Episode 22

428 17 2
                                    

Agad kami nagtungo ni Kairo sa Condo ni Marlou, pero dahil sa sobrang traffic ay mga pasado alas onse na kami nakarating dun.

March 20, 11:50 PM

Kinatok namin ang kwarto ni  Marlou at ilang sandali lang ang lumipas ay pinagbuksan nya kami ng pinto.

"Oh bakit ka bumalik!!!", sigaw ni Marlou.

"Asan si Chrislyn, andyan ba sya?", sabi ko.

"Yung walang kwentang Babae ba na yun?, kakaalis lang nya".

"Saan sya nagpunta!".

"Aba malay ko, pagkalabas nya , biglang katok kayo eh, kala ko nga siya yung kumakatok".

TING! (Tunog ng elevator).

"Yung Elevator A pababa palang baka sya na yan", sabi ni Kairo.

Hmmm nasa 27th floor plng yung Elevator C, kung tatakbo ako sa stairs maabutan ko sya sa 13th floor.

Walang ano-anoy tumakbo ako  pababa ng hagdan.

"Saan ka pupunta!", sigaw ni Kairo pero hindi ko sya pinansin dahil sa sobrang pag-aalala ko kay Chrislyn.

Pagdating ko  ng 13th floor ay pinindot ko agad ang down button ng Elevator ngunit huli na ang lahat dahil nakalagpas na ang elevator.

Ganun din ang nangyari pagdating ko ng 12th,11th, 10th, at 9th floor.

Kaya naman mas binilisan ko pa ang pagbaba ko at nilagpasan ko ang 8th at 7th floor at dumiretso na ako sa 6th floor.

Nang makarating sa 6th floor ay agad kong pinindot ang down button.

TING!( tunog ng Elevator).

Bumukas ang pinto ng Elevator at  bumungad agad sa akin si Chrislyn.

"Anong kailangan mo?",sabi ni Chrislyn .

Hindi ako agad nakapagsalita dahil hinahabol ko pa ang aking paghinga dahil sa hapo ng pagtakbo.

Nakatitig lang si Chrislyn sa akin habang hinahabol ko ang aking paghinga.

Nakatungo ako habang nakahawak sa pader at hindi ko namalayan na unti-unti na palang nagsasara ang Elevator.

Pinindot ko muli ang down button ngunit huli na ang lahat kaya kahit pagod na ay dali-dali akong tumakbo pababa ng 5th floor.

Pagbaba ko ng 5th floor ay naabutan ko muli sya.

Ganun ulit ang nangyari hindi ako agad nakapag salita dahil sa sobrang hingal.

"Para kang Tanga Marlou!, wag muna pahirapan ang sarili mo, di ka na nga makahinga sa kakatakbo mo, tulo pa laway mo, nakakahiya ka, wag muna akong habuling adik ka", sabi ni Chrislyn.

Anong Marlou?, hindi nya ba ako nakikita? Bakit napagkamalan nya na ako si Marlou.

"Wait Chrislyn", sabi ko ngunit nagsara nanaman ang Elevator.

Tatakbo sana muli ako ng madinig ko pagbukas ng pinto ng Elevator C sa kabilang dulo.

"Saglit teka lang", sabi ko at tumakbo ako papunta doon at nakita ko si Kairo sa loob.

"Asan na sya", sabi ni Kairo.

"Pababa na sya", sabi ko at pinundot ko ang ground floor button dahil malamang ay doon pupunta si Chrislyn dahil doon naka park ang kotse nya.

Pagdating namin ng ground floor ay agad kaming lumabas, ngunit walang kaming nakitang Chrislyn sa paligid.

Pumunta kami sa tapat ng pinto ng Elevator A at nakita namin na nakahinto yun sa 2nd floor.

"Ang mabuti pa siguro ay umakyat kana sa 2nd floor, ako na ang sasalubong sa kanya dito", sabi ni Kairo.

Umakyat ako sa 2nd floor gamit ulit ang Stairway ng bubuksan ko na sana ang pinto papasok ng 2nd floor ay bigla na lamang lumabas doon si Chrislyn.

Nakatitig sya sa akin na para bang nakakita sya ng multo.

"Chris", magsasalita sana ako ng bigla syang kumaripas ng takbo paakyat.

"Anong problema ng Babae na yun?, bigla nalang tumakbo palabas ng Elevator, pilit nya pa pinipindot ying close eh may sasakay nga", sabi ng Lalake na nasa tapat ng Elevator.

Masama ito marahil ay nag-take na sya ng drugs at nag hahaluccinate na sya ngayon.

Hinabol ko si Chrislyn paakyat.

"Chrislyn sandali lang!", sigaw ko dahil dinig ko ang yabag ng pagtakbo nya mula sa ibaba.

Tinakbo ko hanggang 10th floor pero hindi ko na talaga kaya, sobrang sakit na ng tuhod ko.

Kung paakyat si Chrislyn malamang ay pupunta sya sa tuktok ng building, kaya naman nag abang ako ng Elevator paakyat, at sakto naman din na paakyat ang Elevator D, at pinudot ko hanggang 30th floor.

Paglabas ko ng Elevator ay agad ako nagtungo sa Stairway , baka sakaling makasalubong ko si Chrislyn, ngunit nakita ko sya on the spot na tumatakbo paaakyat ng rooftop.

Sinundan ko sya paakyat hanggang sa makarating din ako ng rooftop.

Sa rooftop ay naroon si Chrislyn sa pinakadulo at nakatingin sa ibaba.

"Huwag Chrislyn", sabi ko habang tumatakbo papalapit sa kanya ngunit bigla na lamang syang tumulon pababa.

"HINDEEEEEE", sigaw ko.

To be continued..

AUTHOR: HI KUNG HINDI NYO MASYADO NAINTINDIHAN YUNG EPISODE NA ITO, BASAHIN NYO ULIT YUNG EPISODE 16 AND 17 PARA MAS MAINTINDIHAN NYO SALAMATS 😀

Ghost Club: Chapter 3Where stories live. Discover now