Chapter 3: Betrothal

205 17 1
                                    

'Cause there we are again in the middle of the night
We dance around the kitchen in the refrigerator light

Madaling araw na nang maalimpungatan si Ken at laking gulat niya nang mapansing wala siyang kayakap. Wala si Rita sa kanyang tabi. May narinig siyang mga mahihinang tunog na para bang kaluskos at mga paglakad na nanggagaling sa labas ng kwarto.

Pagkalabas niya ng kwarto ay laking gulat niya nang nakabukas ang ref at may taong nakatalikod sa tabi nito. Mukhang pamilyar sa kanya ang pigura ngunit hindi niya ito tuluyang matukoy.

Grabbing the closest possible weapon he could find — a hairbrush — he came closer to the figure. Malapit na sana niyang hampasin ng hawak niyang hairbrush ngunit bigla itong lumingon...

"Ta?!"

"Please don't kill me." she let out a small squeal like a little girl.

Nakaupo si Rita malapit sa nakabukas na refrigerator at inosenteng kumakain ng ice cream.

"Grabe ka tinakot mo 'ko!" singhal ni Ken. Umupo siya sa tabi ni Rita, "Midnight cravings?"

She innocently nodded, "Medyo masama kasi naging panaginip ko. So much na nagising ako in the middle of the night and uhh, well now I'm eating ice cream." kwento niya bago ulit sumubo ng ice cream.

"Dapat ginising mo 'ko para na-comfort kita." mas lalo pang lumapit si Ken sa kanya at inakbayan ang huli.

"Ehhh okay na 'yun. Nakakahiya kaya, hindi naman ganun kalaki yung problema ko."

"Kahit na. Hindi ko gustong nakikita kang hindi masaya."

"Ayaw na kasi kitang istorbohin pa. Hindi mo rin naman ako makikita sa himbing ng tulog mo kanina, ang lakas lakas mo pa ngang humilik eh."

"Hoy masyado ka di kaya ako humihilik!" todo tanggi ni Ken.

"Anong hindi eh baka nga kaya masama panaginip ko kasi parang tractor machine 'yung katabi ko!"

Nagkunwari namang nagtampo si Ken at tumayo, "Ganyan na pala tingin mo sa'kin. Sige, bahala ka na riyan."

She rolled her eyes at her super pabebe boyfriend. Tumayo naman din siya and backhugged him, "Napaka-matampuhin naman this boy! Ano ka ba, kahit enough na para maging signal ng World War III 'yang hilik mo, pagtitiisan ko pa rin 'yun noh!"

Mas lalo namang kumunot ang mukha ni Ken, "You're supposed to say something that'll make me feel better."

"Okay, umm, sige Rita bawi tayo." bulong niya sa sarili, "Alam mo kung bakit pagtitiisan ko 'yun? Kasi worth it ka."

Ken smirked at humarap na sa nobya niya, "Better."

Kinuha niya ang mga kamay ni Rita at pinulupot ito sa leeg niya. Nilagay naman niya ang kanyang mga kamay sa bewang ng dalaga.

She looked at him weirdly, "Anong ginagawa mo?"

"Sumasayaw." simple niyang sagot.

She chuckled, "Wala namang music ah."

"Kailangan ba may music para sumayaw? I'm dancing to my own beat and rhythm." sagot ni Ken at gumiling-giling na siyang kinatawa naman ng dalaga.

They swayed with only the moonlight and the light from the open refrigerator illuminating them.

"Akala mo kanina intruder ako or masamang tao?"

"Yep, natakot kaya ako."

"So the thing you chose to attack me with is a hairbrush? "


All Too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon