CHAPTER NINE (Part 1)

459 8 1
                                    

ALL RIGHTS RESERVED 2012

Note: Malapit-lapit na din siyang matapos :D Minamadali ko kasi kailangan ko nang mag-UD sa iba ko pang stories eh :)) hehe Birthday nga pala ni kuya Jayson T. ngayon, Dec. 4. Nalaman ko lang kay Clarity :D

____________

"Ahh.. ganun po ba kuya? Nasaan po si mommy?" tanong ko sa lalaki.

"May pinuntahan lang siya at ipinagbilin ka niya sa amin ni Pamy."

"Pamy? Sino po yun?" nilapag ko ang bag ko sa kaharap na sofa ni kuya Francis. Umupo ako pagkatapos.

"Bagong katulong din siya dito. Uhm, gusto mo bang mag-meryenda muna?" sabi niya sabay tayo. Tumango na lang ako dahil pagod na pagod nga ako. Nakita ko siyang pumasok sa kusina. Nagtaka lang ako kung bakit kumuha pa si mommy ng mga katulong dito sa bahay eh kaya ko namang gumawa ng mga gawaing bahay. Pero mas mabuti na nga din sigurong may katulong.

Hindi ko na hinintay si kuya Francis at pumasok na ako sa kuwarto ko. Gustong-gusto ko magpahinga pero may kailangan muna akong alamin at subukang gawin.

Pagkapasok ko sa room ko, binuksan ko ang PC ng computer ko. Matagal-tagal na din akong hindi nagbubukas ng computer. Kung may mga assignments man, nagre-rent na lang ako dahil sa natatakot ako sa kuwarto ko na may multo.

Pagkabukas ko sa computer ko, tinignan ko ang mga files. Nagulat ako nang may makitang isang file na hindi ko naman ginawa. Wala naman akong sinave na file name na "Mine". Kaya ano 'to? Baka naman pinakielaman ni mommy ang comp. ko.

I clicked the file.

O______O

 Sh*t. What is this? Bakit may mga pictures ako ni kuya Jayson sa computer ko?! Alam kong crush ko siya pero hindi ako obsessed! Saka parang... teenager pa lang siya ng kuhanan ang mga pictures na ito! Paano ako magkakaroon ng ganito?

Hindi kaya...

Noong sinapian ako, ako mismo ang nag-upload ng mga ito dito? Hindi imposible. Pero baka tama ang hinala ni Karlie na.. na girlfriend or crush or obsession ng nagpapakita sa amin na babae si kuya Jayson?!

Tinignan ko ang mga pictures. May ibang pics na may kasamang babae si kuya Jayson. Pero blurred ang mukha niya. Hindi kaya heto nga talaga ang babaeng nakita ko kanina? Yung mukha niya, maganda. Hindi malayong magustuhan ni kuya Jayson yun. Pero hindi ko talaga siya kilala.

Hindi naman siguro niya kapatid dahil may mga pics sila na sobrang sweet nila. Pero blurred pa rin ang mukha nung babae. May kumatok sa pinto ng kuwarto ko kaya tumayo ako at binuksan yun. Yung paraan ng pagbukas ng pinto na maliit lang ang siwang at ulo ko lang ang makikita. Ayoko kasing may makaalam na iba tungkol sa bagay na yun.

"Jam, meryenda mo oh." tsk. Si kuya Francis lang pala. Kinuha ko nga sandwich na binigay niya at juice. Tumawag ako kay Karlie para sabihin ang natuklasan ko ngayon.

Paula's POV

LATER...

Maraming ginagawa ako eh ^_^ Part 1 muna xD Abangan ang POV ni Paula, hindi ko alam kung kontrabida ba siya dito o ano xD wahahaha xD ako na ang tangang author :P Saka ano kayang mangyayari sa pagbabalik ni kuya Francis???

WEBCAM GHOST STORY (Book 1 and Book 2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora