Chapter 6

42 4 0
                                    

"Anong problema dito?" Napalingon kaming lahat sa boses ng lalaking umeepal sa labanan namin ngayon.

Kung kanina ay mainit ang ulo ko pwes ngayon ay mainit na mainit na talaga! Ano na naman ang ginagawa ng kabute na ito dito? Bakit ba kung nasan ako ay lagi nalang itong lumilitaw na para alikabok! Bwisit!!

"Sir Lukas. Wala naman po inutusan lang ako ni sir na pagsabihan sila na huwag maingay." takot na sagot ni kuya staff kay Lukas. Tumango lang ito saka nagsalita.

"I'll talk to him." sabay lingon sa direksyon namin. " Kayo.. dito muna kayo. Kakausapin ko lang ang may-ari." Yun lang at saka naglakad, marahil ay dun na iyon pupunta.

"OMG!!! Ang gwapo bakla!!!" Si Ana na parang kiti-kiti na ewan.

"Si Sir Lukas yun. Yung enemy ni Berna." sagot ni Tonette na ngayon ay nagbubuklat na naman sa menu na parang walang nangyari. Patay-gutom!

"Yun ba?" Nagulat ako ng hampasin ni Sari yung balikat ko. "Bakit mo inaaway ang hulog ng langit na iyon?"

"Hulog ng langit? Sure ka? Mukha bang sa langit galing iyon?" Hindi ko maintindihan ang mga babae na'to.

"Sus.. Mag-iinarte kapa teh?" Si Tonette na naman.

"Bwisit na lalaki na yun. Walang ibang ginawa kundi sirain ang lovelife ko." Totoo naman talaga simula ng sumulpot yung loko na yun hindi na naging masaya ang Prince Charming Search ko.

"Baka may gusto sayo kaya ayaw na iba ang ka-date mo." Wala sa sariling sabi ni Sari. Parang bumilis ang tibok ng puso nko sa narinig.

"Ba-liw.." kandautal ko sabi kay Sari. Ano na namang ang pumasok sa isip ng loka-loka niyang kaibigan para masabi may gusto sakin yung panget na yun.

"Hoy joke lang yun. Huwag kang kiligin bakla." Ganti ni Sari. Nagtawanan sila Ana ta Tonette. Nag-init na naman yung mukha ko dahil sa hiya. Bruha ang mga kaibigan ko.

"Hindi kaya noh. Yucks!" Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ng umupo sa lamesa nila ang lalaking kanina pa nila pinagtatalunan at syete lang talaga sakin pa talaga tumabi.

Paglingon ko sa gawi niya bigla na namang naging abnormal ang pintig ng puso ko. Nailagay ko tuloy ang kamay sa may bantang puso ko habang nakatingin sa binata na ngayon ay sobrang lapit na sa akin..

Nagwild naman ang mga hormnes ko ng masamyo ang pabango nito. Oh My! Bwisit kasi tong si Sari kung anu-anong pinagsasabi eh!

"Ano? Gwapo naba ko sa paningin mo?" Napapitlag ako sa narinig hindi ko kasi namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Napalingon ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay halos mamatay na sa kakatawa. Yung totoo, kaibigan ko ba talaga sila?

"Bakla nakakahiya ka." untag ni Tonette sa kanya habang panay pa rin ang tawa. Nakakahiya talaga! Walanghiya kasi tong lalaki nato eh! Akala niya ba maiisahan niya ko?

"Hoy KULAS! Kapal ng face mo. Sinong may sabi sayo na gwapo ka? Tinitingnan ko lang yung mukha mo kasi gusto kong makakita ng panget ngayon!" Bwisit sana kagatin nila yung alibi ko. Bakit ba kasi ang gwapo nito eh!

"Tama na nga yan. Hmm. Ano palang sabi nung may-ari?" Inawat na kami ni Ana. Umaayos naman ng upo si Sari at ako din ay napatingin ng seryoso kay Lukas.

Sana naging maayos yung usapan natatakot kasi ako na baka i-ban kami dito ito pa naman yung favorite dating place naming apat.

"Don't worry ladies. Everything has been settled." Sabay kaming apat na nakahinga ng maluwag. Malamang pare-pareha din kami ng iniisip kanina. "The owner is my friend. Actually, he is my best buddy kaya wala kayong dapat ipag-alala."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NBSB Series 1 The Search for "He's The One"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon