PART III

5.5K 174 1
                                    

"Adrian!" napasigaw ako dahil sa nangyari. ginantihan nya ng sapak yung gelo at yung isa naman ay tumulong na pabagsakin si adrian.








busy sila at pwedeng pwede kong kuhanin ang pagkakataon na iyon para tumakbo at huming, ngunit nag dadalawang isip ako kung iiwan ko ba dito si adrian at humingi ng tulong.









nilapitan na sya ng iba upang pag tulungan sila kaya sinipa ko sa sikmura yung lalaking naka baseball cap at sinampal naman ang kasunod niya.








naramdaman ko na may humawak sa braso ko, sasampalin ko na sana ng makita kong si adrian ito, hinigpitan niya ang hawak sa braso ko at tumakbo kaya tumakbo narin ako.









tumakbo kami kami papunta sa main building ng paaralan kung saan madaming tao na pwedeng makakita saamin. napatingin ako kay adrian habang tumatakbo kami, dumudugo ang kanyang labi.










tangina ang maganda nyang labi ay dumudugo, hindi ko pa natitikman iyon. ngayon ay dumudugo na ito! humanda sila sakin.









huminto kami sa isang bench upang mag pahinga. "Anong ginagawa mo sa lugar na iyon?" nag aalalang tanong niya saakin at ang mga kamay niya ay nasa braso ko parin.









"Umalis lang ako saglit upang mag tungo sa banyo" paliwanag ko. napatingin ako sa labi nya, inilabas ko ang panyo sa bulsa ko at pinaupo siya sa bench.









dahan dahan kong pinunasan ang labi nya pero iniwas nya ito "Hindi na kailangan" tinabig nya ang kamay ko.








"Wag kang magulo!" inis na sabi ko at pinunasan ko muli ang dugo sa kanyang labi. tumingin ako sa mata niya ngunit nakapikit ito. "Ayan tapos na" lumayo ako ng kaunti dahil sobrang lapit ng muka namin sa isa't isa. kinuha nya sakin ang panyo ko.








"Dito ka lang, bili lang ako ng tubig natin sa cafeteria" sabi niya at nag lakad paalis. umupo ako sa bench at pinikit ang mata ko.










napamulat ako ng may kumalabit saakin. "Uy brina, sorry na balik kana sa classroom" naka ngiting wika ni dustine saakin at umupo sa tabi ko









"Bakit ka nandito?" tanong ko, ang kulit nya.










"Tara na sa classroom?" umiling ako, babalik pa si adrian, bumili lang sya ng tubig sa cafeteria.









"Una kana, sunod ako later pa hangin lang ako" ngumiti sya sakin at umiling, inilabas niya ako phone at earphones. sinuot niya sakanya ang isa at binigay naman sakin ang kabila.









kinuha ko iyon at inisalpak sa aking tenga. isinandal ko ang ulo ko sa bench at ipinikit ang mata.






Dreams, they're for those who sleep, Life is for us to keep
And if you're wondering what this song is leading to, I want to make it with you, I really think that we could make it, girl~~








napakaganda ng musika na ito, hindi ko alam na maganda ang taste ni dustin sa musika, buong akala ko ay isa syang Fvck boi na puro katawan ng babae ang gusto dahil sa muka nya. Resting fvckboi face.







"Love can be right or wrong, And if I chose the one I'd like to help me through I'd like to make it with you, I really think that we could make it, girl~~" pag sabay nya sa pag kanta na ikinagulat ako, minulat ko ang mata ko at tiningnan siya.







napaka ganda ng kanyang boses, may talento sya sa pag kanta, at gwapo sya maaring sumikat sya kapag sumali sya sa mga banda.








nakaka sampung kanta na ata kami ay di parin kami umaalis sa bench, palubog na din ang araw at madaming estudyante ang nagsilabasan.







pinikit ko nalang muli ang mata ko dahil tulog na ata si dustin, sarap kaltokan ampotchi! tinulugan ako, ayoko naman syang iwan mag isa dito. nang natapos ang kanta ay naramdaman kong may gumalaw ng earphones na nasa tenga ko.








minulat ko ang mata ko at nakita ang muka ni dustine, sobrang lapit ng muka namin sa isa't isa, hindi ako naka galaw agad at pinagmasdan ang mata nya, kulay abo ito at sobrang kapal ng kanyang kilay. mapula din ang labi niya.







"Tara na sa room, baka mag uwian na" wika niya at tumayo para maglakad palayo sakin. dali dali ko namang inayos ang damit ko at sumunod sa kanya.








malapit na kami sa classroom, at doon ko lamang naalala na hindi bumalik si adrian galing canteen, baka hinarang sya doon at binugbog ng mga damuhong junior high!







"May problema ba?" tanong ni dustin, tumingin ako sa kanya at umiling.







"Ano" tinaasan niya ako ng kilay "Nakita mo ba si adrian kanina nung asa bench tayo?" tanong ko, pero umiling sya. nakarating kami sa classroom.








"Ayun si adrian" tinuro niya ang lalaking naka titig sa bintana na para bang sobrang dami nyang problema. napatingin silang lahat saamin. sabay kaming pumasok at naka masid lamang ang mga kaklase namin saamin.







"Bakit kayo sabay, san kayo nag punta? are you guys dating?" pang aasar ni oli.







"You look cute together though" plastic na sabi ni jewel. sabay pa kaming napa irap ni oli.






"I agree" bulong ni adrian pero sapat na para marinig namin.

----

Make it with you by: Ben & ben

UNCRUSH Where stories live. Discover now