Red

7.4K 123 2
                                    

Yma’s POV

Iyak lang ako nang iyak sa loob ng cubible. Ang dami-dami ko ng frustrations sa buhay, madadagdagan na naman!

Arrrrgggg!!!!

Pero hindi ako susuko. Life is short ika nga, kaya’t kailangan gawin mong makabuluhan ang life mo dito sa earth.

Pinahid ko ang mga luha ko at umalis na ng c.r.

Hindi ako magpapatalo. Ryan said he loves me kaya panghahawakan ko iyon at ipaglalaban ko iyon.

Bumalik ako sa desk ko na nakabusangot. Tsk. Gutom na ako, ‘di pa ako nakakapaglunch samanatalang sarap na sarap ang dalawang taong nasa loob ng mini-pantry sa lunch na pinadeliver ko.

Tiningnan ko ang baunan ko. Hay, salamat, buti na lang at may hinanda pa lang lunch para sa akin si nanay.

Kinuha ko na iyon at nilantakan na. Kanin at pork adobo ang ulam ko. Hmmm…

Natapos na lang akong kumain at mag-aalauna na pero hindi pa rin lumalabas ang dalawang iyon. Tsk. If I know may milagro ng ginagawa ang mga iyon.

Hay, ipinokus ko na lang ang atensyon ko sa trabaho. Tsk. Hindi pa rin sila lumalabas.

2pm na at sa wakas natapos na rin sila sa anumang ginagawa nilang kababalaghan.

“Bye sweeties. Don’t forget to drop by my hotel suite later okay.” Paalam ni blonde kay Ryan

Hmp! Landi!

“Okay babes.” Hinalikan ni Ryan ang blonde sa cheeks. Hmp. Napairap na lang tuloy ako. “Take care.”

“I will. I love you baby boy..” eeewww. Arrrggg… nasusuka na talaga ako sa mga sinasabi nila ha.

“I love you too!” hiatid ni Ryan ang blondinang iyon papunta sa elevator.

Nang papasok na siya sa opisina niya tumingin muna siya sa akin.

Nagtitigan lang kami for a few seconds, pero nauna siyang nagbabae ng tingin at pumasok na opisina niya nang walang sabi-sabi.

Triny kong ifocus ulit ang sarili ko sa trabaho pero hindi ko kaya. Nangingitngit ako sa inis.

Huminga ako nang malalim at nagbilang ng isa hanggang sampu pero wala pa rin!

Hindi ko na kinaya. Tumayo ako at tinungo ang pinto ng opisina ni Ryan.

Walang sabi-sabing padabog kong binuksan ang pintuan ni Ryan pero ako ata ang mas nagulat nang hindi man lang natinag si Ryan!

Whatever it Takes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon