Chapter 6

19 1 0
                                    

Patricia's POV

Mabilis lang na lumipas ang mga araw at sa mga araw na yun ay tinuring kong mortal enemy si Isaac. Lagi kaming nagkokompitensya sa klase na akala mo nagdedebate. Pag nakakasalubong namin ang isa't isa laging may sagutang nagaganap. Pag nasa room naman lagi kaming nag aasaran o kaya nagkakasagutan. Walang araw na hindi kami nagtatalo o nag aaway. Ewan ko ba, hindi ata nabubuo yung araw namin ng walang ganun. Kaso habang tumatagal nasasanay ako, to the point na hindi na talaga buo araw ko pag di sya naaaway. Hinahanap hanap ko lagi sya, sabi ng mga kaibigan ko baka crush ko na raw. Yung mga kaklase ko naman inaasar akong baka may gusto na ko but I guess maybe nagugustuhan ko na nga sya.

Nasa classroom ako habang nagsusulat, hindi kasi ako nakapasok kahapon kaya kinacopy ko yung mga notes na wala ako kahapon.

Maya maya ay naramdaman kong bumukas yung pinto at may pumasok. Di ko nalang pinansin, ako pa lang rin mag isa kaya siguro kaklase ko yan. Nagsusulat pa rin ako ng biglang may bumato ng papel sakin. Napakunot ako at tinitigan yung papel. Kinuha ko ito at tinignan 'panget' yan ang nakalagay sa papel. Napapikit ako sa inis at tinignan ang lapastangang nagbato sakin nito. Nakita kong si Isaac lang ang nandito, nakatingin sya sakin at nagsmirk bago humarap sa board.

Binato ko sa kanya yung papel na binato nya sakin.

"Aga agang pambibwisit!! Epal!!" sigaw ko sa kanya. Narinig ko naman syang tumawa. Nakakaasar bwisit. Bumalik ako sa ginagawa ko at nanahimik rin naman na sya.

Masyado pa atang maaga dahil kaming dalawa pa rin ang nandito, ilang minuto na lumilipas pero wala pa ring nagpapasukang mga kaklase namin. Naramdaman ko namang may tumabi sakin, ang asungot manggugulo nanaman ata *roled eyes*

"Ano yang ginagawa mo Patpat?" tanong nya na may halong pang aasar pa.

"Pwede ba---" napatigil ako sa sasabihin ko nung pagharap ko sa kanya ay ang lapit ng mukha nya.

*dug dug dug dug*

A-ano bang nangyayari sa puso ko? Bakit ang lakas ng kabog?

Nag iwas ako ng tingin sa kanya at binalik na lang ang atensyon sa notebook ko

"Will you please go away if you'll jusy going to annoy me?"

Naramdaman kong umayos sya ng upo sa tabi ko.

"Huh?" pagmamaang maangan nya "Nagtatanong lang naman ako ah? Wala naman akong ginagawa" dugtong nya pa

Nanahimik na lang ako kaya nagsalita nanaman sya

"Bakit pala absent ka? Napapansin ko napapadalas na pag absent mo, wala tuloy akong nakakaasaran dito" nilingon ko sya at saglit na tumigil sa pagsusulat ko

"It's none of your business" pagtataray ko at inayos na ang nga gamit ko. Lalabas nalang muna ko, di ako matatapos dito dahil sa panggugulo nya.

Tumayo ako at akmang aalis ng magpasukan naman yung ibang kaklase namin

"Saan kayo galing? Bakit ang tagal nyo?" tanong ko sa kanila

"Kayo nga eh, PE kaya kanina. Tapos wala kayo pareha, di nyo ba alam schedule ngayon?" sagot ng isa naming kaklase

"What? PE?" asked

"Yeah, it's thursday. PE natin ngayon." shiizzz kaya pala ang tagal nila magsipasok. How come nakalimutan ko. tsk absent na nga kahapon nakapagcut pa ng class ngayon. Stupid

Biglang tumayo si Isaac kaya napunta sa kanya yung atensyon ng iba naming kaklase

"Asusss, kaya naman pala di nakapunta" pang aasar samin ng iba..

Namula naman ako agad kaya yumuko nalang ako

Uncrushing YouWhere stories live. Discover now