Chapter 4

520 24 19
                                    

||Silence||



"Name; Emanuel Lancaster. 37, alive. Have one daugther. Living in Manila, working at a office as a manager. Wife passed away 7 years ago. No criminal records."


"... Is that all?" Tanong ko kay Jansen matapos niyang i-recite lahat ng nahanap at nalaman niyang information tungkol kay Emanuel Lancaster—ang tatay ni Ella. Dumaretsyo kaagad kami ng kwarto ni Jansen dahil nandito ang main computer niya, si Ella naman ay nakaupo sa edge ng kama ni Jansen habang kumakain ng tinapay.


"Nope. That's not all." Sagot ni Jansen habang umiiling. May kung ano itong iti-nype sa keyboard bago ulit nagsalita.


"I manage to find his facebook account, ang nakakapagtaka ay iisa lang ang friend niya. Ang name ng account ay Feri, at nung ini-hack ko ang facebook niya at messenger," Tumigil ito sa pagsasalita saka muling tumipa ng keyboard. Maya maya pa ay lumitaw ang isang convo sa screen ng computer, lumapit naman ako para mas makita ito.


"And viola. Nakita ko yang conversation nila na super weird." Sabi ni Jansen. The first one to send a message is Feri. At first glance, iisipin mo na walang kahulugan o kwenta ang chat niya; ereW gniteem ta eht lausu gniteem ecalp, erew gniog ot tiaw rof uoy ta eno fo eht etavirp smoor. Iyan ang pinakaunang message niya.


"He rearrange the words."  Sabi ko at tumango tango naman si Jansen. Kung babasahin pabaligtad ang message, ito ang message na makukuha mo; Were meeting at the usual meeting place, were going to wait for you at one of the private rooms.


Nagreply naman si Emanuel ng thgirlA, ll'i eb ereht. If translated, it'll be; Alright, i'll be there. Doon na natapos ang convo nila.


"Are you sure about helping the kid? You're not with the police, you know? Assasin ka, specialize ka sa pagpatay hindi sa rescue o paghahanap ng mga missing persons." Kunot noong sabi sa'kin ni Jansen.


"I... Still help her." Mahina kong sabi pero sapat na para marinig niya. Napabuntong hininga nalang naman siya.


Magsasalita na sana siya nang tumunog ang ringtone ng kanyang cellphone, kaagad naman niya itong kunuha sa maliit na lamesa malapit sa kama niya. Nangunot ang noo nito habang nakatingin sa screen ng cellphone, maya maya ay seryoso itong tumingin sa akin.


"Now, this is really weird." Itinaas nito ang cellphone para ipakita sa akin, "Someone just send a request to our organization to kill Emanuel Lancaster." Nangunot na din ang noo ko.


"We should just report and leave this matter to the police, hindi maganda kung mai-involve tayo sa malaking gulo—" Bago pa matapos ni Jansen ang sinasabi ay nagsalita na ako.


"Reject that client and request, kung nag send sila ng genyan malaki ang posibilidan na nakatakas si Emanuel sa kung sino mang kumuha sa kanya." Imbes na tumanggi agad, napatigil si Jansen. Nakaawang ang bibig nito at para bang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.


"Holy fu—!" Bago pa niya masabi ang hindi dapat masabi lalo na't may bata kaming kasama ay tinakpan ko na ang bibig niya.


"Straight yung sentence mo na yon, diba? Straight yon diba? Walang kulang na words, no pauses and ilan bang words yon? Magugunaw na ba ang mundo?" Sunod sunod at tila natatarantang tanong nito. Bored ko lang naman siyang tiningnan. Well... 25 words, maybe..?


"... Focus on.. Main problem, please." Tinatamad kong sabi.


"Well, if you want to help the kid so bad i'll help you. Sabi ni Ella kanina, may cellphone daw yung tatay niya. Since alam niya ang number baka hindi ako mahirapan ma-track ang location niya." Sabi nito saka naupo sa upuan na nasa harap ng computer desk niya at computer. Lumapit naman muna ako kay Ella, naupo rin ako sa gilid ng kama katabi niya.


