#AIWBlueberryLove

7.1K 155 8
                                    

Updated: November 4,2014 - 5:58 pm
"When someone does something wrong,don't forget all the things they did right."
-------------------
Kathryn's Point Of View

Nagising ako nang wala si Daniel sa tabi ko.Nasaan na yun? Dali-dali akong tumayo para tignan kung nasa ibaba na siya kaso pagbaba ko wala naman siya.Tinignan ko rin siya sa banyo wala din.Sa verandah,wala.

May nakita naman ako note na nakadikit sa refrigerator namin.Umalis na siguro siya.Bakit ang aga naman ata niyang umalis? hindi man lang ako ginising para naipagluto ko siya ng breakfast niya?

Kinuha ko yung note niya at binasa.

Kath,
Maaga akong umalis dahil maaga yung meeting ko sa mga new clients natin. I didn't bother to wake you up dahil mukhang kailangan mo ng tulog. I'll just take my breakfast here in office pagkatapos ng meeting ko.
-Daniel

Kaya naman pala maaga siyang nagising. So,concerned siya saakin? Ayaw kong magassume. Baka nasabi lang niya iyon dahil .... hindi ko alam.Basta hindi siya concern.Don't assume Kath!

Nagluto nalang ako ng breakfast ko dahil nagugutom na ako. Nagke-crave ako ng pancakes with chocolate and strawberry syrup. Tapos parang gusto ko ng fresh strawberry na isasawsaw sa Nutella.

Matapos kong magluto ng pancakes,nilagyan ko na iyon ng chocolate and strawberry syrup.Hmmmm nomnomnomnom.Ang sarap baka maubos ko yung limang pancakes na niluto ko.

Bibili nalang ako ng fresh strawberries sa super market mamaya pagkatapos kong kumain. Nagyon din pala ang alis namin ni Mariel papuntang salon.

Natapos ako sa kinakain ko at tama nga ang hinala ko dahil naubos ko yung mga pancakes na niluto ko.Ganun na ba ako kagutom at naubos ko yun? Noon,hindi ko nauubos yung tatlo tapos ngayon lima pa.

Nagbihis na ako ng pants chaka simpleng t-shirt para makapunta na ako ng super market.Hindi kaya magpapahatid ng lunch si Daniel? para naman isabay ko na sa pamamalengke yung mga ingredients na gagamitin ko kung sakaling magpapaluto siya.

Itetext ko nalang siya para masagot ang lahat ng tanong ko sa utak.

To: My Daniel <3
Daniel magpapaluto ka ba ng lunch? mamamalengke kase ako baka may gusto kang kainin.Idadaan ko na mamaya.

Naisend ko na yung message ko sakanya kaya hinintay ko sandali yung reply niya bago ako umalis.Nakakabagot din sa bahay lalo na kapag mag-isa ka noh? wala ka ng ginawa kung hindi kumain. Mabuti at nagtatrabaho ako ngayon sa kumpanya namin.

Nagvibrate naman yung phone ko kaya kaagad kong kinuha sa bulsa ko at nagreply na nga si Daniel.

From: My Daniel <3
Sige.Ipagluto mo nalang ako ng lunch at ikaw na bahala kung anong lulutuin mo.Mag-iingat ka paalis ng bahay Chandria.

To: My Daniel <3
Okay.Mag-iingat ka rin dyan.Love you :*

Hindi ko na hinintay yung reply niya at ibinulsa ko ulit yung phone ko chaka na ako sumakay sa kotse ko.Isinarado ko muna yung bahay bago ako tuluyang umalis papuntang super market.

Nakarating ako dito sa supermarket at namili na ng ingredients para sa lulutuin ko.I decided to cook Chicken Curry for him.

Pagkatapos kong bumili ng mga ingredients,pumunta ako sa fruits section at bumili ng mga prutas and specially my favorite fresh strawberries :)

Nagbayad na ako sa cashier at binitbit yung mga paper bags sa car ko.

Nakarating ako sa bahay namin kaya kaagad ko ng inayos yung mga pinamili ko at yung mga gagamitin ko para sa iluluto ko.

All I wish (KathNiel) [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon