Love

8.6K 149 3
                                    

“Yma! Ganyan ka na ba talaga kababa na kahit ang taong lumapastangan sa’yo ay pinoprotektahan mo pa?!” nanggagaliting tanong ni Yumi sa akin

Nasaktan ako sa sinabi niya “Bakit Yumi? Alam mo ba kung ano ang pinagdaanan ko?! Hindi naman ‘di ba?! Kaya kung pwede lang ‘wag mo naman din sana akong husgahan, at si Ryan. Wala kang alam sa nangyari!”

“Pero siya ang pumatay sa anak mo! Hindi pa ba sapat na dahilan na iyon para layuan mo ang lalaking yon?!” hindi pa rin bumaba ang tono ng boses ni Yumi

“Anak ko Yumi. Buhay ko! Ako ang magdedesisyon sa kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko kaya please lang Yumi sana galangin niyo ang desisyon ko!”

“Ah ganon? So dahil hindi mo naman pala talaga kami tunay na pamilya parang balewala na lang kami?! Ganon ba yun Yma? Eh napakawalang kwentang kaibigan mo naman pala eh! Wala kang utang na loob! Kami na nga itong nagmamalasakit sa’yo ganyan pa ang pinapakita mo!”

“Yumi! Tama na!” sigaw ni nanay

Nagkakagulo kami ngayon. Buti nga at pinapasok ni yumi yung mga kapatid niya sa kwarto dahil ayokong madamay pa sila sa gulong to. Galit na galit kasi talaga si Yumi nang malaman niya ang totoong nangyari sa akin sa Amerika. Isinumbong niya it okay nanay at ganoon na lang ang pagkagulat nang malapit ng atakihin si nanay sa puso ko.

Pinaalis ko na lang muna si Ryan. Ayoko na kasing madamay pa siya sa away pamilya naming. Kakausapin ko na lang siya bukas sa opisina.

“Yumi ano bang pinuputok ng butsi mo ha?! Buhay ko to. Sana respetuhin mo naman din ang desisyon ko! Oo nasaktan ako. Sinaktan ako ni Ryan habang nasa Amerika ako pero sana maintindihan mo rin naman an napagdaanan ko na rin ang proseso ng pagpapatawad. Yumi, tao ka rin. Nasaktan ka rin noon, at naiintindihan ko kung bakit ganyan ang reaksyon mo pero sana maintindihan mo rin ako Yumi.”

Napatahimik lang si Yumi sa sinabi ko.

Nasaktan din si Yumi noon ng ex-boyfriend niya. Kaya ganon na lang ang pagpoprotektang ginawa niya sa akin ngayon dahil natatakot siyang balikan ang mga panahong halos kilitin na niya ang sariling buhay dahil sa kalungkutan at sobrang depresyon.

“Yma, hija, sana rin maintindihan mo kami. Pamilya mo kami. Hindi man siguro kami ang totoo mong pamilya pero kami pa rin ang pamilyang umaaruga at nagmamahal sa’yo. Ayaw ka lang naming mapahamak kaya tinututulan namin ang desisyon mong makarelasyon mo yung Ryan na yon.” Malumanay na pahayag ni nanay. Buti nga at maayos na siya ngayon dahil nung kwinento ni yumi ang tungkol sa nalalaman niya ay nahirapang huminga

“’Nay, naiintindihan ko naman po iyon eh. Kaya lang ho nay, natuto naman na ho ako. Tapos na po ako sa galit at poot. Natapos na rin po ako sa proseso ng pagpapatawad. Sana naman po nay, suportahan niyo po ako sa proseso ng pagtanggap at pagmamahal. Nay ‘di ba nga ho sabi niyo sa akin dapat tayong mga tao ay nagpapatawad dahil kahit si Kristo nga ay nagpapatawad, tayo pa kayang mga tao lamang?” naluluhang litanya ko

Whatever it Takes (COMPLETED)Where stories live. Discover now