"Ate, mahahanap niyo po ba si papa?" Nagaalala nitong tanong sa akin pagkaupo ko. Ang tila mga inosente nitong mata ay punong puno ng pagaalala habang nakatingin sa'kin. Unconciously, gumalaw nalang ang kanang kamay ko para i-pat ang ulo niya.


"We'll find him." Bahagya ko pang ginulo gulo ang buhok nito.


"Got it!" Napatingin nalang kami kay Jansen nang bigla itong sumigaw. Lumapit agad ito sa amin ni Ella saka ako inabutan ng isang bluetooth earphone.


"Wear that, kakausapin at iga-guide kita gamit yan in case of emergency. Ise-send ko sa cellphone mo ang location—wait, wala ka na nga palang cellphone." Sumimangon ito. Tumingin tingin ito sa silid niya hanggang sa pumunta ito sa closeth niya at may kinuhang eyeglasses. Inabot niya yon sa akin.


"That glasses are specially made by one of the inventors of our organization, para siyang
cellphone or similar sa x-ray ang kaibahan nga lang ay salamin sa mata yan." Pagpapaliwanag nito. May nakita akong maliit na button sa gilid, nang pindutin ko 'yon ay naging parang sunglasses naman siya.... Cool.


"Ate, aalis ka na ba para hanapin si papa?" Tanong ni Ella, tumayo naman ako mula sa pagkakaupo sa kama saka siya nginitian ng bahagya.


"Yup."


"Be careful ate, hindi ko alam kung nasaan o bakit hindi pa bumabalik si dad pero parang hindi maganda yung kutob ko." Sabi nito kaya muli kong ini-pat ang ulo niya. Binigyan siya ni Jansen ng PS4 kaya naman kaagad siyang nawile, lumabas naman na ako ng kwarto at sumunod nmaan sa akin si Jansen.


"You don't want that child to lose her parents too, right?" Sabi ni Jansen pagkasara na pagkasara niya ng pintuan. Imbes na sumagot, isinuot ko nalang ang earphone sa kanang tainga, dahil mahaba ang buhok ko ay hindi ito kita. Isinuot ko na rin ang salamin ng bigay niya. May nakita naman akong sumbrero sa sabitan sa pader kaya kinuha ko din yon at isinuot. Lagi akong may dalang face mask sa akin kaya isinuot ko din yon, half lang ng mukha ko ang natatakpan.


"I'll.. Barrow this." Sabi ko.


"Wow ah, deadma lang? Pero bago yung kanina ah, sa isang bata ka lang pala ngingiti." Humarap ako dito at sumalubong kaagad sa akin ang tila nangaasar nitong ngiti.


"Take care... Contact me if something happen." Sabi ko. Tumango tango naman ito at nag salute pa.


"Kahit naman alam nilang may anak si Emanuel, sigurado akong hindi nila ito pupuntiryahin dahil masyado pa silang magtatagal. Besides, di nila alam kung paano i-contact si Emanuel." Pagpapaliwa-nag nito. Tumango nalang naman ako. 


Matapos ang usapan namin, lumabas na kaagad ako ng bahay ni Jansen. Sumakay kaagad ko sa aking motor siklo, hindi na ako nagsuot ng helmet dahil may suot akong sumbrero. Nang masiguradong wala nang nakalimutan, pinaharurot ko na ng takbo ang motor. Nag activate naman bigla ang suot 'kong salamin.


"Can you see the arrows, directions anf coordinates?" Narinig ko rin naman ang boses ni Jansen.


".. Mm." tumango ako kahit hindi naman ako nito nakikita. May nakikita akong mga arrows and coordinates. Bukod doon ay para bang nakikita ko rin ang interiors ng bawat sasakyan, building at iba pa na nadadaanan at nakikita ko.


Mas binilisan ko ang takbo ng motor siklo at nagsimulang sundan ang mga arrows.
















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon