#AIWPregnancy

6.7K 134 10
                                    

Updated: December 16,2014 - 8:11pm
"I will never regret you or say that I wish I'd never met you, because once upon a time, you were exactly what I needed."
----------------
Daniel's Point Of View

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Aish! hindi nanaman sinarado ni Kath yung curtains namin.

Speaking of Kath,nasaan na yun?

*HuuuukkkkkkHuuuukkkk*

Narinig ko naman yung parang nagsusuka sa cr namin kaya kaagad akong tumakbo doon.

Nakita ko si Kath na hinang hina na habang nagsusuka.

"Kath! Kath! anong nangyare sayo? bakit ka nagsusuka?" nagaalala kong tanong sakanya.

*HuuuuukkkkHuuuuukkkkHuuuuuukkkk*

Wala man akong nakuhang sagot sakanya dahil suka lang siya ng suka.

Ano ba yan! nasobrahan to sa kakakain ng blueberry kagabi kaya ngayon niya nailabas.

Napakatigas din kasi ng ulo niya.Sinabihan ko na siya hindi naman ako pinakinggan.

"Deejay .... hindi ko na kaya ... nanghihina na ako." *HuuukHuk* hinagod hagod ko lang yung likod niya habang nagsusuka siya.

"Lets go to the hospital,Kath." sabi ko at inalalayan siyang tumayo.Nanghihina kasi siya.

"No need.Okay na ako." stubborn -.-

"No.Pupunta tayo sa hospital whether you like it or not." maawtoridad kong sabi.Kailangan kong gawin to para lang mapasunod ko siya.

"Okay." sagot niya.

I just wear my six pocket shorts and a plain black t-shirt.Siya naman naka PJs pa siya at pinasuot ko nalang ng plain black na t-shirt.

Inalalayan ko siya pababa at sumakay sa kotse at nagdrive na ako sa malapit na hospital dito.

NAKARATING kami dito sa hospital kaya kaagad ko siyang inalalayan papasok at tinulungan naman kami ng mga nurses.

Isinakay siya sa isang wheel chair.

I just stay in front of the room kung saan siya chinecheck up.

I'm worried about her.Ano kasing pinagkakain nun kaya ayan ang napapala niya.

I will not let her to eat lots of blueberries again.Kahit na pagawayan pa namin.Kung yun naman ang makakapagpabuti ng kalagayan niya.

Lahat kasi ng gusto,kailangan nakukuha niya.

Brat.

May lumabas namang nurse dun sa room kung nasaan siya kaya napatigil ako sa paglakad.

"How's my wife?" tanong ko sakanya.

"Pinatatawag po kayo ni Doc sa loob." sinundan ko naman siya papasok dun sa room kung nasaan daw yung doctor.

"Good Morning Mr. Padilla." bati niya saakin.

"Good Morning Dra." bati ko pabalik.

"How's my wife,doc? ano pong nangyare sakanya at nagsususuka siya?" nagaalala kong tanong sakanya.

"Nothing to worry about.Nasobrahan lang siya sa pagkain niya ng blueberries.She have mention earlier na kumain siya ng napakaraming blueberries kanina madaling araw." nakahinga naman ako ng maluwang dahil sa sinabi ni Doktora.

"And congratulations Mr. Padilla.Your wife is 1 month pregnant." nanlaki naman yung mga mata ko dahil sa susunod niyang sinabi.

Buntis si Kath?!

All I wish (KathNiel) [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon