justice

640 7 2
                                    

"Please help meee" sabi ko habang nakikiusap sa mga taong dinaandaanan ako..

Lumapit ako sa ibang babae.

"Ate tulungan moko please. I'm begging you" pero tumingin lang siya sa akin na parang nandidiri.

Halos lahat ng nakakasalubong ko napapatingin sa akin.

Tinitignan nila ako na para bang nakakadiri akong tao.

May nakita akong matanda at ginang agad akong lumapit at humingi ng tulong

"Atee tulungan niyo po ako please " pag mamakaawa ko sa kanila.

Agad naman nila akong dinaluhan.

"Oh ineng anong nangayari sayu at punit punit yang damit mo" nag aalalang tanong sa akin ng matanda.

"Please tulungan niyo po ako" sabi ko sa kanila at tumingin tingin sa paligid baka andito sila.

"Sige taraa dadalhin ka muna namin sa bahay" sabi nong ginang.

Agad naman kaming pumunta sa kanila.
Pinakain at binihisan din nila ako.

"Ano bang nangyari sayu?" tanong sa akin ng matanda

Di ko maiwasang mapa iyak nanaman sa sakit. Dahil naaalala ko nanaman kung paano nila ako binaboy.

"Shushh. Tahan naa, ikwento mo nalang sa amin pag kaya muna ikwento. Tsaka isa pa magpahinga kana alam ko naman na pagod ka" sabi sa akin ng matanda at iniwan ako sa kwarto.

Kinabukasan gusto ko agad pumunta sa Pulis station para mag file ng kaso.

At sinamahan naman ako ng ginang at matanda sa pag punta doon.

Pag pasok ko palang sa police station ibang kaba na ang nararamdaman ko.

Pinaupo kami sa upuan at ininterview.

"Magandang umaga po. Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyu?" tanong ng pulis na nasa harapan ko.

Agad akong napakagat ng labi dahil pakiramdam ko papatak nanaman ang mga luha ko.

"Ma'am?" tawag pansin sa akin ng pulis

Hinawakan ng Ginang ang balikat ko kaya tinignan ko siya.
Sa paraan ng pag titig niya sinasabi niya sa akin na sabihin kona ang problema ko.

Kaya yun nga ang ginawa ko.
Huminga muna ako ng malalim para di ako gaanong kabahan.

"Nirape po ako" sabi ko.

Agad naman napasinghap ang matanda at ginang sa gilid ko ng sabihin ko iyon.

Samantalang ang pulis naman ay seryosong tinignan ako.

"Miss sigurado kaba dyan?" tanong niya sa akin kasabay non ang pag patak ng luha ko.

Dahan dahan akong tumango.

May kinuha ang pulis na isang papel at bullpen.

"Pwede mo bang isalaysay ang nangyari?" sabi sa akin ng pulis at yun nga ang ginawa ko.

"Kilala moba ang mga suspect sa pag gahasa sayu?" tanong sa akin ng ginang.

Tumango ako bilang sagot.

"Pwede ba naming malaman?" tanong sa akin ng pulis.

At tumango ulit ako.

"Si Father Jose at Father Eduardo po" pag amin ko sa kanila.

Agad naman napa cross of sign ang ginang at matanda sabay sabing
"Oh Diyos ko"

Samantalang ang pulis naman ay halatang gulat na gulat.

"Miss wag kang mag biro ng ganyan. Hindi simpleng tao ang inaakosahan mo" sabi sa akin ng pulis dahilan para mapa hagulhol ako sa iyak.

Sinasabi ko ng walang maniniwala sa akin ng basta basta ih. Yung Dalawang demonyong Pari na yon ay kilala dito dahil marami silang mga taong napabago. Akala ng iba mabubuti sila pero alam ko at naranasan ko ang kademonyohan nila.

"Totoo po ang sinasabi ko.. Please po maniwala kayo" pag mamakaawa ko sa pulis.

Agad naman inasikaso ng pulis ang warrant of arrest para arestohin ang dalawa.

__________

Kusang sumama ang dalawang Pari sa mga Pulis.

At ngayung araw na to ang araw ng pag lilitis.

Tinanong ako kung ano ang nangyari.

"Nagsisimba ako non ng biglang lumapit sa akin si Father Jose he said that ang ganda ko daw kaya nag pasalamat ako. Sabi niya sa akin na baka gusto ko daw magkompesal ng kasalahanan ko sa kanya at Umu-o ako dahil aminado akong marami na rin akong kasalanan. Dinala niya ako sa lugar kung saan pwede ako mag kompesal sinabi ko rin sa kanya kong ano ang aking nagawang kasalanan pag katapus kong mag kompesal lumabas ako pero paglabas ko may tumakip sa ilong at bibig ko at unti unti akong nawalan ng malay. Pagkagising ko di kona alam kung nasan kami at don nila ako ginahasa ni Father Jose at Father Eduardo" sabi ko habang umiiyak.

Ang sinunod na tinanong ay si Father Jose.
Kung totoo ba daw ang sinasabi kong salaysay.

"Hindi. Ang laki ng takot ko sa Diyos para gumawa ng ganyang kasalanan" sabi niya.

Ang kapal talaga ng mukha Dinamay pa talaga ang Diyos sa kademonyohan niya.

"Totoo na inimbitahan ko siyang mangompesal sa akin pero di namin siya nirape. Siguro ay gawa gawa niya lamang yan dahil walang pumapansin sa kanya o walang nag bibigay sa kanya ng pag mamahal dahil sa kalagayan niya" sabi ng pari.

"Ano ho ba ang sinasabi niyong kalagayan niya?" tanong ng abogado.

"Na di siya tunay na babae. Habang nangompesal siya sa akin ay inamin niya na siya ay isang trans gender." maraming nagulat sa sinabi niya.

Yes it was true. Bakla ako. Pero hindi ibig sabihin non na walang nag mamahal sa akin kasi alam kung mahal ako ng pamilya ko.

" Isang lalaking naging babae dahil sa sariling kagustuhan. Wala sigurong gustong tumanggap sa kanya kaya ginagawa nita ito sa amin ni Father Eduardo. Ang gusto lang naman namin ay makatulong sa mga taong nakakalimut sa Diyos at kung isa itong pagsubok para sa amin ay haharapin namin. Bahala na ang diyos ang manghusga" sabi niya at tumayo.

Ang kakapal talaga ng mukha nila. Mga hayoppp!!!

Ang sinunod na tinanong ay si Father Eduardo. At marami rin siyang sinabi pero di ko maiwasang magalit sa kanila dahil pati ang mga salita sa bible ay ginagamit narin sila. Lalo na yung tungkol sa babae at lalaki lamang ang ginawa ng Diyos.

Marami silang naging testigo para patunayan na di sila nagkasala.

Ng nagdisesyon na ang korte lahat kami ay nakikinig lang.

"Si Father Jose at Father Eduardo ay napatunayang di nag kasala. Kaya kayo ay malaya na" iyon ang naging disesyon ng korte.

Agad akong nanlumo at napaluhod dahil sa nangyari agad naman akong tinulungan ng pamilya ko para tumayo.

Tumingin sa gawi ko ang dalawang demonyo at ngumiti.

All i want is justice for myself. Pero nakalimutan kong mahirap palang makamit yun lalo na at isa akong bakla.

Short Stories Where stories live. Discover now