Chapter 15

22.6K 537 1
                                    

Andrei

        Shit. I blurted out matapos kong tawagan ang cellphone ni Lia at walang sumagot sa akin. Ilang linggo na siyang nawawala o nagtatago sa akin. Pero bakit? Ano bang nangyari? Pumayag ako sa hinihingi niyang space pero hindi ko alam na ganito palang no communication at all ang nais niya. Ini-hang niya ako sa ere. I am too desperate para mag-isip ng matino. Nag-aalala ako sa kanya.

        Kahit hindi ako welcome kay Leon ay pinuntahan ko ang lalaki sa opisina niya. Hoping na alam niya kung nasaan si Lia.

        "Good to see you Andrei."masama ang hilatsa ng mukha na bati niya sa akin. Mutual ang nararamdaman naming pagkainis sa isa't-isa. Magkaibigan pa lamang kami ni Lia ay nagpapadala na siya sa akin ng signal na hindi niya ako gusto.

        "Nasaan si Lia?"walang paliguy-ligoy kong tanong.

        "Hindi ba siya nagpaalam sa iyo?"puno ng panunuya ang tinig niya. He lit a cigarette.

        "Kung nagpaalam siya, sana hindi ko na siya hinahanap ngayon sa iyo."

        "Maybe hindi niya gusto na kausapin ka. Huwag mo ng ipilit ang sarili mo sa kanya!"

        "May usapan kami!"I insist.

        "Wala kang mahihita sa pagpunta mo dito. Hiwalay na kayo kaya wala ka ng karaparatan na alamin ang mga bagay patungkol sa kanya. Pwede ka ng makalis."

        "Not until malaman ko kung nasaan siya!"

        "She's gone!"gigil niyang sagot. Napapitlag ako sa narinig. "Pinadala ko siya sa ibang bansa to get away from you!"

        "Hindi siya umalis, nasa akin ang passport niya."giit ko. Hindi niya ako maloloko.

        "Aling passport? Passport na nakakabit pa ang apelyido mo? Huh, ang ginamit niya ay ang passport niya noong malaya pa siya!"nakakaloko ang ngiting sumilay sa mga labi ni Leon. Mas asar ako sa kanya kaysa kay Jaco. Sa isang iglap ay nakalapit ako sa kinauupuan niyang executive chair at pinitsarahan siya.

        "Pag nahanap ko si Lia, ipinapangako ko na masasaktan ka sa akin."banta ko.

        "Whatever!"sabi niya na hindi kakikitaan ng takot kahit inatake ko siya. Cool na cool siya. At sa aming dalawa ako ang dehado dahil hawak niya ang alas kung nasaan si Lia.

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Where stories live. Discover now