CHAPTER TWO (PART 2)

768 14 5
                                    

CHAPTER TWO (PART TWO)

ALL RIGHTS RESERVED 2012



A/N: Nagupdate na po ako ngayon xD Sorry kung matagal sa pag-update! Maraming bitin daw... Bwahahahaha! Sorry po talaga! Akala ko walang magbabasa ng story ko! I really appreciate that you, guys are reading my story na parang di naman nakakatakot... THANKS A LOT!!!

play ninyo po yung video para mas nakaktakot habang nagbabasa kayo !!!

*********************************************************************************

(Year 2005: Clarity's room)

" Gusto mo bang kumain, babe? Magpapabili ako kay kuya Francis if you want to... " malambing na sabi ni Clarity kay Jayson. Babawi siya dito. Nagkagalit sila dahil sa sobrang kitid ng utak niya. Ano ba kasing pumasok sa isip niya? Shocks! MAbuti na lang pinatawad siya ni Jayson. siguro kung hindi, baka hindi niya makaya...

" Sige. Ikaw nagugutom ka na ba? "

" Uhm... medyo. Anong gusto mong ipabili? "

Hinawakan bigla ni Jayson ang kamay ni Clarity. " Kahit ano... basta kasama kitang kumain, okay lang. "

Napangiti naman si Clarity dahil sa sinabi ng boyfriend niya. Yes, talagang hindi niya nga kayang mabuhay ng wala si Jayson sa tabi niya. Ito na lang ang tanging tao na nakapagpapangiti sa kanya. Tutal, balewala lang naman siya sa mga magulang niya...

" Sige... lalabas lang ako at magpapabili ako kay kuya Francis ng pagkain. Kahit ano ha? Sabi mo yan... " pinigilan ni Jayson na tumayo si Clarity.

" Sige, ako na lang anng magsasabi kay kuya Francis. " tumayo nga si Jayson at pagkabukas niya ng pintuan, nakita niyang nakatayo si kuya Francis sa tapat nun...

Kanina pa ba si kuya Francis sa harapan ng pintuan?




************************************************************************************

(PRESENT TIME)


" Bakit wala kang nakikita? " naiinis na si Jam. Natatakot na nga siya sa hitsura ng babae sa litrato, hindi pa rin makita-kita ni Jonel ang babae sa picture.

" Siguro... " hindi pinatapos ni Jamillah si Jonel.

" Siguro ano? "

" Siguro... ayaw niya sa aking magpakita. Baka ang gusto lang ng multong sinasabi ninyo ay magpakita lang sa inyong dalawa. Sinabi mo nga kanina na wala ding nakita ang mommy mo di ba? Baka may isang pangyayari sa multo na yun na gusto niya lang na malaman ninyo. Maaaring gusto niya ding maghiganti sa inyo dahil may nagawa kayong mali sa kanya na hindi ninyo namamalayan. O baka humihingi siya ng tulong sa inyo? "

" Ang dami namang possibilities! Pwedeng isa lang? " sabat ni Karlie.

" Kaya nga mga posibilidad di ba? Marami yun! " sagot ni Jonel.

" Eh ano naman sa mga sinabi mo ang pwedeng tama? " si Jamillah.

" Lahat ng sinabi ko, maaaring pwede. Pero kung ako sa inyo, huwag kayong matakot sa babaeng multo na 'yun. Dapat, tuwing magpapakita siya sa inyo, kung may pagkakataon kumalap kayo ng mga idea kung ano bang pwedeng gusto sa inyo ng multo na yun. At sabi mo nga, Jam wala namang multo dito sa kuwarto mo dati. Baka nga may isang bagay siyang nakita sayo I mean sa inyo para sa inyo lang siya magpakita di ba? At yun ang dapat ninyong alamin. " page-elaborate ni Jonel kina Jam.

" Kami lang!? Wala kaming alam sa mga ganyang bagay Jonel! Pwede bang tulungan mo kami? " sana pumayag si Jonel, kung hindi, wala siyang magagawa kundi magtitili kapag magpapakita sa kanila ang multong iyon.

" Uhm... ayoko. Ayokong madamay sa gulo ninyo. "

" Please Jonel! Im begging you! Help us! " lumuhod si Jam at hinawakan ang hita ni Jonel.

" Oo nga! We are scared! " gumaya si Karlie sa ginawa ni Jam.

Hindi naman alam ni Jonel ang gagawin niya. Papayag ba siya? ?______?

" Jonel! "

" Oo na! Pumapayag na ko! "

Napatayo sina Jamillah at Karlie sabay yakap kay Jonel. Yes! Makakatulong si Jonel sa misyon namin!



*************************************************************************************** 

(Year 2005)



" Kuya Francis! Kanina ka pa ba nandiyan? " tanong ni Clarity nang makatayo siya. Lumapit siya sa pintuan kung saan nandodoon si Jayson.

" Hindi. Ngayon lang ako. Baka kasi may ipabili kayo? " parang iba ang tono ng pananalita ni Kuya Francis. Pati uri ng pagtingin nito ay kakaiba. Natatakot na siya. Kanina niya pa napapansin ang mga uri ng titig na yun ni kuya Francis. Sobrang kakaiba.

" Ah, opo. Magpapabili lang po sana kami ng pagkain. " sabat ni Jayson.

" Anong pagkain... " si kuya Francis.

Tumingin sa kanya si Jayson at ngumiti. " Ano bang gusto mo, babe? " sweet nitong tanong kay Clarity. Ang hindi nila alam, sobrang selos na si Francis...

May lihim siya...

Lihim na pagtingin sa dalagitang si Clarity...

Pero hindi sila bagay nito dahil kasambahay lang siya...

At ngayon, selos na selos siya.

Samantala, si Clarity naman ay talagang natatakot na. Gusto niya sanag sabihin kay Jayson na natatakot na siya kay Kuya Francis pero hindi niya magawa dahil nasa harapan nila si kuya Francis.

" Uhm... spaghetti na lang, babe. " sagot ni Clarity.

" Spaghetti daw po kuya. Ako rin po ganun na lang din ang bilhin ninyo sa akin. " kausap ni Jayson kay Francis. Pagkatapos nun ay umalis na si Francis para bumili ng pagkain. Naiwan silang dalawa ni Jayson sa kuwarto. Sasabihin niya ba na may nararamdaman siyang kakaiba kay kuya Francis? Siguro huwag na. Baka masyado lang siyang OA at kaka-ayos pa lang nila ni Jayson.

" Okay ka lang babe? " tanong ni  Jayson nang mapansin na tahimik si Clarity.

" A-ah? Ah, okay lang ako, babe.  Gutom lang 'to. " dinaan ni Clarity sa tawa ang iniisip niya.

Ang hindi niya alam...

Malapit na ang katapusan niya...



*****************************************************************************************

A/N :  Sorry yun lang po ang naisip ngayon ^_^ Gusto ko po kasi matakot kayo sa next episode!~ Bwahahahahahahahahahhaha !!! THANKS FOR READING! Ilalagay ko din po pala ang pic. ni kuya Francis xP


EDITED. 2017

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Where stories live. Discover now