part 24: Match

91 10 0
                                    

Sa pag sikat ng umaga, hindi halos ako nakatulog. pag katapos naming mag talo ni Reigan ay napansin kong inaapoy nanaman ng lagnat ang mga anak ko kaya pag katapos din nun ay umalis na kami

Ipinahatid kami ni reigan sa driver , hanggang ngayon ay tulog na tulog pa ang kambal pero nilalagnat padin

"Kuya sa St Fatima Hospital napo muna" sabi ko sa driver, dun ang sabi ni mama na ospital na pinag tatrabahuhan ng tita ko

Wala muna akong pinag sabihan na uuwi ako maliban sa pamilya ko, maging si Zali at nicole ay diko na muna sinabi masyado kong pagod at gusto ko na lahat ng atenyon ko nasa anak ko

Isang malaking gusali natatanaw ko di kalayuan samin "De Marco" naninikip ang dibdib ko unti unti nanamang bumalik ang lahat

Ilang minuto ay nakarating na kami sa ospital nagising nadin ang kambal, tinulungan akong buhatin ng driver ang kambal

"wer wer wer" nakakunot ang noo ni Dave at kinukusot pa ang mata, siguro ay naninibago sila sa kanilang nakikita

"we're in the hospital"pumasok na kami sa loob

"Nathalia" napatingin ako sa doctor na kumaway sakin, Si tita Imelda ang kapatid ni mama na pedia

"Tita" bati ko at inakap sya, kumalas ang pag kakaakap sakin ni  tita at itinuon sa mga bata

"dad dad" sabi naman ni ella at di maidilat ang mata dahil kakagising lang. Hindi ko alam ang isasagot ko  kaya hinalikan ko nalang sya sa pisngi

"Halikayo dun tayo sa office ko" sinundan ko lang si tita habang bitbit ko si ella at bitbit ni manong si david

"Anlaki na nila Gab at hindi mo maipag kakaila sakin na hindi ni Luc- you know ang ama nyan" nailang pa si tita ng bangitin si lucas, Alam ko at unang tingin palang sa mga anak ko lalo na kay david masasabi mo talagang anak nga sya ni lucas at yon ang pinangangamba ko

Pumasok na  kami sa office ni tita

"For now kukunan ko muna ng Urine and Blood test ang mga bata to check kung anong problema, usong uso ngayon ang dengue at UTI sa mga bata"

Kinuhanan na ni tita ng dugo ang kambal at masaya ko na hindi naman sila umiyak

"hintay lang ng mga 30 minutes at malalaman na natin ang resulta"

Mabuti nalang at naidala agad dito kung aasa kami sa Medical ng Isla ay mamatay ang anak ko, doon ay titignan lang sa muka kung anong sakit at hindi na uusisiin pa. Magandang desisyon talaga ang pag punta ko dito

Makalipas ang 30 minutes ay dumating na ang result kitang kita sa mga anak ko ang panghihina kaya maging ako ay nanghihina nadin

"Nath si David normal lahat sakanya meron lang talaga syang sipon at ubo na nag ca-cause ng pag lalagnat nya tuwing gabi ang mas maipapayo ko dumito muna kayo masyadong delikado ang climate sa mga lugar na malapit sa dagat sa kalagayan ng anak mo" sabi ni tita, lalo akong nanghina, hindi papayag si reigan na dito kami at hindi din ako mapapakali kung dito kami lalo lang mapapalapit ang katotohanan at ayokong mangyari yun

"E si ella po?" tanong ko ng hindi banggitin ni tita ang meron kay ella

"in ella's case masyadong mababa ang platelets nya sorry to say this pero may dengue si ella kailangan syang i confine dito para mamonitor sya" lalo akong nanlumo sa sinabi ni doctora

"mom" napatingin ako kay ella na papikit pikit ang mata

"shhhhh mom is here"

Nagulat ako ng biglang may tumulong dugo sa ilong ni ella at nawalan ito ng malay, shittt

"Ella..... Doc yung baby ko" umiiyak nako hindi ko alam ang gagawin ko

"Nurse Emergency!"

