GAY?

7.2K 24 0
                                    

We been friends since Grade 7.

Si Angelo yung tipo ng lalaki na mas mahihin pa gumalaw kaysa sa babae, ako namn yung tipo ng babaeng sobrang ingay sa klase..

Our first meet is one of the most treasured memories for me..

Kasi kahit naman babae siya gumalaw gwapo naman siya at halatang mabait kaya di rin maiwasang maraming mag kagusto sa kanya at isa ako don..
Pero para sa akin ako yung pinaka naiiba.

Ako Kasi ang may pinakamakapal ang mukha.

The first day I meet him, kinausap ko agad...

Ayy Hindi pala,I actually bully him.

Tinawag ko siyang bakla at kung ano ano pa.

Ganun siguro pag gusto mo.

Never siyang nagalit sa akin kahit na araw araw ko siyang binubwesit.

Hanggang sa may nakaaway akong isa sa mga nag kakagusto sa kanya. Si Princess.

She called me a flirt. At nasaktan talaga ako ng sobra non kasi it was my first time that someone called me flirt.

Kaya iniwasan ko siya, tinuon ko sa iba ang atensyon ko..

Napapansin ko ring dumidistansya siya sa akin..

Naging mag ka groupo kami sa isang subject at ako ang leader at siya ang secretary Ganda ng sulat ehh.

Kaya talagang di ako nag tataka na marami talagang nag dududa sa sinasabi niyang 'lalaki ako'.

Naging okay kami non kahit di namin napag usapan ang mga bagay bagay.

Nung mag gra-grade 8 na Ako.
Nakapag decide si Mama na e transfer ako sa ibang school.. isa sa kilalang school sa lugar namin.. pero malayo ito sa bahay almost 1 hour ang byahe kaya di din nakayanan ng katawan ko kaya nung nag grade 9 pinabalik ako ni mama sa school ko dati.

Hindi kuna naging classmate si Angelo
At nabalitaan ko ring may crush siya..
Si Alija.
Maganda namn siya at matalino kaya naiintindihan ko namn kahit masakit.

I focused on my studies at nagka rank ako sa room namin as rank 4.

Grade 10 naging magkaklase kami ulit..

We become so close.. mas close pa Dati

Hanggang sa binibiro na kaming mag jowa.

Minsan pa nga pinagkamalan pa kami.

But then again may nakaaway akong bakla dahil sa kanya.

At ito nanaman ako iniwasan siya.

_
Late na Ako sa school kaya nag mamadali na akong pumara ng tricycle papunta sa school late na kasi ako nakatulog kagabi kaya late narin ako nagising.

Pagkarating ko sa school tapus Na ang flag ceremony kaya dumiretso na Ako sa room namin..

'Parang ang babait na studyante..
Baka pinagalitan' pagkausap ko sa sarili ko.

Pumunta agad ako sa pinto at balak kuna sanang pumasok ng tumahimik silang bigla.

Tumingin ako sa paligid kung may teacher ba pero Wala namn..

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila pero ni kahit isa walang sumagot.

Ang weird nila promise.

Pumunta agad ako sa upuan ko pero bagu ako maka upo napatigil ako don sa naka sulat sa black board.

'CAN YOU BE MINE FOR REAL'

Yan yung nakasulat don.

Nilingon ko ang mga ka classmate ko at lahat sila sa akin naka tingin.

Umupo ako at kinalabit yung kaibigan ko..

"May nanligaw ba dito? Ano yan?" Sabay turo ko sa pisara.

Pero di ako sinagot ng bruha.

" We been friends for almost 4 years, at maraming nangyari" nagulat ko ng biglang pumunta si Angelo sa harap.

"Lagi mokong inaasar di ko nga alam kung may galit ka sa akin eh, but gustong gusto ko yung ginagawa mo kasi at least don napapansin moko, nung may nakaaway ka dahil sa akin nag panic ako baka kasi mag iba ang turing mo sa akin at nangyari nga Yun. Iniwasan moko at di na inaasar nanibago ako non, kaya ang ginawa ko ay iniwasan ka din. Every time na nagkakaroon ng groupings tas di kita ka groupo lagi akong nakikipag palit para maka grupo ka lang, then nalaman ko na mag tatransfer ka akala ko talaga di na kita makikita nung bumalik ka sa school natin akala ko pwede ko nang maipagtapat yung nararamdaman ko kaso parang nag iba ka. Sabi niya naka focus ka lang daw sa study mo at dahil don di na kita ginulo, ang now na g10 na tayu nakasama at naka usap kita ulit at sobrang saya ko ng mga panahon na kasama kita. Alam ko dahil sa akin napapahamak o napapaaway ka at nag sosorry ako don, pero Nica wag Mo naman akong iwasan ulit oh, di kuna Kasi alam ang gagawin ko pag di moko kinakausap o pinapansin eh, please sana pumayag kang maging tayu, sana bigyan moko ng chance na ipakita sayu na di lang kapahamakan ang naidudulot ko kundi pati kasiyahan mo" sabi niya at lumapit sa akin.

Lahat ng classmate ko sumisigaw at ako kinakabahan.

Nang nakarating siya sa harap ko hinawakan niya ang kamay ko.

"Please give me a chance to prove to you na mahal kita at seryoso ako don, even though mas babae pa ako gumalaw sayu handa akong magpakalalaki para lang magustuhan mo Niks please" sabi niya sabay bigay sa akin ng bulaklak.

Nanginginig ang kamay ko pero tinanggap ko ito.

Tinignan ko siya at nakikita ko ang sensiridad sa Mata niya.

" Di ko iniexpect to, I thought di Mo magugustuhan ang tulad ko, Angelo I like you too, pero natatakot akong di magustuhan ng mga taong nasa paligid mo" sabi ko sabay yuko.

" Wag mong isipin ang sasabihin ng iba as long as masaya tayu at Mahal natin ang isa't isa Wala tayung magiging problema" sabi niya sabay angat ng baba ko.

" Ano ba yan!! Di paba tapus yan? Mauubos na Oras natin di ko parin nasisimulan ang klase" sigaw ng adviser namin na kinatawa ng lahat.

"Oo nga naman . Sagutin muna Nica, Mahal Mo rin namn chosy kapa"

'sasagutin na yan'
'Sasagutin na yan'
'Sasagutin na yan'
Sigaw ng mga kaklase ko..
Tumingin ako sa paligid at di lang pala classmate ko ang nandito pati yung nasa ibang section din at ibang grade levels.

" Ipapahiya moba ako sa kanila?" Sabi ni Angelo na kinatawa ko..

" Syempre Hindi, Sige na! Sinasagot na kita" sabi ko sa kanya at agad niya namn akong niyakap.

Short Stories Where stories live. Discover now