Tie your hair!

12 5 0
                                    

A work of fiction.
All rights reserved.
©2019 makishinsenpai






___________________________



I've always hated someone touching my hair.

Masyado silang pakialamero. May buhok naman sila. Hindi naman sila kalbo. Bakit hindi na lang buhok nila ang galawin nila?

"Ms. Samson!"

Napabalikwas ako ng bangon nang banggitin ng prof namin ang napakaganda kong surname.

"You're sleeping in my class, again."

"S-sorry sir." Nakakaantok kase ang klase n'yo sir.

Umiiling na inayos niya ang salamin sa mata. "And please, tie your hair."

And here we go again.

Ang ayoko sa lahat ang pinapansin ang buhok ko. Ano bang meron sa buhok ko ha?

Mayamaya lang, natapos na din ang pamatay na klase ni sir. Hindi ko na hinintay ang mga kaibigan ko, may pupuntahan pa ako. Ang bagal nilang mag-ayos.

Pumasok agad ako sa bookstore para hanapin ang pinunta ko.

Isang tragic na libro na naman ni dimonyong Owsicc ang naipublish kahit halos mapatay na ng author ang lahat ng character sa story.

Nang akmang kukunin ko na ang huling copy ng libro sa bookstore, may isang dimonyo pa ang umepal.

"Umm miss. Nauna ako dito, sorry." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita.

Isang nilalang na nabiyayaan ng kakaibang genes. Sa sobrang daya ng mundo, lahat na yata ng yaman napunta sa nasa harap ko. Kulang na lang siguro ay tanungin ko kung Engineer ba s'ya.

"K-kuy—" hindi na ako nakasagot nang hawakan n'ya ang buhok at bahagya itong ginulo.

Hindi ko alam kung bakit pero dapat naiinis na ako ngayon. But I didn't. He's too unbelievable.

Suddenly, may kinuha s'ya mula sa bulsa n'ya. Nagulat ako ng may dala s'yang pang ipit sa buhok at binigay sa'kin. "Mag-ipit ka miss. Medyo mainit ngayon. Pinagpapawisan ka kahit nasa loob ng store."

Hindi agad ako nakasagot dahil sa ngiti ni kuya. Nakakaiyak, ang gwapo n'ya. I remained speechless.

"Ako na lang ang mag-iipit sayo."

Mas lalo s'yang lumapit sa akin at dahan dahang inangat ang buhok ko.

Someone just touched my hair but I didn't even complain.

Is this a sign na kukunin na ako ng mga anghel sa langit?

"There you go!" Hindi ko napansing tapos na pala n'ya akong ipitan. "Mas bagay sayong nakaipit miss. Ang cute mo." Siomai na yan. Taena ka kuya ang gwapo n'ya. Nananaginip ba ako?

"Kuya mahal na yata kita."

Napatakip ako ng bibig nang biglang lumabas ang mga iyon sa bibig ko. Damn you self, malandi ka.

He let out a chuckle and damn everything, he's so cute.

"Mahal agad miss?"

"Engineer ka kuya?" Biglang tanong ko. My mouth, curse you.

Ngumiti s'ya bago sumagot. "I'm an architect."

Okay. I'm done. I need to marry this man.

"Taenaaaa." Bulong ko sa sarili ko, hindi pa rin mapigilang ngumiti. Ang swerte ko ngayon.

"Fan ka rin ba ni Sic?" Biglang tanong n'ya.

"Kahit na mahilig s'yang pumatay, mahal ko pa rin ang Sicario."

I don't know why, pero..

Biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Sandaling natamik ang lahat nang biglang tumili si Kuya.

"Aahh! Friend na kita miss! Mahal pa rin natin ang Sicario kahit pinatay n'ya si papa Paulo mylabs. Dahil jan sayo na 'to," binagay n'ya yung book ni Owsicc na kukunin ko sana. "By the way my name is Jack Frost."

Mula sa pagiging tulala ko, nanlaki ang mata ko sa mga nakikita ko.

"Charrot! Maharot ka miss ah!  Vancouver Santos, but you can call me Vanessa sa ganda ko."

Oh crap. No way. No.

"Ang ganda ng hair mo! Inggit akesh. China oil. Sarap mong ipitan. Ang soft ng hair mo. Ako mag iipit sayo pag ikakasal ka na sa jowa mo ha? Ako na ring bahala sa..."

Hindi ko na s'ya pinatapos. Tumakbo na ako sa counter. Malas ko lang. Ang haba ng pila.

May babae kanina sa pila na mukhang walang pangbayad na halos tulala na. Tapos lumapit yung jowa n'yang gwapo. Tch. Pinahaba lang nila lalo yung pila.

Lahat na lang yata ng makikita kong gwapo sa bookstore may jowa or kauri ni Jack Fros— ayy Vanessa daw sa gabi.

Putek wala na pala. Sira na ang araw ko. Bahala ka jan bakla ka. Sira ulo.

Paasa. Ang gwapo pa naman.















___________________________

/ story dedicated to:

Eunice





daydreamWhere stories live. Discover now