[Ch.49] Giving In

1.6K 38 8
                                    

[Ch.49] Giving In

// Ayanna's Point of View

Alas dos na nang matapos iyong midnight kainan namin. Lagi naman nilang ginagawa iyon tuwing reunion. Busog na busog ako at feeling ko'y sasabog ng tiyan ko. Bakit ko nga naman ba tinikman lahat ng ulam na naroroon?

I checked my phone, baka kasi may text doon na hindi ko nabasa kanina dahil nga busy kami sa salo-salo and truth be told, mayro'n nga.

Jiro: Kumusta? Good night, Aya!

Napangiti ako nang mabasa ang text niya. Siya kasi 'yung taong 'di nakalilimot. Kahit busy siya o malayo, he always remembers. I-tiniype ko ang reply ko.

To Jiro: Doing good. Ikaw? Good night din and probably, good morning na pag nabasa mo 'to.

Nagulat ako nang nagreply siya. Bakit gising pa ang isang 'to? Tumagilid ako ng higa, facing away Ate Shine na katabi ko matulog. I didn't know why pero riyan siya pumwesto. Wala akong katabi sa kanan ko dahil edge na iyon ng malaking kama. Nasa lapag naman ay iyong isa naming pinsang lalaki na si Trey.

Jiro: 'Di pa ako tulog :)) Bakit gising ka pa?

To Jiro: Katatapos lang no'ng kainan, 'yung sinasabi kong kaweirduhan nila na midnight kumain. Feeling ko tuloy hindi ako matutunawan nito. Haha.

Jiro: Baka naman najejebs ka lang :p kidding, gauge what you feel then take meds if you need to.

Bigla akong natawa nang mabasa ko ang text niya. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil baka magising pa 'yung mga pinsan ko. Karamihan pa man din sa kanila ay pagod dahil sa byahe at mga activities namin no'ng umaga. I typed in my reply.

To Jiro: Sir, yes, sir! :)

Kapipindot ko pa lang ng 'send' ay nagvibrate ulit ang phone ko. Grabe naman sa bilis magreply ni Jiro? Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang karereceive pa lang na text. It wasn't Jiro.

Unregistered number: Don't text him, especially that I'm just almost two feet away from you. It's killing me... not knowing what you're talking about, hurting me hearing you laugh just because he sent you a message. That was supposed to be my place... and I don't want another guy taking my place. I don't share, Aya.

Bakit ba lagi na lang niyang pinapansin 'pag tungkol kay Jiro? He wasn't even sure it's Jiro I'm sending text messages to. And what the hell, I'm not his for hin to say that!

Napabaling ako pakabila. He was there, nakahiga patagilid, nakatukod iyong siko niya sa kaniyang unan, nakapatong ang kaniyang ulo doon at nakatingin lang siya sa akin. Sa gitna naming dalawa ay mahimbing na natutulog ang kaniyang kapatid. Iwinagayway niya iyong cellphone niya sa akin. Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa pakikipagtext kay Jiro.

At ano pang sabi niya? It was supposed to be his place? He gave up for that spot long ago. Sinabi ko sa kaniya noon na kung ihahakbang ko ang paa ko noong gabing iyon sa labas ng building na tinitirahan niya ay hindi na ako babalik sa kaniya. Hindi niya ako hinabol. Hindi niya ako pinigilan. He let go of me. Kaya wala siyang karapatang bumalik sa akin ngayon. Wala siyang karapatang sabihing siya dapat ang kausap ko ngayon at hindi si Jiro. Matagal na niyang binitiwan iyon. Matagal na siyang napagod para ro'n.

He's My Cousin!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora