EPILOGUE

4.9K 61 19
                                    

That was the day when I lose the only guy I loved.


Di ko alam bat napunta lahat sa ganito. Nagsimula naman na okay ang lahat pero bakit nawala pa sya? I'm here looking at his grave, asking for God to rewind everything. If I could only go back to the start, I would have cherished him and never let him go even for a second.

Pero, walang mga magic. Di ko kayang bumalik sa nakaraan. Kailangan kong tanggapin na wala na akong magagawa...Kailangan kong tanggapin na wala na sya.

Steel taught me how to love. He taught me how to give my all, to sacrifice everything and anything to someone. He may have a dark past, but I don't care. I love him. Yun lang ang importante sakin.

I'm holding Steel's letter, ayoko pa basahin to nung pumunta kami sa ospital. Ayoko umiyak sa harap nila. Kahit na sabihin ng doktor na patay na talaga si Steel, ayokong tanggapin.

Gigising pa naman sya di ba? Sabi nya magiging okay na ang lahat. Pero hindi eh.

Steel, hindi naging okay ang lahat. Isang taon na ang nakalipas, pero eto pa rin ako naghihintay..Baka sakaling panaginip lang lahat at magigising ako sa condo natin, na katabi kita.

Napatingin ako sa letter na binigay ni Vincent, galing daw kay Steel. Oo one year na di ko pa rin binabasa. 

Unti-unti kong binuksan ung seal at umupo.

My Jade,

Siguro ngayong binabasa mo to ibig sabihin wala na talaga ako. I'm sorry I left you, I never planned this to happen. If I would live again, I'll give up my life to save you. Yun ang purpose ko sa mundong to, ang mahalin ka at iligtas ka sa lahat ng mananakit sayo.

Sorry sa nagawa ko dati, pinagsisisihan ko un. Nung nalaman kong ikaw ung babaeng un, gumuho na ang mundo ko. Alam kong di mo ako mapapatawad, kaya pumayag na rin akong sumama kay Argon. Pero ang kulit mo talaga bakit mo pa ba ako hinahanap? Ngayon tuloy nadamay ka pa sa gulo ko. Kaya ngayon, handa na akong mamatay para lang iligtas ka. Dahil sakin napahamak ka pa. I'm sorry.

Jade, nung dumating ka sa buhay ko bigla mong binago lahat. Di ko alam kung bakit pero pagdating sayo, nanghihina ako. Na okay lang na saktan nila ako, wag ka lang masaktan. You're my only weakness. You're the only girl I loved.

Wag kang iiyak pag nawala ako..Please...ayokong umiiyak ka. Nasasaktan ako pag nakikita kong umiiyak ka. Wag kang malungkot, nandito lang ako lagi. Di mo man ako makita, lagi lang akong magbabantay sa'yo. Please live your life, be happy, have a family, fulfill your dreams. I want you to be everything you want to be. Sayang nga lang wala ako para samahan ka sa mga bagay na pagdadaanan mo. Pero nandyan lang ako lagi sa puso mo. Wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita. 

Ako si Steel Chace Roxas, at mamahalin ko si Raven Jade Araneta hanggang sa mamatay ako. Korny ko no? Sensya, mahal lang talaga kita eh.

Goodbye..

See you on the other side...

---Steel


I hugged his letter. Wala na talaga sya...Wala na ang mahal ko.

Hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin.

Panandalian lang lahat ng bagay...kaya wag nyo sayangin bawat sandali na nandyan pa ang mahal nyo

I will forever remember him..Until my last breath

Goodbye Steel...I love you.

She's my weaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon