Episode 3

749 30 4
                                    

March 19, 12:41pm

Lunes at dalawang araw na ang nakalipas ng mamatay si Estre.

Sa School..

Lunch time na at kumain kaming magbabarkada sa isang Restaurant na madalas namin kinakainan na malapit lang din dito sa aming School.

"Grabe nagkalat na agad sa buong Campus ang nangyaring pagkamatay ni Estre, at hindi lang yan tayo pa ang sinisisi sa pagkamatay nya", sabi ni Krissy sabay higop ng noodles na inorder nya.

"At Sino naman ang nagpakalat ng chismis na yan?, si Bella ba?, pag-ako napikon sasabunutan ko na yang inggetera na yan", sabi ni Chrislyn.

"Alam naman natin ang totoo na nangyare, kaya wag na tayo mag-paapekto sa mga chismis na yan wala naman tayo mapapala kung papatulan natin yan", sabi ko.

"Hindi parin ako makapaniwala na wala na siya, namimiss ko na agad si Estre, lage pa naman syang last na natatapos pag kumakaen tayo dito kase sobrang pabebe nya kumaen", sabi ni Hazel.

"Atsaka yung pulubi dun sa tapat ng Gate ng School yung matandang Lalake, takot na takot sya dun eh", sabi ni Phoebet.

"Hahaha Oo nga, lage syang hinahabol nun eh kaya may Phobia na sya dun", sabi ni Hazel.

"Tsaka lagi nya'ng bukang bibig yung crush nya si Joey, kilig na kilig sya dun eh", sabi ni Krissy.

"Sinong Joey?, Joey Ramirez? Yung Captain Ball ng Basketball team?, hindi naman gwapo yun", sabi ni Chrislyn.

"Ikaw ha okray ka ha, teka C.R muna ako samahan mo nga ako Pam", sabi ni Krissy at sinamahan ko siya mag CR.

Nasa Cubicle si Krissy habang ako naman ay nagsasalamin at hinahantay sya.

"Krissy hindi ka pa ba tapos diyan?, mauuna na ako dun?", sabi ko.

"Wait lang Besh, eto na", sabi nya sabay pindot ng flush ng inidoro.

"Joke lang, take your time lang", sabi ko at bigla na lamang nagtiti-tile si Krissy.

"AAAAAAH!".

"Bakit anong nangyare sayo Besh?", sabi ko.

"Kadiri! Kadiri! Kadiri", sabi ni Krissy habang papalabas ng Cubicle at  habang pinapag-pagan ang kanyang buhok.

"Ano ba kase yun?".

"Yung bwiset na ipis nag-landing sa ulo ko, kainis".

"Sus kala ko pa naman kung Ano na, kung makatile ka para kang ni-reyp".

"Kadiri kaya, hay nako tara na nga", sabi nya at bumalik na kami sa table.

"Uy Girls goodnews, sabi sa Group chat wala daw si Mam.Legaspi, kaya may 2hrs freetime tayo para mag-gala", sabi ni Chrislyn.

"Tara bibili ako ng pang-kilay, atsaka may mga sale daw ngayon dyan sa Mall", sabi ni Hazel.

"Kayo nalang Girls, may pupuntahan pa kasi ako eh", sabi ko.

"At saan ka naman pupunta Cuz?", sabi ni Phoebete.

"Basta, next time sasama na ako promise, may pupuntahan lang talaga ako ngayon", sabi ko.

At pumayag naman sila na hindi muna ako makakasama at yun na nga pumunta na sila ng Mall samantalang ako ay babalik ng School para pumunta sa Library.

May gusto kasi ako'ng malaman tungkol sa kadalasan ko'ng pananaginip ng parang totoo baka kasi may libro sa Library na makakasagot sa mga katanungan ko na hindi masagot-sagot ng Internet.

Lahat kasi ng klase ng Libro ay nasa Library ng aming School, sikat na kolektor kasi ng Libro ang Founder netong University.

Balak ko na talagang pumunta dito at mag skip ng subject para makahanap ng kasagutan sa Library.

Pero dahil wala naman pala si Mam Legaspi, maybe this is really the right time para gawin yun.

SA LIBRARY...

"Goodafternoon po Mam, meron po ba tayong libro dyan tungkol sa panaginip?", sabi ko.

"Wait lang ha check ko", sabi ng Librarian at nagtype sya sa kanyang laptop. "Merong isa na nasa bookshelf 152, 2nd floor".

"Sige po salamat po Mam".

"Kaso gamit pa ng isang studyante eh".

"Huh?, wala na po ba'ng iba?".

"Wala na eh , nag-iisa lang yun".

"Pwede ko po ba malaman kung sinong humiram?".

"Teka tignan ko sa logbook, uhmmm si Joey Ramirez", sabi ng Librarian.

Ghost Club: Chapter 3Where stories live. Discover now