Chapter 2: Escape Gone Wrong

3 0 0
                                    

L A V E N D E R

"Lavender, huh?"

First name ko lang kasi ang alam niya.

Kanina pa ako inis na inis sa taong kaharap ko. Kanina pa kasi niya tinatanong ang buo kong pangalan, eh sa ayaw kong malaman niya.

"Bakit hindi ka pa nagsasalita?" Hindi naman siya mukhang naiinis, sa totoo lang mukhang enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya. Nakatali ang kamay ko sa isang drawer, ang mga paa ko naman ay nakatali rin.

"Hanggang kailan kita pagsasabihan na hindi ako narito para gawan ka ng masama? You should thank me, andito ako para sagipin ka–"

"Eh bakit hindi mo pa ginagawa? Eto ba sinasabi mong sasagipin mo 'ko? Nang nakatali ang kamay at paa ko? Ulol ka ba?" Inis kong sabi.

Nang akma ko siyang sasakalin hindi na natuloy. Dinakma niya kasi ang kamay kong mag hawak ng kutsilyo dahilan para makontrol iyon at makuha. Matapos nun kumuha siya ng tali at itinali ako. Sobrang sakit na nga ng kamay ko sa sobrang higpit pagkakahawak niya, dagdagan mo pa na ang higpit din ng pagkakatali niya. Gaahhd, hindi ako baboy para itali nang ganito!

"Nagiisip pa ako ng plano, so tell me what's your name?"

"Kasali ba sa pagligtas mo ang paglaman mo ng pangalan ko?" Mataray kong sabi sa nakangisi niyang mukha. Nakalimutan kong sabihin na medyo gwapo ang nilalang na 'to. Medyo lang naman. Mestizo at bilugan ang mata, matangos ang ilong at matangkad. Pero hindi ang mga katulad niya ang tipo ko. Gusto ko chinito hindi tarsier.

"Just tell me,"

"Lavender."

"Lavender?"

"Lavender lang!"

"Impossible!" Humiga siya sa kama habang nakatitig sa kisame. Mukhang wala talaga siyang plano na palayain ako sa pagkakatali. Bwiset.

"Just tell me first at ikakalas kita sa pagkakatali." Mapaglaro ang sumilay sa ngiti niya.

"Tss. Lavender Marwei Marie Villamor. Ayos na? Happy, happy?" Bahala na siya sa spelling ng pangalan ko. Pagkasabi ko nakuha ko naman ang atensyon niya.

"Ang taas ng pangalan mo, ah?"

"Mas mataas 'yang iyo.." Mahina kong sabi. Yung bulong lang sapat na ako lang ang makakarinig. Pero lintik lang dahil mukhang may malaking tenga ang kasama ko't rinig niya kahit bulong.

"Hahaha! Nakita mo na pala? Yeah, tama ka diyan. There is no need to deny. I'm highly gifted!" T*ngina. P*ste ang lalakeng 'to. Kailangn talaga ipalandakan? Wala talagang hiya!

Inikot ko lang ang eyeballs ko. Bahala siya!

"Ok, time is up. Sasabihin ko na sa iyo ang plano kung paano kita patatakasin dito." Nagliwanag ang dalawa kong mata, not literally. Nagaalala na rin ako sa mga magulang ko. Baka ngayon hinahanap na ako. Anong oras na ba? Baka kung saan na ako hinahanap ng magulang ko. Maniniwala kaya sila kung sasabihin ko ang totoo?

"Here' s the plan. As you can see, bayaran kang babae–"

"Hindi ako bayarang babae! Kinidnap ako ng demonyung baklang 'yun!" Paano niya sabihin na bayaran ako? Nakita ba niya ako na nagp-perform sa harap niya? Hanep ah!

"Para sa kanila, ganoon ka. Hindi ka madaling makakatakas dito maliban na lang kung babayaran ko sila ng malaki at iuuwi kita."

"Edi bayaran mo na lang!" Mukha namang mayaman ang tukmol na 'to. Naka-nike kasi ang sapatos, mukha pang sosyal ang suot na relo. Mabuti't hindi ninakawan ang tukmol na 'to.

LAVENDER: The President's TreasureWhere stories live. Discover now