Dinner
NAITUKOD ni Barri ang dalawang braso sa tuhod habang habol ang paghinga ng marinig ang pagpito ni Mr. Javier na coach nila, para sa ilang minutong break. Nasa 2nd set at quarter half na sila ng kanilang practice ng volleyball para sa nalalapit na sport fest.
"You never dissapointed me Guazon, hope it last." Ma awtoridad na sabi ni Mr. Javier.
Nakatiim ang mga bagang tumango lang siya at naglakad pabalik sa bleacher kong asan ang kanilang mga gamit. Agad siyang uminom ng tubig dahil di biro ang puspusang ensayo nila at gusto niyang mainis sa coach nila dahil siya ang pokus nito na tila sinisiguradong lahat ng kilos niya ay pulido.
Konting maling galawa niya ay nakakatikim siya ng sermon. Pang-apat na taon na niya ito bilang volleyball player at sa mga nakaraang taon ay siya lagi ang nahihirang na star player kaya ganun na lang ang inis niya dito dahil kong ituring siya ay parang first timer na manlalaro. Hindi pa ba sapat yung mga achievement niya noon para manalig ito sa kakayahan niyang maipanalo ang laro nila?
Hindi naman siya perpekto kaya natural na magkamali siya. Hindi niya tuloy mapigiling maghimutok.
"Grabe si coach sayo Barri." Iiling-iling na sabi ni Jana, isa sa mga teammates niya.
"Obsess na yang si coach hmmp! Tuwang tuwa kasi sa tatlong taong panalo ng ating department, ayaw na niyang makatanggap ng pagkatalo." Segunda naman ni Mariel.
"The fuck?" Hindi niya mapigilang mag mura. "Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay mananalo department natin."
"Ginalingan mo kasi eh!" Patuyang singit ng matinis na boses at kahit hindi niya tingnan ang may-ari ay kilalang kilala na kong sino iyon.
Tamad siyang nag angat ng tingin at nakita ang mataray na pagmumukha ni Molly, kasamahan din niya pero hanggang ngayon hindi niya makasundo dahil sa pagiging bitchesa at sarcastic nito sa kanya. Mabuti na lang at magkaiba ang section nila kundi lagi niyang makikita ang nakakayamot na mukha ni Molly. Ilang sandali lang ay inirapan siya nito at nag martsa na palayo.
"Ingittera talaga ang babaing 'yon!" Nakaismid na sabi ni Mariel.
Hindi na lang siya nag komento pa at napailing na lang. Matagal na niyang alam iyon. Magaling din naman ito lalo na sa pagtira ng bola pero pagdating sa depensa, doon ito pumapalya.
"Balik na sa pwesto!"
Nag-igting na naman ang mga panga niya ng marinig ang boses ni Mr. Javier. Tatayo na sana siya ng marinig ang pamilyar na ringtone. Iisa lang naman ang tanging nakakaalam ng numero niya kaya agad niyang sinagot iyon.
"What's up kaibigan?"
"B-Barri."
Napakunot noo siya ng marinig ang paghikbi nito sa kabilang linya.
"Asan ka?" Mariing tanong niya.
"C-comfort room, dito sa 3rd floor ng department natin." Sagot ni Shalani sa kabila ng paghikbi.
"Hintayin mo ako jan." Mabilis niyang ibinaba ang cellphone at kinuha ang gamit sabay takbo palabas ng court. Narinig niya pa si Mr. Javier na tinatawag sya pero hindi na iyon pinansin pa.
Babalik na lang siya mamaya para makapag paliwanag ng mabuti dahil mas mahalaga ang pupuntahan niya kaysa sa practice nila.
ILANG minuto lang ay nakarating na siya sa 3rd floor at nakita sa labas ng pangbabaing CR ang tatlong lalaking nag-aabang sa labas. Wala ng tao sa paligid dahil uwian na at yung ilan naman ay nasa feild o court abalang nag eensayo din.
"Shalani baby, buksan mo na to please, mag uusap lang naman tayo eh." Malambing na sabi ni Bernard na may nakakadiring ngisi sa mga labi. Isa sa mga makulit na manliligaw ni Shalani.
![](https://img.wattpad.com/cover/201702689-288-k566876.jpg)
YOU ARE READING
Kissing The Blooming Fire
General FictionJackson thought she was a bad influence to her sister. Because of what? The way she look? The way she talk? The way she act? Anong magagawa niya kong ganyan na siya. Yeah she casually drinks and even smoke sometimes but is it enough reason to judge...