PART I

8.7K 173 10
                                    

unang araw namin sa klase, masaya akong pumasok sa pa aaralan dahil makakasama ko na naman ang mga kaibigan ko. at syempre ang mga bagong kaklase.




panibagong taon, panibagongng crush na naman. ilang sandali pa ay nakarating na ako sa classroom namin, kaunti ang tao rito at ilan lamang ang kilala ko pero may naka agaw agad ng pansin ko. lalaking naka hoodie na black, tumingin sya sakin kaya kinuha ko ang pag kakataon na iyon para ngitian nya ng pagkatamis tamis.






kulay lupa ang mga mata nya, maputi ang kanyang balat na animo'y di na sisikatan ng araw, matangos ang ilong at mapula ang kanyang labi.






sarap sigurong halikan.







"Goodmoring!" bati ko sa mga tao sa loob ng room,, sinandya kong laksan ang boses ko para maagaw ang kanyang pansin ngunit parang wala syang narinig at tumingin lamang sa bintana na katabi nya.






sobrang lalim naman ng iniisip nya. sana ako yon.
"Uy sabrina mag kaklase na naman tayo" sabay kaming tumawa, tinapik niya ang katabi nyang upuan kaya naman ay ngumiti akong pumunta sa kanya, dumaan ako sa gilid.






"Uy kamusta summer, oli?" tanong ko, hindi kami masyadong nag papansinan dati ngunit ngayon ay natutuwa ako dahil pinapansin na nya ako.







"Ayos naman, ikaw ba?" naka ngiti lamang sya sakin "Ay oo nga pala sabrina, nakilala mo na ba ang gwapo kong pinsan?" umiling ako. sino naman ang pinsan niya?







"Be nice bro" bulong niya, naramdaman kong may kung anong presensya ang nasa likod ko kaya humarap ako, laking gulat ko ng sobrang lapit ng muka namin sa isa't isa.





napaatras ako ngunit mapangakit ang kanyang mga mata, ang kulay lupa niyang mga mata ay para bang naging kulay itim at hinihikayat ako na mas lumapit pa sa kanya, samahan na ng kanyang natural na amoy.






"John Adrian" malamig pa sa yelo na sabi niya, ngunit naka tingin lamang siya ng diretso sa mga mata ko, biglang nag init ang buong muka ko kaya nag iwas ako ng tingin. at lumayo sa kanya.






"stop scaring her" wika ng familiar na boses, "You ok?" tumungo tungo ako at pumunta sa upuan ko.






tangina? anong nangyari? kumalma ka sabrina, si adrian lang yan, di big deal yan.






"Hey, you ok?" tumingala ako at nakita ko si miguel. classmate ko din sya dati, tumungo tungo ako at nilabas kunyari ang phone ko para hindi maging awkward.





"pst. oy!" tumingin ako at nakita ko ang mala demonyong ngiti ni oli "Crush mo pinsan ko 'no?" tanong nya kaya agad ko naman itong itinanggi.





"Sus kunyari ka pa, wag ka dyan sa pinsan namin, di pa nakaka move on yan" wika ni miguel at sabay silang tumawa ni oli.






mga siraulo, umupo ako sa upuan ko at pinagmasdan si adrian, anong meron sayo? bakit na papabilis mo ang tibok ng puso ko?






"Good Morning Class, alam kong karamihan sainyo ay kilala na ako, ngunit mag papakilala ulit ako dahil alam kong may mga bagong mag aaral rito sa klase ko. Ako po ay si Angelica Leonarda" walang emosyon na wika ng aming guro, naging subject teacher ko na siya last year ngunit hanggang ngayon ay takot parin ako sa kanya.







"Good Morning, Mrs. Angel" bati ng buong klase.






"First Day natin ngayon at ako ang magiging adviser nyo at magiging guro sa filipino" tumungo tungo kami "So ilan ba ang transferee natin, mag pakilala na upang masimulan ang botohan ng class officers."




Kinuha niya ang listahan niya ng mga transferees upang isa isahing tawagin. "Ok, dalawa lang ang transferee natin" iginala niya ang paningin niya saamin "Mr. John Rosales and Ms. Jewel Edrada" tumayo si adrian at pumunta sa harapan. sinundan ko siya ng tingin at tinitigan siyang mabuti.






"Introduced yourself hijo" wika ni Ms angel umupo sa teachers table.





"Ayusin mo sagot mo Adi, kung ayaw mong mapag initan ngayong semester" bulong ni oli kahit alam nyang hindi ito maririnig ni adrian.






"John Adrian Rosales" malamig na wika nya at bumalik sa upuan niya, napasinghap kami ni oli dahil sa ginawa nya. isang kabastosan iyon para kay Ms. Angel.






Walang kahit sino ang gumawa samin ng ingay dahil ayaw namin mapag initan buong semester, "Sorry I'm Late" kinakapos sa hiningang sabi ng isang magandang babae. pinagmasdan namin siya, Matangkad sya at morena, maganda ang kutis at mapula ang kanyang labi.





Nawala ang atensyon namin sa classmate namin na maganda dahil humalakhak ang aming guro ng sobrang lakas ngunit sa sarkastikang paraan.







"Who are you?" malamig na tanong ng aming guro.







"Jewel, Jewel Edrada" nahihiyang wika nya.





"You Look amazing Miss Edrada" wika ni Ms. Angel at sinenyasan si jewel na maupo na, ang bakanteng upuan nalamang ay ang katabi ni adrian, kaya umupo rito si jewel.





nakaramdam ako ng inggit. slight lang





"Let's proceed to our class officers" ngumiti siya saamin. "I want my president to be a good leader and always there if needed" tumingin siya samin ni oli. "Let's start, I nominate Sabrina Dela Torre" agad naman akong nagulat dahil sa sinabi niya.






nag taas ng kamay si miguel "I nominate Tristan Oliver" sabay kaming nag buntong hininga ni oli.





"I nominate Jewel Edrada" ngumiti ang kaklase kong lalaki kay jewel at nagtaas taas pa ng kilay. muka tuloy syang manyak.






---
edited na sya, madaming nabagong scenes and madaming nawala.

thank you for reading😚




UNCRUSH Where stories live. Discover now