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa anak ko

"baby....." tinatapik tapik ko pa si ella hanggang sa may dumating ng mga nurse

"calm down nath, every thing will be fine" tumatakbo kami papuntang emergency room

"stay here nath" pinigilan ako ni doc na pumasok sa emergency room

Umiiyak akong umuupo sa labas ng emergency room

"Nath!" napalingon ako ng tinawag ako ni mama hawak hawak ni papa si David

Tumakbo ko papunta sakanila at inakap ko si mama

"mama"nanghihina nako at hindi ko alam ang gagawin ko

"Shhh wag kang pang hinaan ng loob! Gagaling ang anak mo"

"parang ang sakit sakit lang ma yung makita mo yung anak mo lumala yung sakit dahil mas iniisp mo pa yung pride mo" iyak pa din ako ng iyak. Kasalanan ko naman talaga kung una palang dinala kona dito si ella di sana hindi na lumala yung sakit nya

"Shhh wag mong sisishin ang sarili mo walang may gusto sa nangyari" umupo kaming lahat at kinilik ko si david na ngayon ay tulog na

"anak hindi habang panahon pwede mong taguan ang mga bagay bagay, dadating at dadating tayo sa puntong kahit ayaw natin wala tayong choce kundi tanggapin kasi yun ang dapat"

Hindi ko kaya, hindi pako handa na makilala ni lucas ang mga anak nya hindi pa pwede kahit andito ko sa manila ay hindi parin ako papayag

Walang kahit isang De Marco ang hahawak sa anak ko

Makalipas ang ilang oras inilipat nanamin sa isang private room si ella, naka confine na sya at hanggang ngayon ay tulog padin

Si David naman ay dumedede pa, kakatatlong taon na ng mga anak ko ngunit hindi padin sila awat sa pag gagatas

"anak kumain ka muna kanina kapa di kumakain" Sabi sakin ni mama na syang may hawak kay david

"okay lang po ako ma" sabi ko at inaayos ko ang iilang buhok sa muka ni ella

"kailangan mong maging malakas, hindi ka pwedeng makita ng baby mo na nanghihina ka, isipin mo dengue lang yan!" sabi ni trixie na kung makapag salita akala mo may expirience

Hindi ako sumagot, bigla namang pumasok si Tita kasama ang isang nurse

"Nathalia kailangang salinan ng dugo ang baby mo" malungkot si doc ng binalita nya samin yon

"O right doc baka mag ka match kami o si mama si papa or mga kapatid ko" tumayo pako ng mapansing seryosong at halatang nag woworry ang muka ni tita

"Sorry to say this nath, Ate, Pero kahit isa sainyo walang nag match sa dugo ni Baby ella"

halos lumuwa ang mata ko sa gulat, napakabilis ng tibok ng puso ko at para kong sasabog

"tita baka nag kakamali lang kayo" no way, anak ko to pamilya ko to thats very imposible

"No hindi ako nag kakamali, nag pa check na ng dugo ang mama't papa mo pati si trixie pero walang nag match at ikaw hindi mo din ka match ng dugo si ella, si david ang ka match ng dugo mo" halos mapaluhod nalang ako sa kamalasan na nangyayari sa buhay ko,

What did i do to deserve all of this!!!!

"Hindi na pwedeng patagalin to nath meron ng Hemorrhagic Fever ang anak mo"

"Anong sakit yon doc?" tanong ni trixie

"A severe form of dengue fever, alsocalled dengue hemorrhagic fever, can cause severe bleeding, a sudden drop in blood pressure and death "

Halos matumba ko sa huling sinabi ni tita

Lahat naman ginawa ko? Naging mabuti naman akong ina lahat ng pag mamahal binuhos ko sa mga anak ko pero bakit kailangan mangyari pa to

"88% ang chance na ka match ni Baby ella ang daddy nya"

Lalo lang nanghina ang mga tuhod ko at bumagsak na nga ako

Oh god!

-
Votee

Be With YouWhere stories live. Discover now