Chapter 7

25 1 2
                                    

Patricia's POV

"Hey Pat!"

Napalingon ako sa bumati sakin, nakita kong si Isaac yun. Inirapan ko sya at bumalik sa ginagawa ko.

Nandito ako sa mini garden ng school namin, peaceful kasi dito kaya dito ako laging tumatambay. Kaso itong asungot na to, ewan ko ba kung pano nalamang nandito ako lagi.

I've noticed too na di na nya ko gaanong binibwisit. Mas ok na syang makipag usap unlike noon na puro away kami.

"Hoy Isaac" pagtawag ko sa kanya while still facing my phone. Naramdaman ko namang tumingin sya sakin.

"Bakit.. bakit biglang nagbago trato mo sakin?" nahihiyang tanong ko. I heard him heaved a sigh

"Ahmm nothing, I just want a ceasefire and be friend with you. Is that bad?" he asked. Napatingin naman ako sa kanya only to find out na nakatingin din sya sakin. I feel like my heart suddenly skips a beat, nag iwas naman ako agad ng tingin.

"Wow, be friend with me? Samantalang lagi mo kong inaasar. Tsk!"

"This time hindi na" he said and then smiled.

After 3 months

After that talk 3 months ago, mas naging close kami. Lagi kaming magkasama. Nakilala namin ang isa't isa and honestly, ayaw ko man but my crush for him turned into love. I'm falling for this man now.

Nandito kami sa cafeteria ngayon. Together with Isaac's friend and my friends. Lately ko lang nalaman na yung brother ni Rose ay boyfriend ni Jess na kaibigan naman ni Isaac.

"Ano ba!! Meron ka namang pagkain bat nang aagaw ka pa ng akin!!" inis na sigaw ni Rose kay Kyle.

Napatingin naman kami sa kanila. Nakakahiya talaga itong dalawang 'to. Inagaw kasi ni Kyle yung cheesecake ni Rose, ayan nagalit tuloy.

"Manghihingi lang eh, damot" said Kyle tapos kinain na yung cake. Uh-oh this is war. Nagkatinginan kami nila Isaac, Jess at Clark. Napailing nalang kami sa kanilang dalawa. Simula nung nagkakasama na yung grupo namin at nila Isaac ay sila na talaga ang laging ganyan. *iling iling*

"Manghihingi samantalang kinuha mo ng walang paalam!! Bwisit ka talaga!!" inis na sabi ni Rose sabay hampas kay Kyle.

"Tigilan nyo na yan, pinagtitinginan na tayo oh" saway ni Jess at itinuro pa ang paligid namin kaya napatingin rin tuloy ako. Tama sya, pinagtitinginan na nga kami.

"Oo nga, lagi nalang kayong nag aaway. Baka kayo magkatuluyan nyan" gatong na asar ni Isaac sabay iwas sa dalawa dahil tinignan sya ng masama ni Rose.

"Yah lil' sis, the more you hate the more ypu love. Ikaw rin" asar din ni Clark sa kapatid nya.

"Pati ba naman ikaw kuya mang aasar?! Tsk" dabog ni Rose at kumain nalang ulit kaya nagtawanan kami

"Eh pano nga kung ligawan ko kapatid mo bro? Papayag ka ba?" tanong ni Kyle. Gulat akong napatingin sa kanya. Si Kyle namam nakatingin lang kay Rose at wala kay Clark na pinagtanungan nya.

Napatingin naman si Rose kay Kyle. Namula sya nung pagharap nya eh nakatingin din si Kyle. Nakaramdam tuloy ako ng kilig.

"A-ano bang pinagsasabi mo? Baliw ka ba? Next time nga wag ka na kumain ng cheesecake, kung ano ano sinasabi mo" utal na sabi ni Rose at umiwas ng tingin.

"Ok lang sakin bro, basta wag mo sasaktan yang kapatid ko. Ako makakalaban mo" pagbabanta naman ni Clark

"Kuyaaaaa!!! Isusumbong na talaga kita kay mommy!!" maktol ni Rose

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Uncrushing YouWhere stories live. Discover now