Kabanata 1

15 1 0
                                    

Hate

"Good afternoon Miss Barri." Nakangiting salubong ni Fina matapos siyang pagbuksan ng pinto. Gusto niya sana magpahinga ngayon dahil anong oras na siya nakauwi mula sa trabaho niya bilang waitress sa Black Haven, isa sa mga sikat na bar sa San Agustina at pagmamay-ari ng Kuya ng kaibigan niya noong high school kaya kahit under-age ay nakapasok siya sa tulong nito. Friday night kaya inaasahan na niya dagsaan ang mga customer nila. Hapon na ng mapansin ang text ng kaibigan na nangangailangan ng tulong para sa presentation nito sa Monday. Hindi naman niya matiis ang kaibigan kaya pumunta parin siya sa kabila ng puyat at pagod.

Hindi na siya nagpa assist kay Fina dahil alam naman niya kong asan ang kwarto ni Shalani at hindi naman ito ang unang punta niya dito. Nakangiting nagpaalam na din si Fina sa kaniya.

Hanggang ngayon ay naghihinayang siya sa laki ng bahay ng mga Altagracia. Dalawang kasambahay na sina Manang Delia at Fina, isang driver na si Mang Carlos at si Mang Noli na siyang security guard lang ang kasama ni Shalani sa malake at magarbong mansyon na ito.

"Fell at home ah."

Aakyat na sana siya sa hagdan ng marinig ang sarkastikong boses na  nagmula sa likoran niya. Napapikit na lang siya ng mariin ng maalalang nandito pala ang atribidong Kuya ni Shalani.

Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng unang pagkikita nila at hanggang ngayon ay nasa gwapong pagmumukha parin nito ang malaking pagka disgusto sa kaniya at gusto parin siyang e-eliminate sa buhay ng bunsong kapatid.

Ganunpaman, ay hindi iyon magiging sapat na rason para layuan o tapusin niya ang pakikipagkaibigan kay Shalani. Ito na nga lang ang taong meron siya, ipagkakait pa ba?

Pero hanggat maaari ay ayaw ng patulan ni Barri ang binatang laging may matalim na tingin sa kaniya sa tuwing nagkikita sila tulad na lang ngayon. Alangalang na lang sa friendship nila ni Shalani.

Inirapan lang niya ito saka nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan.

"Remember, I'm still keeping an eye on you Miss!"

Nilingon niya ito at unti-unting ipinakita ang mapang-asar na ngisi. "Noted Mr. Altagracia!"

Marahang natawa siya ng makita sa gwapong mukha ang pagkairita. Ngunit unti-unting bumaba ang mga mata nito sa suot niya at mas lalong na depina ang pagkakakunot sa noo at dumilim ang mukha.

Nagtatakang napatingin siya sa sariling kasuotan. Simpleng spaghetti strap na puti at high waisted maong skirt na kalahating hita lang ang natatakpan at tinirnuhan ng itim na ankle boots. Wala naman siyang nakikitang masama sa ayos niya.

"Don't you know how to dress properly Miss Guazon?" Iritableng tanong nito.

She rolled her eyes. "FYI this is what you call fashion." Sarkastikong banat niya pero napangisi din agad ng may maisip. Napasinghap siya kunwari'y may naalala. "Oh! I almost forgot. You're old na pala, I understand if you cannot appreciate fashion."

Pigil niya ang sariling matawa sa nakitang panlalaki ng mga mata ng binata dahil sa sinabi niya. Ang epic ng reaksyon ni Kuya mong Jackson! Mabilis siyang tumalikod dito saka patakbong umakyat sa taas para hindi na ito makapag rebat pa.

Na offend kaya ito?

Alam naman niyang malaki ang agwat ng edad nila at tantiya niya ay nasa mid-20's na ito pero looking young parin at walang mintis ang kagwapuhan.

You fool! Galit na saway ng kanyang isipan. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng pagtrato nito sa kaniya ay inuulan naman niya ng papuri sa isipan.

Napailing na lang si Barri bago kumatok sa silid ni Shalani.

"Ang tagal mo naman dumating Barri." Nakangusong sabi ni Shalani ng makapasok sa silid nito.

Kissing The Blooming FireWhere stories live. Discover now