Bayaran mo na lang ako.

18 4 0
                                    

A work of fiction.
All rights reserved.
©2019 makishinsenpai













____________________

Tulala akong nakapila sa counter ng isang café.

Katatapos lang naming maglibot ng mga kaibigan ko sa mall at sa wakas, naisip nilang kumain muna bago umuwi.

Kanina pa ako inaantok habang nililibot namin ang National Book Store. Sa totoo lang, wala kaming nabili ni isang libro.

Para lang kaming tanga doon na tinatago yung mga binuklat na naming libro tapos sasabihing, "Babalikan kita Iuhence, promise!" Tapos hindi na talaga babalikan kase naakit na ni Tyron— ayy nabasa na daw pala sa app.

Matapos 'yon ay ginawa na akong PA ng mga kaibigan ko, ginawa akong dakilang utusan.

"Good Afternoon Sir, your order please." Sabi nung babaeng cashier na sobrang kapal ng mukha— ayyy este make up.

Sumagot naman 'yung matangkad na lalaki sa harap ko. Kaya pala ang landi ni ate kase pogi nasa harap n'ya, sarap sipain, ang tagal gutom na 'ko. Allowed bang lumandi ng ganyan habang nagtatrabaho? Kaya hindi umuunlad ang bansa dahil sa mga kagaya n'yang tamad.

"Here's your coffee sir, P150 sir." Tsaka ko lang napansin na kanina pa kinakapa ni kuya 'yung bulsa n'ya. Kumunot naman 'yung noo ni ateng cashier. "Sir marami pa pong nakapila." May matino rin palang madasabi ang babaeng ito.

Napatingin ako kay kuya. Mukha s'yang binagsakan ng asteroid tapos nakainom ng ilang litrong Mercury. "Naiwan ko 'yung wallet ko."

Ayy putek, kuya! Gutom na gutom na ako!

Napakamot na lang s'ya sa ulo habang nakangiti kay ate. Ambobo lang ni kuya kase nakina pa s'ya nakapila tapos ngayon lang n'ya hinanap yung wallet n'ya.

Kung kailan antok na antok na ako't gustong makakain man lang bago umuwi.

Humarap ulet si kuya kay ateng cashier. "Ate sorry, pwedeng balikan ko na lang 'yan?"

"Sorry sir hindi po pweden-"

Hindi ko na pinatapos yung cashier at naki extra na ako.

I can't take it anymore.

"Ate!" Tinulak ko si kuya sabay patong ng mga kamay ko sa counter. "Isabay mo na sa'ken please lang, papakainin ko pa 'yung mga dimonyo kong kaibigan. Magtatagal pa tayo dito e."

"M-miss 'wag na. Nasa arcades lang yung mga kasama k-"

"Kuya, maawa ka. Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko ngayong araw. Manahimik ka na lang." Natahimik na lang si kuya sabay usog ng bahagya palayo sa'kin.

Kinuha na ni ateng cashier 'yung oder ko kasama na rin 'yung order ni kuya.

Todo pasalamat naman si kuya. "Miss, thank you! Sandali lang babayaran na kita ngayon."

"Oyy oyy kuya, 'wag na. Mag-aral ka na lang ng mabuti para magkapera ka. 'Pag mayaman ka na bayaran mo na lang ako. Oh kaya 'pag nagkita ulit tayo pakasalan mo na lang ako." Sabay talikod sa kanya papunta sa mga hayop kong kaibigan.

Gutom na ako. Wala akong panahong lumandi kung walang laman ang tiyan ko. Yes. That's me.








Ilang buwan lang ang lumipas at napagtripan na naman naming magkakaibigan na pumunta sa mall. Iniwan nila ako sa National Book Store at magccr lang daw sila.

Marami akong nakitang mga interesting na libro. Agad ko 'yong kinuha tapos dire-diretsong pumila sa isang counter.

Nung nascan na ni ate yung libro tapos babayaran ko na sana, bigla akong tinamaan ng katangahan nang maalala kong dala ng kaibigan ko 'yung bag ko laman ang wallet ko.

Para akong bunihusan ng ilang litrong tubig na may yelo sa hiya. Sasabihin ko na sana kay ate na hindi ko pala dala yung wallet ko nang biglang nagsalita yung nasa likod ko.

"Miss pakisabay na nga itong akin sa girlfriend ko." Sabay lapag ng ilang libro at ilang school stuffs sa counter.

Hanu daw? Nanlaki naman yung mata ko nang makita ko kung sino 'yon.

"Bayaran mo na lang ako."

Shemms! S'ya yung pogi sa café noon!

Napanganga na lang ako sa binayaran n'ya, P2,500 dre. Isang lightstick na din 'yon.

Matapos n'yang bayaran 'yon, binigay na nya sa'kin 'yung mga bibilhin ko sanang libro.

"Hunla kuya! Salamat. Babayaran kita mamaya. H-hintayin natin 'yung mga kaibigan ko." I tried to sound normal but yeah, I didn't.

A smile escaped his lips. Shemms Hyunjin lang? "No need. May utang ako sayo noon, remember? Tsaka papakasalan mo pa ako, lahat ng gusto mo bibilhin ko para sayo."

A-ano daw? What the fuck?

I didn't know that my lips betrayed me, I'm now smiling too.

Suddenly, something popped in my head. Tch. Silly. I'll regret this, won't I?

"Kuya? Tara na. Late na tayo sa kasal naten."



So ayon, hindi ko rin inaakala na mapupunta ang lahat dito.

Hindi ko inaalaka na maaga akong magigising ngayong araw. Bakit kung kelan ang ganda ng PANAGINIP tsaka ang aga-aga kong gumigising?


























___________________

|story dedicated to:

Inay Racel






daydreamWhere stories live. Discover now