CHAPTER 5

608 18 1
                                    


CHAPTER 5

"Oo, sinasaktan ako ng asawa ko."  maikling sagot niya na.

Nakatitig lang siya sa bestfirend niya ng diretso.

Agad naman na lumuha ang mga mata ni Micks at ginawaran ng napakahigpit na pagyakap sa kanyang matalik na kaibigan.

Hindi siya makapaniwala na sinasaktan pala ang kaibigan niya ng asawa nito.

Hindi siya makapaniwala na noon ay inakala niyang magiging peaceful kung ang  asawa niya ay si Kiel . Ngunit nagkamali siya.

Naiyak na din si Reign at agad ba sinapo ang bibig niya to controlled herself to not to cry.

"He did it to you?" tanong ni Micks at mahigpit na hinahawakan ang kamay ni Reign.

Bahagyang nagulat siya sa pagkakahawak sakanya ni Reign.

Sapat na siguro to para malaman kung gaano siya galit dahil pwersa palang ng kamay ni Micks halos mabali na kamay ng Reign niya.

"Oo, halos dalawang taon na akong binubugbug ni Kiel." ayaw niya man sabihin pero ito ang katotohanan na dapat niyang malaman.

"No Reign, Itatakas kita kay Kiel." At agad na hinila siya papuntang pinto na may higpit sa pagkakahawak nito.

Halos ayaw na niyang bitiwan. Hindi naglakad si Reign at pinigilan ito.

"No Micks ayaw kong iwan si Kiel he's my husband and baka magalit saakin ang mga magulang ko at tuluyan akong itakwil bilang anak nila." mahabang paliwanag niya.

Oo, sinasaktan siya pero ayaw niyang iwan ang taong minahal niya.

Hindi man siya mahal nito pero alam niya sa sarili niya na balang araw mamahalin din siya nito.

"Pero nasasaktan ka na at hindi ka safe dito. Bakit mas mahalaga ba sa pamilya mo ang company niyo kesa sa buhay mo? My ghad baka naman mahal mo siya kaya ayaw mo siyang iwan?" mahabang sermon at tanong niya.

Hindi nakatingin si Reign sa kaibigan at nag-aalangan na sumagot.

What if one day mahalin na ako ni Kiel?

What if hindi na niya ako bugbugin and  hindi na niya ako saktan.

What if mag sorry siya saakin tapos sasayangin ko lang.

What if...

Naguguluhan siya.Hindi alam kung anong gagawin. Nagdadalawang isip kung ano nga ba ang tama.

"I don't want to leave him." walang pagsisising sagot niya at marahang yumuko.

"No, sumama ka saakin." hila niya kay Reign papuntang taas.

"Ano ba Micks, saan mo ba ako dadalhin?" naguguluhan niyang tanong.

"Mag impake ka ng mga damit mo at itatakas kita sa mga kamay ni Kiel." nagmamadali niyang sabi.

Naguguluhan man pero nagtanong parin siya.

"Saan naman tayo pupunta Micks?" tanong sakanya ni Reign.

Kinakabahan siya sa masamang gagawin nila ni Reign.

"Isasama kita sa London." sagot niya

Napaawang ang kanyang labi at seryosong tumingin sakanya.

"Pero--” naputol ko ang sasabihin niya nang biglang hinigpitan niya ang pagkakapit sa kamay ni Reign.

Labag man sa kalooban niya pero hindi niya mapigilan ang kaibigan.

BEING HIS WIFEWhere stories live. Discover now