa field ay papatayin nila.

Nangigigil na ako sa galit sa mga day ch na yan.

Umalis ako ng dorm at pumunta sa pintuan at ilolock ko na sana ito ng biglang may nantakip ng panyo sa ilong ko.

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar.

Ang unang bumungad sakin ay mga furnitures. Paintings,vases with no flowers.

Mga cabinet

Teka.. asan ako?!?

Maya maya lang may dallawang naka all in black na humarap sakin. Nakatakip ang mukha nila at tanging mata lamang nila ang makikita.

Nagulat ako. "Queen" malamig siyang nakatingin sakin

Merong pinisil si queen sa bandang gilid ng kanyang mukha

"Ehem. Alam kong nagluluksa ka ngayon subalit. Kelangan mong pagplanuhan ang iyong bawat hakbang. Ako'y naninibago parin sa patakaran ng skwelahang to. Ehem ehem. Kaya pwede mo bang ilahad ang mga alam mong detalye?" Naningkit ang mata ko

"At sino naman kayo para sabihin ko yun? Queen ka lang pero kaya kang palitan. Buti sana kung ikaw yung King ay matatakot pako sayo" napatayo naman sakanyang inuupuan si queen

"Ok sige. Di ko na itutuloy ang balaka kong kunin ang bangkay ng Justin mo" nanlaki ang mata ko,

"Ok ok sige s-sasabihin ko na ang nalalaman ko" agaran kong sinabi ang tungkol sa mga hunters, mga uri nito, hideouts nila at lahat ng tungkol sakanila.

Tumango naman si queen. May inilahad ang lalake sakin na bola.

"Push the botton and you'll see the truth" may laser naman na napunta sa mata ko. At para akong nahihilo

"Iisipin mong panaginip ang lahat ng ito. Tatahimik ka at di mo sasabihin ang napanaginipan mong ito. Kinabukasan magigising ka at parang normal lang at makakalimutan mo na si Justin at magmamahal ka na ng iba. Ngayon pumikit kana."

At pagkasabi ng taong yun ang salitang pumikit kana ay ang pagpikit rin ng aking mata at ang tuluyang paglamon sakin ng dilim.

Napabangon ako sa pagkakahiga. Ang astig ng panaginip ko.

Nakaharap ko daw si queen at may mga sinabi ako saknya na di ko na maintindihan teka. Sino na nga ba yung pinagluluksa ko kagabe?

Tumingin ako sa salamin. Halah umiyak bako kagabe?

bakit ako umiyak? Eh sinong iniiyakan ko?

Isina walang bahala ko na ito at nagbihis na at naguniform. Naglalakd lakad na ako ng nakita ko ang matalim na tingin ng queen bee namin. Nilapitan niya ako at sinampal

Napahawak naman ako sa pisngi ko

"Anong problema mo?" Nagngingitngit naman sa galit si riona ang queen bee namin.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko! Alam kong ikaw ang nangbasag ng bintana kaya namatay ang ilan sa mga hunters! At kasama dun ang mahal kong si JUSTIN!!!!!" Napatulala ako.

Justin? San ko nga ba narinig yun? Sino si justin?

"S-sino si Justin?" Puno ng pagtatakang sinabi ko.

Ramdam ko naman ang pagkagulat ng mga taong nanonood. Natahimik ang lahat. At ang kaninang tahimik ay napalitan ng mga yabag. Papaalis.

Nalilito ako sa mga nangyayare

Ano bang nangyare kahapon? Bakit ba di ko maalala kung sino yung Justin?

Biglaang sumakit ang ulo ko. The more na pinipilit kong lalahanin the more na sumasakit ang ulo ko.

Nandilim ang buong paligid ng pinilit ko ang aking sariling maka alala

Nagising ako at pagmulat ko puting kisame ang bumungad saakin.

Asan ako? Lumingon lingon ako at nasa loob pala ako ng clinic.

Hinawakan ko ang lace ng Id ko at itinaas to. Sa likod ng ID ko may nakita akong picture. Picture naming dalawa ng lalakeng di ko kilala.

Sino to? Bakit nakalimutan kita? Kaano ano kita? Bakit nasasaktan ako? Ano ba ang nangyayare nalilito na ako?!? Ayoko ng ganito ayoko nang alalahanin ka! Pinapasakit mo ang puso't isip ko.

Bakit ako umiiyak? Bakit napakaraming luhang pumapatak na galing saaking mata? Bakit kita iniiyakan? Bakit parang gusto kong gumanti? Bakit parang gusto ng paa kong pumunta sa mapanganib na lugar at nagbabakasakaling makita ka roon? Napatingin ako sa kisame.

Tama na ayaw ko na. Tinanggal ko ang larawan sa likurab ng aking ID at pinunit ito.

Siguro nga minahal kita noon. Pero mukhang sinaktan mo ako kaya kelangang limutin na kita

Itinapon ko ang punit punit niyng larawan at sinunog.

Umalis na ako sa aking silid at pumunta na sa dorm building

TO BE CONTINUED

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon