My Stepbrother

1.5K 8 3
                                    

"Anak siya yung tunay mong magulang" mangiyak ngiyak na sabi ni nanay

"Pero nay pano po? Sabi niyo po kayo po nanay ko" malapit ng bumaha ng luha ko dito sa munti naming bahay kasi di ko akalain na hindi nila ako anak dahil medyo kahawig ako ni Nanay Rosa at ni Kuya Roy. Pero mas kahawig ko itong sinasabi na tunay kong magulang

"Uhm a-anak pasensya na hindi kita kaya buhayin nun kaya pinaubaya kita sa kaibigan ng lola mo at yun ang nanay mo ngayon" medyo utal nyang sabi

"Nay di ba po di niyo ko bibigay sa kanya kayo po magulang ko nay" grabe na hagul hagol ko ayoko iwan si nanay at tatay pangako sa kanila na kahit mag asawa ko dito kami titira

"Rachelle pwede bang sa susunod ka nalang pumunta dito masyadong na bigla ang bata" tumango siya at tumayo sa pag kakahulod

"S-sige po. Naiintindihan ko po babalik nalang po ako" at tuluyan na siyang umalis

"Nay Tay diba po kayo magulang ko, kayo po ang pamilya ko at hindi siya" hanggang ngayon ay umiiyak parin ako

"Nak pasensya na dahil hindi namin nasabi ito sayo. 4 na buwan ka palang noong iniwan ka samin ng mama mo dahil namatay noon ang lola mo hindi ka niya kayang buhayin dahil ang tatay mo ay naaksidente kaya wala ng tutustos sa inyo... naisipan ng mama mo na iwan kasamin dahil siguro kami lang ang kanyang mapagkakatiwalaan. Nung nag 10 taon ka na ay muling nag paramdam ang mama mo at ang kwintas na yan ay galing sa kanya"napatingin ako sa aking kwintas na akala ko ay bigay nila nanay

"Pero tay bat hindi niyo po sakin sinabi kaagad" tanong ko

"Kasi sabi ng mama mo ay aalis din siya dito sa pilipinas kaya hindi ka pa niya makakasama ng matagal" sabi ni tatay

"Nak ayaw man namin pero kailangan. Magiging maayos buhay mo doon sa mama mo. Panahon na siguro para siya naman ang makasama mo" sabi pa ni nanay. Inakap ko silang dalawa at tila ayoko ng bitawan pa.

"Nay, Tay, Kuya, Ate mamimiss ko kayo. Pupunta ko dito lagi. Ingat kayoo" hindi ko maiwasang umiyak dahil aalis na ako sa kanila at lilipat na kay Mama. Tumakbo ko sa kanila at inakap

"Baby Rose ingat ka dun ah. Pag may problema ka andito lang kami nila Kuya mo okay?" Lalo akong naiyak sa sinabi ni Ate Rose. Siya si Ate Rose ako si Baby Rose. Pero ako amy mary siya wala haha..

"Sige ate ano bayan parang ayoko na umalisss" nag tawanan na kami at tuluyan na kong umalis kahit may pag kabigat sa loob ko

"Good Afternoon maam" nag bow sa kaniya ang isang kasambahay dito

"Ate Sely, Ate Gin palagay naman ito sa kwarto ni Rosemary"utos ni Ra— ni Mama

"Sige po" kinuha nila ang aking gamit di naman ito karamihan dahil konti lang naman ang gamit ko

"Tara dito Rose"sumunod ako kay Mama at ng nasa sala na kami ay may nakita akong lalaking wAlang emosyon ang muka at isang kaidaran siguro ni Mama na lalaki rin

"Rose. Si Matheo asawa ko, si Kristopher anak niya bali stepbrother mo"pakilala niya sakin. Nakangiti lang yung asawa ni Mama pero ung anak niya ganun parin. So kasal na si Mama at hindi niya anak to baka katulad lang kame siya walang nanay at ako walang tatay kaya nag sama haha

"Uhmm H-Hello po"na iilang kong sabi kasi nahihiya ako

"Hija, ako nga pala si Matheo pede po kong tawaging Papa Theo okaya papa lang at siya si Kristopher an—"

"Pa. Just Kris cut the topher"pairap pa niyang sabat at umalis na bakla ba to

"O well.. Siya si Kris he don't want to be called Kristopher because her mom can only call him that but she's gone" kaya pala parang galit sa mundo yun

My Stepbrother Where stories live. Discover now